CHAPTER 59

196 0 0
                                    

Scarlet POV -

Kahapon naging maayos at masaya naman ang naging lunch namin ni prince Chester.Nakakatuwa din ang mga reaksyon ng mga kaybigan ko ng malaman nilang mag lu lunch kami ni prince Chester.

______________FLASH_BACK_____________

Tumunog na ang bell hudyat na lunch time na .Unti unting nag labasan ang mga classmates ko hanggang sa kami nalang ang matira ng mga kaybigan ko dito sa classroom.

"Carla, Scarlet' tarana punta na tayong dining hall ".

Aya samin ni Amanda.Tumayo naman ka agad si Carla at lumapit kayna Amanda habang ako ay na natiling naka upo pari at napahawak nalang sa batok ko habang hindi alam kung paano ko sa kanila sasabihin na inaya ako ni prince Chester na mag lunch kasama niya.

"May problema kaba Scarlet?"

Tanong sa akin ni Jaze at ako naman ay umiling lang bago nag salita.

"Wala naman kaso hindi ako makakasabay mag lunch sa inyo ngayon"

Napa taas pa si Carla ng kilay at nag tataka nila akong tinignang lahat.

"Bakit?"

Tanong ni Andrea.

"k-kasi"

"Kasi ano?"

Sabay sabay nilang sabi.Huminga ako ng malalim bago tuluyang sabihin na sa kanila ang dahilan ko.

"Inaya kasi ako ni prince Chester na sumabay mag lunch sa kanya".

Biglang ng laki ang kanilang mga mata at nag tinginan pa sa isat isa bago nag si tilian sa harapan ko.

"Ahh.. shhh...Wag kayong tumili baka marinig kayo!"

Saway ko sa kanilang apat.Agad naman silang lumapit sa akin at pinag tatanong ako

"Bakit dimo sinabi samin?"

"Paano ka niyaya ni prince Chester?

"Saan at kelan kapa niya niyaya?"

"Saan kayo mag lunch?

Sunod sunod nilang tanong sa akin at ako naman ay di makasagot at napapa ngiti na lang sa mga reaksyon nila.

"Bakit dimo sinabi samin edi sana na ayusan ka namin".

Nag tatampong sabi ni Carla at itong tatlo naman ay sumang ayon din sa sinabi niya.

"Simpleng lunch lang iyon at kaya din pumayag ako ay dihil pang bawi kona yun sa tulong sakin ni prince Chester".

"Kahit na, bapa-"

Naputol ang sasabihin ni Carla ng bigla nalang kaming may narinig na nag salita at tinawag ako.

"Scarlet"

Napalingon kaming lahat sa pintuan at diko inaasahang nasa tapat ng pintuan si prince Chester.Na taranta ako bigla at inayos muna ang sarili ayaw ko namang mag muka akong ewan sa harapan ni prince Chester.

Bigla akong Hinawakan ni Amanda sa balikat ko at ipinunta sa harapan ni prince Chester.

"Hi"

Nahihiya kopang sabi habang itong apat nato na nasa likuran ko ay panay ang tili.
Napa lingon ako at sinaway silang apat

"Uy wag nga kayong tumili"

Nag tawanan lang sila at inaasar pa ako kaya diko nalang pinansin at humarap muli kay prince Chester.Nakita kong napangiti ito at ako naman ay naramdamang ng init ang pisngi ko kay agad akong umiwas.Narinig kong tumawa si prince Chester ng mahina bago nag salita.

Catherine The Lost Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon