CHAPTER 2

616 8 0
                                    

Habang nasa byahe bigla na lang sumasagi sa isipan ko ang babaeng nasa panaginip ko parati. Na pa tanong nalang ako tuloy sa aking sarili habang malamin na nakatingin sa labas ng binta na ng sasakyan bakit nga ba siya na sa mga panaginip ko ano ba ang koneksiyon nya sakin.

Diko namalayan na kanina pa ako tinatawag at tina tapik ni Mama kaya na patingin agad ako sa kanila ni Papa.

Nag tanong bigla si Mama

"Nak, ayos kalang ba?, kanina pa kita tina tawag pero dika suma sagot na ka tulala kalang sa labas".

"Ma, ayos lang ako at wag ka po mag alala".

Biglang namang nag salita si Papa

"Sigurado kabang ayos kalang? iuuwi ka nalang namin kung masama pakiramdam mo".

"Ayos lang po ako, sige napo papasok na ako sa loob".

Agad akong lumabas ng sasakyan at ganon din ang ginawa nila para maka yakap sila saakin at nag paalam na sila na pupunta na sa kanilang mga trabaho.

Pumapasok pala ako sa isa sa sikat na academya dito sa aming lugar ang Harson Academy ginawa ang school nato para sa mga tao lamang.

Oo alam ko na may ibang lahi pa ang na ninirahan dito sa mundo at isa na duon ang mga Vampire. Sina sabi ng lahat na mas mataas ang bampira kaysa sa tao dahil may mga kapangyarihan at marami silang kayang gawin.

Ang tao daw ay walang kakayahan tulad sa mga bampira kaya itinuturing na ma babang nilalang ang mga tao. Pero para saakin ay hindi ganon ang na iisip ko, alam ko na pantay pantay ang lahat at may mga karapatan din naman ang mga tao dito sa mundo.

Pagka pasok ko sa loob ng paaralan ay nakita ko ang aking mga kaibigan na sina Madison at Anna na papalapit sa akin, kaya kinawayan ko sila.

Ng makalapit na sila ay agad kaminh nag yakapang tatlo.bigla nalang akong tinawag ni Madison kaya na pa bitiw na ako sa kanila at tinanong kung bakit.

"Uy Scarlet at Anna na balitaan nyo naba na may test na mang yayari at pipili ng pinaka ma taas na nakuha sa ibibigay na test sa lahat ng estuyante?".

Bigla kaming na gulat ni Anna dahil sa narinig namin kay Madison,Sa pag kaka alam ko ay tapos na ang test naming lahat.

kaya agad nag tanong si Anna kay Madison .

"Hoy! Madison, saan mo naman na rinig na may test ulit?. Diba kakatapos lang nating mag test nung nakaang araw? "

Agad naman nag salita muli si Madison at nag kwento samin.

"Ganito kasi yan habang padaan ako sa room natin na rinig kong nag uusap ang mga teacher tungkol sa special test na ibibigay nila at pipili sila ng pinaka mataas na makakakuha sa test"

habang nag kwe kweto si Madison ay bigla ko siyang tinanong kung kailan ang special test na magaganap.

"Yun lang Scarlet ang diko alam kung kailan mag papa test"


Bigla kami tinawag ni Anna kaya napatingin kami ni Madison sa kanya

"Madison at Scarlet tarana mahuhuli na tayo sa klase, mamaya nalang natin pag usapan iyan"

Ng makarating na kami sa aming class room ay saktong pag karating din ng aming guro at nag sitayuan kaming lahat para batiin siya.

"Good Morning Class"

Bati nito saming lahat

"Good morning Maam Mendoza "

Magalang na bati din namin.

"Mag si upo na ang lahat at may announcement ako sa inyong lahat "

Agad namang nag si upo kaming lahat pero panay ang bulungan ng manga classmates ko tungkol sa sasabihin ni maam Mendoza.

Biglang nag salita si maam Mendoza kaya ang lahat ay tumahimik para pakinggan ang kanyang sasabihin.

"Napaka especial ng araw na ito dahil isa ang school natin sa napila para mag sagot sa gaganapin na special test".

Agad namang ng lumo ang mga classmates ko dahil sa narinig nila panong magiging especial sa kanila na mag kakaroon ulit ng test.

Kitang kita ko sa mga muka nila na desmayado silang lahat sa narinig nila mula kay Maam Mendoza

Na tatawa nalang ako sa isipan ko dahil sa mga muka at reaksyon ngayon ng mga classmates ko. Pero may parte sa akin na gustong malaman kung ano ngaba iyang special test at bakit sya special.

Catherine The Lost Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon