CHAPTER 66

180 2 0
                                    

Vince POV -

Ilang araw kong hindi inuutusan o pina punta si Scarlet dito sa opisina ko dahil na iisip ko parin yung mga ikinuwento sakin ni Frederick.

______________FLASH_BACK_____________

Na silaw ako bigla sa liwanag na naka tapat sa aking mga mata kaya unti unti kong iminulat ito at nilibot ang paningin sa buong paligid.

Nasa mansion ako at na isip na baka sina Frederick ang nag uwi sa akin dahil sa sobrang kalasingan ko.Ramdam ko bigla ang sakit ng ulo kaya agad ko itong hinilot bago tumayo at umalis sa kama.

Na isipan kong maligo muna at pag katapos kong maligo ay agad akong bumaba at dumeretsyo sa kusina.

"Magandang umaga Dark prince"

Bati sa akin ni manang Myra.

"Manang sabi ko sa inyo Vince na lang po ang itawag nyo sakin"

Hindi ako sanay na kapag ginagamit ni manang Myra ang dark prince mas gusto kong tawagin na lang nya ako sa totoo kong pangalan dahil hindi na naman iba sa akin si manang Myra.

"Iyon ang tawag sayo ng lahat kaya yun na lang din ang itatawag ko sayo"

Mag sasalita sana ako ng bigla na lang akong naka rinig ng isang pamilyar na boses.

"Pre! kamusta kana?"

Masiglang tanong sa akin ni Frederick at Sabay akbay sa akin bigla.Ako naman ay agad tinanggal ito.

"Manang pag timpla mo po nga ako ng kape"

Hindi naman nag salita si manang at tumango lang sa akin.

Dumeretsyo kaagad ako sa sala at di pinansin si Frederick na sumunod din pala sa akin.

"Pre grabeng lasing mo kagabi"

"Frederick ang aga-aga nan dito ka agad sa mansion ko.Wala kabang gagawin?"

"Wala"

"Gusto kolang kamustahin ka tapos i kwento sayo yung mga ginawa mo kagabi nung lasing ka"

Napa hilot agad ako sa sintido ko dahil sa na iirita ako ngayon kay Frederick.Ang aga pa para guluhin at kulitin nya ako ngayon.

Napansin ko ang bigla ang pag ngiti sa akin ni Frederick kaya napataas ako ng isang kilay at nag tataka pa sa ginagawa nya ngayon.

"Anong ngini- ngiti mo dyan?"

Bigla itong tumawa ng pagkalakas yung tipong kulang na lang gumulong na sya sa sahig.

"Hindi mo ba na alala yung mga ginawa mo kagabi?"

"Pano ko maalala kung lasing ako!"

May halong pagka inis sa boses ko at ito namang si Frederick ay unti unting tumigil sa pag tawa.

"May niyakap kang babae kagadi"

"Sino naman?"

"Yung babaeng muntik monang halikan"

Nag isip pa ako kung sinong babae ang tinutukoy nya ng mapag tanto kong si...

"SCARLET!"

Tumawa ulit ng pag kalakas si Frederick at ako naman ay malamig siyang tinignan bago ito tumigil sa pag tawa.

"Oo pre kagabi grabe yung yakap mo sa kanya yung tipong hindi mona sya papakawalan"

Napa hilamos ako sa aking mukha at napa hilot sa akin ulo dahil sa pag kainis sa sarili.

Catherine The Lost Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon