CHAPTER 7

341 5 0
                                    

Pakiramdam ko ay may kakaibang ng yayari sa paligid ko kaya naman ay unti-unti kong iminulat ang aking mga mata.

"Bakit na sa gubat ako?"

Natataranta ko namang tanong at sumagi naman bigla sa isip ko sina Mama at Papa kaya agad ko silang tinawag.

"MA!, PA!"

Sigaw ko ng malakas pero walang sumasagot. Napayakap ako bigla sa aking sarili dahil sa malamig ng hanging dumampi sa aking balat. Nakasuot lang ako ng isang pantulog na bestida at hindi ito gaanong makapal kaya ramdam ko ang lamig.

Inilibot ko ang aking mga mata sa buong paligid at nakaramdam naman agad ako ng takot dahil ako lang ang mag isa at puro matataas na puno lang ang nakikita ko.

Unti-unti naman akong nag lakad para maka hanap ng daan palabas ng gubat na ito pero pakiramdam ko ay may kakaiba. Sa bawat hakbang na ginagawa ko ay para bang alam kona kung nasaan ako at parang pakiramdam ko ay ng galing na ako dito.

Habang nag lalakad ay bigla akong napahinto ng may marinig akong isang sanggol na umiiyak. Napaisip naman ako na baka may taong nandito din kaya sumigaw ako ng malakas.

"TULONG!, MAY TAO BA DYAN!"

Sigaw ko ng malakas at nag intay kung may sasagot pero walang sumasagot. Napansin ko din bigla ang unti unting pag wala ng umiiyak at katahimikan nalang muli.

Pakiramdam ko may maling ngyayari sa lugar na ito at bigla nalang sumagi sa isip ko ang mga panaginip ko pero ngayon ay nasa gubat naman ako.

Na pahinto ako sa malalim na pag iisip ng may makita sa di kalayuan at nang laki ang aking mga mata ng may babae akong nakitang umiiyak at may hawak siyang sanggol. Alam ko na siya ang babaeng laging nag papakita sa mga  panaginip ko pero naka talikod lang siya at naka harap sa isang malaking puno.

Nag lakad naman ako papalapit sa kanya at naglakas loob akong tanungin siya kahit na tatakot at kinakabahan sa maaaring mangyari.

"Bakit kaba lagi na nasa panaginip ko?, ano ang koneksyon mo sakin?"

Hindi siya sumagot at naka talikod lang sa akin ng akmang hahawakan ko sana siya ay bigla na lang siyang na wala at pati ang sanggol na hawak niya.

Ngayon ako nalang ang nasa tapat ng puno na mag isa pero nakarinig naman ako bigla ng isang boses ng lalaki .

humarap ako at sa di kalayuan ay nakita ko kung saan nag mula ang boses nayun
matangkad sya pero diko maaninag ang kanyang muka dahil nasa madilim siyang parte ng gubat.

Bigla siyang nag salita kahit malayo siya ay rinig ko ang boses niya. Nag si taasan ang mga balahibo ko dahil sa takot .

"Sa tinging mo ba makakatakas ka sakin?"

Bigla nalang pumula ang mga mata niya at nakita ko ding ang nakakatakot na pag ngisi nito sakin.

"AKIN KALANG!"

Malakas at nakakatakot na sigaw niya sa akin. Sa sobrang takot ko napatakbo ako at hindi kona alam ang pupuntahan ko. Takbo lang ako ng takbo at tanging liwanag lang ng buwan ang nag sisilbing liwanag ko .

Hanggang sa nararamdaman ko ang pag bagal ng takbo ko at kahit gusto ko pang tumakbo ay hindi kona kaya. Naramdaman ko nalang bigla ang pagbaksak ng aking katawan sa lupa habang hinahabol ang aking hininga.

Hanggang may nakita akong papalapit sa akin at alam ko ito ang lalaking ka usap ko pero kahit papalapit na sya ay hindi ko parin maaninag ang kaniyang muka. Sinubukan kong makatayo pero bumibigay ang aking katawan at maslalo akong na tatakot.

"Wag kang lalapit sakin"

Iyon nalang ang nasabi ko dahil sa pang hihina. Pero patuloy parin siyang lumalapit sakin at hanggang sa maipikit kona lang aking mga mata.





Catherine The Lost Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon