Chapter 18 - The Boss

196 12 2
                                    

“Bakit kayo nagtatalong dalawa ha? Para kayong mga bata!”

Inis kong binaba ang dala kong bag sa sofa at pagod na pagod na sumalampak dito habang sila Kuya Axel at Nathan ay magkaharapan at parang magsusuntukan na.

“Ito ba boyfriend mo dito Dada ha?” inis na tanong ni kuya sa akin.

“Anong boyfriend sinasabi mo kuya? Sa kanya lang ako nakikitira ngayon dahil masyadong mahal ang mga condo at hotel dito sa Sapporo.” singhal ko sa kanya.

“Ayokong kasama 'to dito! Paalisin mo, ayokong may kasama kang lalaki at lalong lalo na itong ex mo!” utos sa akin ni kuya.

“Ikaw ang umalis dito! Ako ang umuupa sa condong 'to, bakit mo ako papaalisin sa sarili kong nirerentahang condo ha?” inis na sigaw ni Nathan kay kuya.

“Ah talagang sinusubukan mo kong hayup ka?!” sasapakin na sana ni kuya si Nathan kaya nagmadali akong tumayo at sinalag ng kamay ko ang kamao ni kuya.

“Diyan! diyan kayo magaling mga lalaki! konting problema lang suntukan na agad ang sinusulusyon niyo! Ayaw niyong pag-usapan! Para kayong mga batang uhugin na nag-aaway dahil lang sa lollipop!” pag-aawat ko.“Maglayo nga kayo! Ikaw dun ka muna sa kama Nathan at kuya umupo ka muna dito sa sofa mag-uusap tayo.” utos ko sa kanila. Para tuloy akong nanay nila.

Inis na nagtungo si Nathan sa kama at si kuya Axel ay tumabi sa akin sa sofa. Kumuha muna ako ng tubig sa ref dahil kanina pa ako nauuhaw.

“Bakit ka nandito? Anong gagawin mo dito?” tanong ko kay kuya habang nagsasalin ng tubig sa baso.

“Magkasama ba kayo sa iisang kama niyang gagong 'yan? Baka may nangyari na sa inyo ha! Dapat pala lumipat ka na ng condo na hindi kasama 'yan. Sumasahod ka naman diba? Huwag ka muna magpadala kay mama, irenta mo muna ng condo 'yan para mapalayo ka sa hayup na lalaking yan!” ayaw pa ring tumigil ni kuya sa kakasalita.

“Kuya! Hindi kami magkasama sa kama! Dito siya natutulog sa sofa at solo ko ang kama na 'yun! At saka imbis na iupa ko ng condo na may kamahalan ay makikitira nalang muna ako, ayoko ng bawasan ang pinapadala ko kila mama.” paliwanag ko sa kanya.

“May packing tape ka ba?” biglang tanong niya.

“Oo baket?” kinuha ko ang packing tape na nakapatong sa ref at binigay sa kanya.

Bigla siyang tumayo at nilagyan ng packing tape ang mula sa kama hanggang sa c.r. Yung kalahati ay sa sofa hanggang sa ref.

“Anong kabaliwan 'yan kuya ha?” singhal ko.

“'Yan guhit na yan mula kama hanggang sa C.r ay sa atin at 'yang sofa hanggang sa ref ay sa kanya. Walang aapak sa linya niya at hindi rin siya pwedeng umapak sa linya natin.” paliwanag niya. Pinaalis niya si Nathan sa kama at tinuro yung sofa. “Hanggang dun ka lang sa sofa! Bawal na bawal kang aapak sa linya na'to.” ma-awtoridad na sabi niya kay Nathan.

Inis na umalis si Nathan sa kama at lumabas muna. Kaya naiwan kami ni kuya dito sa loob. Umupo siya sa kama at inis akong tumingin sa kanya.

“Bakit ka nandito? Kung manggugulo kalang edi sana di ka na pumunta.” inis na sabi ko.

“Ah ayaw mo'kong papuntahin dito dahil hindi kayo magkakalampungan ng hayup na ex mo ha? Tatanungin nga kita, kayo na ba?” inis ko siyang tinapunan ng tingin.

“Walang kami! At kahit kelan ay hindi magiging kami! May girlfriend siya at wala kaming pakeelamanan. Mabuti nga at nakikitira ako dito ng walang bayad eh! Kung sino pa ang mas nakakatulong siya pa yung napapasama?!” sigaw ko sa kanya. “Bakit ka nga ba nandito? At hanggang kailan ka dito? Walang kasama sila mama at papa doon mag newyear!”

[COMPLETED] Collided in Japan (Travel Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon