CHAPTER 58

179 1 0
                                    

Scarlet POV -

Kanina pa ako pa ikot-ikot dito sa Abraham dahil may pina uutos na naman sakin si dark prince.Ang aga-aga inutusan na akong mag dala ng mga file  at dalawang klase pa ang maliliban ko ngayon.Buti na lang ipinag pa alam ako kaya di ako ma papagalitan.

Panay ang tingin ko sa map ng Abraham  at sa tingin ko na liligaw na ata ako sa sobrang laki ng Abraham.Nag bigay naman ng map si dark prince at mga listahan kung saan ko ipapadala lahat ng file na ibinigay nya sakin.

Malapit konang isumpa si dark prince sa isipan ko dahil kahapon pinag linis ako ng pag kalakilaki niyang opisina ngayon naman mag dala ng mga file tapos nag kanda ligaw ligaw na ako dito.

"Na saan ba kasi yung Principal office?"

Naka tingin ako sa map ng Abraham at hinahanap kung saang dereksyon ako pupunta.

"Scarlet!"

May pamilyar na boses ang tumatawag sa akin kaya napa lingon ako at di inaasahang makita si prince Chester na papalapit sa akin ngayon.

"Prince Chester"

Ngumiti ako sa kanya at ganundin ang kaniyang ginawa.

"Oras ng klase mo ngayon diba? bakit ka nandito sa labas ?"

Nag tataka niyang tanong sa akin.

"Ahh..kasi may dadalihin akong mga file"

Ngumiti lang ako ulit at napansin ko namang napa tingin siya sa mga hawak ko bago tumango sa akin.

"Samahan na kita.Saan kaba pupunta?"

Pag aalok niya sa akin.Tatanggi sana ako ng bigla niyang kinuha ang mga hawak kong file at tyaka ngumiti sa akin.

"Prince Chester wag n-"

Naputol ang sasabihin ko ng biglang mag salita din si prince Chester.

"Wag kanang tumanggi alam kong na liligaw ka dito sa Abraham kaya may dala kang map"

Tinuro niya ang kani kanina kopang hawak na map sa aking kamay.Napa kamot na lang ako sa ulo at pumayag nadin na mag pasama kay prince Chester dahil totoo namang na na liligaw na ako sa sobrang laki nitong Abraham.

"Saan ba tayo pupunta miss Scarlet?"

Tanong niya sa akin.Na hihiya pa akong sumagot sa prinsepe.

"Sa principal office"

Tumango lang ito at nag umpisang mag lakad.Habang ako naman ay nasa tabi lang niya at sumasabay sa kanya.

_________________________________________

Prince Chester POV -

Kasama ko ngayon si miss Scarlet na nag lalakad sa hallway ng Abraham papuntang principal office.

Mina buti konang samahan si Scarlet dahil kanina habang nag lalakad ako mag isa sa hallway ay na pansin ko siyang nag lalakad mag isa at parang di alam ang pupuntahan.

"Sino ang nag utos sayo na mag dala ng mga file?"

Tanong ko sa kanya habang patuloy lang kami sa pag lalakad.

Napatingin siya sa akin at agad ding nag iwas.Parang nag aalinglangan pa siyang sagutin ang tanong ko.

"Si Dark prince"

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa sinabi sa akin ni Scarlet kung magagalit ba o mayayamot.

Bakit kelangan pa siyang utusan ni Vince  kung marami naman siyang pwedeng pag utusan at diba nya na isip na nag kanda ligaw ligaw na dito si miss Scarlet dahil hindi siya masyadong pamilyar dito sa Abraham.

Muli akong nag tanong kay Scarlet.

"Bakit ikaw ang inutusan ni Vince na mag dala nitong mga file?"

Kalma lang ang boses ko at hindi pinapahalata kay Scarlet ang pag kayamot ko kay Vince.

Pinag masdan ko si Scarlet at parang nag aalinglangan pa siyang sabihin sa akin ang dahil.Napansin kong kaunting hakbang nalang pala ay malapit na kami sa principal office kaya tinawag ko ang kanyang pangalan.

"Scarlet"

"bakit?"

Napatingin siya sa akin.

"Nan dito na tayo sa tapat ng principal office"

Turo ko sa tapat ng pintuan ng principal office.Agad naman siyang napatingin sa pintuan at lumapit para katukin ito.
Wala pang kalahating sigundo ay agad ding nag bukas ang pintuan.

Gulat pang napatingin sa akin ang principal at yumuko sa harapan ko bago kami inayang pa pasukin ni Scarlet sa loob ng principal office.
_________________________________________

Scarlet POV -

Halos sinamahan na ako ni prince Chester na mag dala ng mga file dito sa Abraham.Sabi ko kaya ko na naman pero makulit si prince Chester kaya sumuko na ako at pinayagan siyang sumama sa akin.

Kakatapos lang namin mag dala ng file at papunta naman kami ngayon sa library para ibigay lahat ng listahan sa librarian ng mga librong kakaylangan ni dark prince.Syempre kasama ko parin si prince Chester.

Nandito na kami sa tapat ng library at agad din kaming pumasok.Namangha talaga ako sa sobrang laki ng library ng Abraham at hindi mapigilang mapangiti .

Agad kong nilibot ang paningin ko para hanapin ang librarian ng school at nakitang nag babasa ito ng libro.Lumapit naman kami kaagad ni prince Chester sa librarian at binati ito.

"Magandang umaga po"

Magalang kong sabi sa librarian at napatingin naman ito sa amin.Nagulat pa ito ng makita si prince Chester sa tabi ko at napayuko bigla.

"Prince Chester! ano ang maipag likod ko sa inyong dalawa"

Agad kong inilabas sa bulsa ng clock hood ko ang mga listahan ng libro at ibinigay ito sa matandang librarian ng school.

"Ahh...may mga listahan pong ibinigay sakin si dark prince ng mga libro.Kakaylanganin po yan ng prinsepe"

Isinuot niya ang kanyang salamin at binasa ng maigi kung anong naka sulat sa papel bago ito tumango sa akin.

"Sige hahanapin ko at ipapadala agad kay dark prince"

Ngumiti lang ito sa akin at agad naman akong nag pasalamat sa matandang librarian.Hindi narin kami nag tagal sa library ni prince Chester at umalis din ka agad.

Nag lalakad kami ngayon sa hallway at malapit nading mag dreak time.

"Prince Chester ' salamat talaga sa pag sama sa akin, kung di dahil sayo baka na ligaw na ako dito"

Ngumiti ako sa kanya at talagang nag papasalamat dahil sa sinamahan nya ako.

"Wala iyon,basta kung may kaylangan ka handa naman kitang tulungan"

Napansin kong may mga estuyanteng lumalabas na sa kani kanilang mga classroom dahil oras na ng break time.

"Prince Chester, mauna na ako pupunta pa kasi akong canteen"

Paalam ko sa kanya.Agad naman siyang tumango sa akin.

"Sige,pero yung lunch natin mamaya miss Scarlet wag mong kakalimutan".

Ngumiti pa ito at ako naman ay tumango bago mag paalam ulit. Hanggang sa maghiwalay na kami at pumunta na sa kani kaniyang pupuntahan.

Catherine The Lost Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon