May 12, 2025
"2 months na rin pala ang makalipas nung i-announce ni Ser Hylander na ikakasal na si C.E.O Blake sa anak ng Prime Minister na si Ms. Gwenella no?"
Rinig na rinig ko ang mga bulungan ng mga kagaya ko ring empleyado dito sa elevator habang may binabasa sila sa cellphone nila.
"Oo nga e, grabe no? Feeling ko Wedding of the year ito eh! May live telecast pa daw ata sila sa kasal e. So yung mga hindi makaka-attend ay manonood nalang sa t.v. Bongga no?! Mayayaman kasi e." masigla pang sabi ng isa.
Tatlo lang kaming nandito sa elevator. Yung dalawang nag-chichismisan ay nasa harap ng pindutan at ako nama'y nandito sa sulok sa likod.
Nagulat pa ako ng sabay nila akong tignan. Kahit sa 14th floor pa ang workplace namin ay bumaba na agad sila sa 3rd floor kaya naiwan akong mag-isa.
Marami na rin akong naipon sa lingguhang sahod ko dito sa kumpanya na inendorse sa akin ni Nathan.
Kaibigan ko na si Hyacinth at sa kanila ako ni Nathan nagpatulong sa paghahanap ng condo na rerentahan ko hanggang October. Mura lang ang condo na narentahan ko kaya malaki na rin ang napapadala ko kila mama doon sa Pilipinas. Nakausap ko na rin sila Mama at inamin ko na rin sa kanila ang lahat ng tungkol kay Blake na naging jowa ko noon at sabi ko rin na wala na kami ngayon. Mabuti daw yun dahil kapahamakan lang daw ang gagawin sa akin ng mga lalaki, may sasabihin din sila sa akin sa pagdating ko kung bakit nila ako pinapalayo kay Blake noon. Ang hindi ko nalang inaamin kila mama ay yung na-scam ako dito sa Japan, ang sabi ko sa kanila ay boss ko si Blake kaya ko siya nakilala at naging jowa noon.
Dalawang buwan na rin akong walang balita kay Blake. Hindi man lang niya ako tinawagan nung nalaman niyang umalis ako ng walang paalam sa mansion nila. Nung nagkita kami ni Hyacinth at Nathan nung tinulungan nila ako maghanap ng murang condo ay hindi ko na pinabukas ang issue namin ni Blake kaya nirespeto naman nila 'yun. Ngayon nalang ako uli nakarinig ng balita na ikakasal na nga sila. Ang balita ko lang ay dapat mauna sila Hyacinth at Nathan dahil buntis nga ito pero si Gwenella rin ay buntis kaya di ko alam kung sino uunahing magpakasal sa kanila.
Ilang buwan na rin pala simula nung huli kaming nag-usap.
Walang araw o oras na hindi siya sumagi sa isipan ko.
Siya kaya? Naiisip niya rin kaya ako? Naiisip niya rin kaya yung mga pinangako niya sa akin noon, gaya ng kahit ano daw mangyari ay ako lang ang mamahalin niya?
Nang nandito na ako sa workplace ko ay lahat ng ka-workmate ko ay parang nakakita ng multo ng nakita ako. Kanya kanya silang bulungan habang nakatingin sa akin.
'Ano kayang meron?'
Sa dalawang buwan na rin ang nakalipas ay wala na akong mga Carson na nakikita o nakakasalubong man lang dito sa company. Ang namamalakad na muna ng kumpanyang ito ay ang representative nila na si Ma'am Denise Llavore. Mabuti na rin 'yun para wala ng nanggugulo sa akin.
~
Limang oras ang makalipas ay kabadong lumapit sa akin si Ma'am Denise dahil pinapatawag daw ako sa boss office kaya dumiretso muna ako sa restroom para mag-ayos. Nang matapos akong mag-ayos ay nag-elevator na ako paakyat.
Nahiya pa akong pumasok sa office dahil akala ko ay si Blake ang nakaupo sa shivel chair pero ng makita ko kung sino ay galit ang namutawi sa damdamin ko.
“Yes po, Mr. Hylander Gadeon!” pagdidiin ko sa pangalan niya.
“Totoo pala ang balita na ang gold digger na papakasalan 'sana' ng anak ko ay nagtatrabaho pa rin sa pag-mamay-ari kong kumpanya.” matalas na tingin ang ipinukol niya sa akin.

BINABASA MO ANG
[COMPLETED] Collided in Japan (Travel Series # 1)
RomanceAmanda Louise Addisson, a young woman who chose to work in Japan to pursue a career as a computer engineer, faced an unexpected reality when she arrived-she had no job waiting for her and was scammed. Not wanting to disappoint her family back in the...