CHAPTER 70

176 1 0
                                    

Unknown POV-

"Scarlet"

"Scarlet"

"SCARLET! ARRRGH!!!"

Nag wala ako bigla ng paulit ulitin kong banggitin ang pangalan ng malanding babaeng iyon.

Ibinato ko ang hawak kong maliit na kutsilyo sa naka dikit na picture niya sa board na ginawa ko kung saan naka lagay ang lahat ng litrato at pati ang lahat ng tungkol sa kanya.

Napa kuyom ako ng kamay habang pinag mamasdan ang litrato ng babaeng sisira sa mga plano ko.

"Gagawin kong miserable ang buhay mo Scarlet.Mamatay ka sa mga kamay ko katulad din ng pag patay ko sa kanya!"

Tumawa ako ng malakas at nag bato pa ng kutsilyo.Lumapit ako sa puting tela at tinanggal ito para pag masdan ang isang litrato ng pinaka mamahal kong prinsepe.

"Konting tiis na lang mahal ko mapapasakin kana pero bago mangyari yun kelangan munang mawala ng mga babaeng gustong umagaw sayo mahal"

"Isa na si Scarlet sa mga nasa listahan ko"

Gagawin ko ang lahat para mahalin ako ng prinsepe ko kung kelangan kong pumatay ulit para makuha sya gagawin ko.

Tao lang si Scarlet kaya madali ko syang mapapatay hindi tulad ng huli kong pinatay dati na kalahating bampira kaya nahirapan akong pag planuhan ang lahat.

"Sa ngayon Scarlet pag lalaruan muna kita bago ka mamatay sa mga kamay ko"

Napa ngisi ako sa mga naiisip kong ideya kung pano ko sya pahihirapan at sasaktan.

Lumapit ako sa isang kabinet at binuksan ito.Na mili ako ng isang espesyal na kutsilyo na ipang sasaksak kay Scarlet sa oras na kunin kona ang buhay niya.

"Hindi sana kita papatayin kung hindi mo ni lalandi ang prinsepe ko Scarlet"

"Alam mo may pag kakaparehas kayong dalawa ng huli kong pinatay,parehas kayong MALANDI!,manga mang AAGAW KAYO! ARRRGH!!!"

Ramdam kona naman ang galit at mag lilisik ng mga mata ko habang tinitignan ang naka dikit na litrato ni Scarlet katabi pa ang isang litrato ng huli kong pinatay.

Napa upo ako sa isang upuan at napa iyak na lang bigla dahil bakit hindi ako magawang makita ng prinsepe ko.

Dahil siguro sa maganda at may kaya sila kaya nakikita sila ng prinsepe ko.

Aaminin ko na iingigit ako sa malanding Scarlet na yun dahil maganda sya at may kaya ang kanyang pamilya kaya may posibilidad na magustugan sya ng prinsepe ko.

Pinunasan ko ang mga luha na nasa mata ko at ikinuyom ang aking mga kamay.

Gagawin ko ang lahat para mapatay ka Scarlet at gagawa ako ng paraan para mawala ka sa landas namin ng prinsepe ko.

Kapag nawala kana matutuloy na ang lahat ng plano ko para samin ng prinsepe ko.Magiging masaya na kaming dalawa na walang magiging sagabal sa lahat at tatanggapin na ako ng prinsepe ko.

Tumayo ako muli at lumapit sa litrato ng  mahal ko.Tinitigan ko ito at hinawakan bago kinausap.

"Papatay ako para sayo mahal"

"Kapag nawala na lahat ng gustong umagaw sayo magiging masaya na tayong dalawa"

"Konting tiis nalang mapapasakin karin"

Nag uumpisa palang ako Scarlet yung patay na ahas na binigay ko sayo patikim palang iyon.May mga mas malala pang supresa ang dadating sa buhay mo at sa oras na dumating na ang panahon na papatayin kita sisiguraduhin kong maganda ang pag lilibingan mo.

Nakakatakot akong napa halakhak at nilakasan pa lalo ito.Walang makakarinig sa akin dahil nasa tagong lugar ako at walang sinoman ang nakaka alam sa mga balak kong gawin pati sa planong pag patay ko kay Scarlet.

"Lahat ng magiging sagabal sa plano ko mamatay,lahat ng mangingialam at susubukan akong pigilan mamatay".

Catherine The Lost Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon