(Play 'MAGKASAMA by: The Juans' while reading the Chapter 28)
“Simula ngayon ay ayaw ko munang pag-usapan ang mga narinig at nakita mo nung isang araw na pinag-uusapan namin ni Dad.”
Ilang linggo na rin ang lumipas nung nangyari ang pagtatalo ni Blake at ng Daddy niya. Mabilis na lumipas ang panahon at dahil sa pagtatrabaho ay nakaligtaan ko na kalagitnaan na pala ng February. Kung hindi pa ako titingin sa calendar ng cellphone ko para mag-set ng notes ay hindi ko pa malalaman na February 14 na ngayon at kapag February ay Valentine's day sa Pilipinas.
Nagagalit siya kapag nadudulas akong mabanggit ang pangalan ng Daddy niya dahil nga nagpaplano na kami ngayon tungkol sa kasal namin at para mapaghandaan na namin ang gastos.
“Sige na pumili ka na diyan ng isusuot mo sa kasal natin at para sa susunod na linggo ay masukatan ka na ni Mr. Akimasa—sikat na modista dito sa Japan.” sabi ni Blake habang pinapapili niya ako ng mga Japanese gown na naka-drawing sa sketch pad.
Naguluhan pa ako kung anong pipiliin ko dahil lahat ay maganda at alam kong bagay lahat sa akin. Nakaka-pressure palang magpakasal. Akala ko kasal lang yun pala mamomroblema ka talaga sa susuutin sa venue at sa iba pang etchetera na gagawin sa kasal. Nextyear pa ang kasal pero pinaplano na namin ang gagawin dahil ayaw naming matulad kila Hyacinth at Nathan na hindi magkanda-ugaga dahil ikakasal na sila sa unang araw nang buwan ng April.
“Eto nalang Aisuru, pero kung may mas bet ka diyan sige try kong tignan at kilatisin.” tinuro ko na sa kanya yung Japanese gown na napili ko at alam kong sobrang fit na fit ang mga kulay at disenyo nito sa kutis ko.
(Nasa pinakadulo ng chapter na ito ang picture kung gusto mong maimagine yung Japanese gown na napili ni Amanda.)
“Maganda siya at bagay na bagay sa'yo pero mas bagay ako sa'yo.” kinilig naman ako sa sinabi niya. “Yung temple na kakasalan natin na sinabi ko sa'yong kilala ni Dad ang may-ari ay na-contact ko na at sabi nila na sabihin ko lang ang date ng kasal natin para maayos daw nila ang schedule natin.” dagdag na sabi ni Blake.
Pinakita niya rin sa akin ang temple na kakasalan namin at sobrang laki nito. Para lang siyang mansion din pero bongga ang mga disenyo halatang Japanese structures and designs talaga.
“Ano nga pala yung marriage song natin?” tanong niya.
“Hmmm... bata palang ako pinapangarap ko na talagang ikasal sa Japan eh at pinangako ko na hindi man ako makasal sa Japan ay kahit yung marriage song nalang na pangarap ko ang matupad.” kwento ko.
“Ano ba yung pangarap mong song para sa kasal natin?" biglaang tanong niya.
“10,000 hours. Yung kanta ni Justin Bieber? Alam mo 'yun?” tanong ko sa kanya.
“Oo. Pinag-aralan ko ang mga chord nun sa gitara noon eh. Sige sige yun nalang. Kukunsultahin ko rin yung isang sikat na marriage singer dito para siya ang kumanta.” nilista na ni Blake sa papel ang kanta. May hawak kasi siyang listahan para hindi namin malimutan at ichecheck nalang namin kapag okay na kami.
“Aisuru, pwede bang si Joylyn nalang yung maging marriage singer natin? Nangako kasi kaming apat na magkakaibigan na kung sino man ang ikakasal ay kukuning kakanta si Joylyn.” paki-usap ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] Collided in Japan (Travel Series # 1)
Roman d'amourAmanda Louise Addisson, a young woman who chose to work in Japan to pursue a career as a computer engineer, faced an unexpected reality when she arrived-she had no job waiting for her and was scammed. Not wanting to disappoint her family back in the...