CHAPTER 81

180 1 0
                                    

Scarlet POV-

Kasama ko ngayon si Evenin dahil nag pasama sya sakin sa library at may kukunin daw siyang mga libro na kakailanganin daw nya.Balak konga sanang isama si Carla ang kaso sabi ni Evenin kami nalang daw dalawa kaya pumayag na ako at nag paalam nalang sa mga kaybigan ko.

Palabas na kami ng library ng bigla may tumawag sa pangalan ko kaya agad akong lumingon at na pansing papalapit samin si miss Clary.

Ng makalapit siya ay agad akong bumati.

"Hello miss Clary"

Bati ko kaagad at ito naman ay ngumit samin.

"Hello miss Evenin at Scarlet"

Bati nito samin at sabay ngumiti.

"Ahh...miss Clary bakit nyo pala ako tinawag?"

Tanong ko agad sa kanya.

"Buti at saktong nakita kita dito, dapat pupunta ako sa classroom nyo"

"May ipapagawa poba kayo?"

Tanong ko.

"Oo kaya kelangan mong sumama sakin"

Tumango ako kay miss Clary at nag paalam kay Evenin bago sumunod kay miss Clary palabas ng library.

"Saan poba tayo pupunta miss Clary"

Tanong ko habang nag lalakad kami pero hindi nya sinagot ang tanong ko kung di sya ang nag tanong sakin.

"Nabalitaan ko kapag pinatatawag ka ng prinsepe na wawala ka bigla o di naman kaya masama pakiramdam mo"

Nakaramdam ako ng konting kaba pero diko iyon ipina halata kay miss Clary.

"Iniiwasan moba ang prinsepe?"

Agad kong sinagot ang tanong sakin ni miss Clary at nag paliwanag sa kanya.

"Hi-hindi miss Clary, bakit ko naman iyon gagawin na sasaktohan lang po talaga kapag may inuutusan si dark prince na tawagin ako ehh wala ako o di naman kaya masama pakiramdam kopo".

Paliwanag ko agad at di naman muling nag tanong si miss Clary kaya nag patuloy muli kami sa pag lalakad.

Habang nag lalakad napansin kong papunta kami sa dereksyo papunta sa opisina ni dark prince kaya napa hinto ako sa pag lalakad at talagang kinakabahan ako.

"Bakit ka huminto?"

"Ahh kasi miss Clary-"

Na putol ang sasabihin ko ng biglang mag salita si miss Clary at kunot noo pa akong tinignan.

"May kasalanan kaba kay dark prince?"

Umiling ako bigla at di nalang nag salita.

"Kung wala naman pala tarana"

Tumango naman ako at nag simula na kaming mag lakad muli.Wala naman talaga akong kasalanan kaso bakit parang pakiramdam ko may kasalanan ako.Siguro kasi nitong mga nakaraang araw iniiwasan ko talaga sya at kapag pinatatawag ako nag tatago talaga ako o sinasabing may sakit ako para lang hindi ako makapunta sa opisina nya.

Hindi ko alam kung bakit dahil sa tuwing nakikita ko sya lumalakas talaga ang kabog ng puso ko at lagi korin na aalala yung ng'yaring halik naming dalaw. Simula ng mangyari iyon hindi na umalis sa isipan ko iyon.

Na pansin ko nalang na huminto na pala kami sa paglalakad ng nasa tapat na kami ng opisina ni dark at talaga kinakabahan akong harapin siya pero wala na akong nagawa ng buksan na ni miss Clary yung pintuan.

Catherine The Lost Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon