June 01, 2025
“Amanda, Nasaan ka na? Nandito na ako sa wedding venue.”
Alas tres na ng hapon at nandito pa rin ako sa kalsada dahil sobrang haba ng traffic. 3:30pm ang calltime na nakalagay sa wedding invitation na binigay nila Hyacinth at Nathan dahil 4pm daw simula ang kasal pero ako ay nandito pa rin naka-tengga sa taxi at feeling ko talaga malalate ako.
Feeling ko haggard na ako kaya kanina pa ako retouch ng retouch ng make-up at ayos ng ayos ng rosegold kong kimono na pinadala sa akin ni Hyacinth nung isang araw.
Hindi pa rin ako makapaniwala na tinawagan ako ni Joylyn para tanungin kung nasaan na ako dahil nandoon na daw siya sa venue.
“Saang Venue?” paglilinaw na tanong ko.
“Saan pa ba? Edi sa kasalan nila Blake.” natameme pa ako sa narinig ko.
“Anong gagawin mo diyan eh hindi naman ako ang ikakasal?” pagtatakang tanong ko.
“Alam ko! Kinausap ni Blake ang manager ko at tinapalan ako ng malaking halaga. Hindi na ako nakatanggi dahil tatlong taon kong kakayudin yung pera na 'yun kung mag-gu-guest lang ako sa mga concert ng mga diva pagdating sa pagkanta. Sobrang sayang kung tatanggihan ko pa deba?! Siya rin ang gumastos ng requirements ko lahat papunta dito sa Japan kaya ginrab ko na ang opportunity!!” pagpapaliwanag ni Joylyn.
“Oo na! Sige na! Hindi mo man lang pinaalam sa akin na ikaw ang magiging wedding singer nila. F.O na tayo hahahahahaha.” pang-eechos ko.
“Tangeks nagchat ako sa G.C, sasama nga sana sila Jesslie kaso hindi mo daw pala kasal.” pagdedepensa niya.
“Oh sige malapit na ako.” pagsisinungaling ko.
“Nagsisimula na! Kakanta na nga ako eh. Sige na bye na tinatawag na ako.” pagmamadali niya at tsaka pinatay yung tawag.
Malayo layo pa ako sa temple. Gusto ko sana mag train kaso naka-ayos ako eh. Nag-open ako ng messenger para tignan kung sinabi nga ni Joylyn na pupunta siya dito sa Japan. Nagbackread ako ng kaninang umaga ng mga message at kanina niya lang din sinabi na nandito na siya sa Japan.
Ilang minuto pa ang makalipas at 4:22pm na ako nakarating sa temple. Pagbaba ko ng taxi ay bumungad na sa entrance ng temple ang tumpukang mga media ang kumukuha ng ibabalita nila mamaya. At feeling ko ay buong mundo ang nakakanood ng live telecast na wedding nila. Nakita ko na si Nathan at Blake na nakaabang na sa harap ng altar.
'Sabi ng matatanda sa haba haba ng prosisyon ay sa simbahan rin ang tuloy pero hindi naman sinabi na kapag tumuloy ka sa simbahan ay kailangan kasama mo ang taong nangakong ihahatid ka sa altar.'
Puno na ang upuan at sa bandang likod nalang ako umupo katabi ng mga ka-workmate ko na nagbubulungan nanaman nung dumating ako. Kahit hindi ko rinig ay alam kong tungkol sa amin ni Blake ang pinagbubulungan nila kaya dinedma ko nalang at nagsimula ng tumahimik ang lahat ng kumanta na si Joylyn ng 'Beautiful in white by Westlife' habang kumakanta si Joylyn ay nagsimula ng maglakad ang mga nasa harapan—principal sponsors, flower girls, ring bearer, best man, bride's maids at iba pa. Ilang minuto nung nasa chorus na si Joylyn sa pagkanta ay biglang lumabas ang kumikinang kinang na si Hyacinth habang partner ang Daddy niya.
~🎶So as long as I live I'll love you
Will have and hold you
You look so beautiful in white
And from now to my very last breath
This day I'll cherish
You look so beautiful in white
Tonight
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] Collided in Japan (Travel Series # 1)
RomanceAmanda Louise Addisson, a young woman who chose to work in Japan to pursue a career as a computer engineer, faced an unexpected reality when she arrived-she had no job waiting for her and was scammed. Not wanting to disappoint her family back in the...