Chapter 23 - Love Advice

151 10 3
                                    

“Hindi muna tayo babalik ng hotel ngayon Aisuru may kailangan akong asikasuhin.”

Kakatapos lang nila ni Hyacinth magtalo at nakita ako ni Blake kaya agad niya akong nilapitan. Nasa harap ko ngayon si Blake na mukhang halo halo ang emosyon. Hindi ko alam kung bakit sila nagtatalo ni Hyacinth pero ang pagkakaintindi ko ay may kapatid pa silang mas nakakatanda sa kanila.

“Totoo ba ang narinig ko na may kuya ka?” diretsong tanong ko sa kanya. Napatingin ako sa kanila ni Hyacinth. Kitang kita sa mata ni Hyacinth ang pag-aalala. Hindi ko naman mabasa ang damdamin at iniisip ni Blake dahil halo halo ito.

“Aisuru hindi ito ang tamang oras para pag-usapan 'yan. Kailangan ko ng umalis.” ilag na sagot ni Blake.

“Blake alam mo na rin bang buntis si Gwenella?” naiiyak nanaman ako dahil sa mga tanong na gumugulo sa utak ko.

“Please Aisuru! Nagmamadali ako!” nagulat ako ng sigawan ako ni Blake.

“Blake! Kailangan ko ng malinaw na sagot.” sabi ko.

“Please Amanda, mamaya na lang.” hindi ko alam kung bakit sa simpleng tanong ay ayaw niya pa akong diretsahang sagutin.

“Blake gusto ko rin malaman kung alam mo na ba na buntis si Gwenella? Sino ang ama? Paulit ulit ako dahil kailangan ko ng maayos at totoong sagot!” desidisong ulit ko sa tanong ko.

“AMANDA ANO BA?! SABI KO NA NGANG MAMAYA NALANG DAHIL NA-IISTRESS NA NGA AKO SA PAMILYANG 'TO DADAGDAG KA PA!!!” nagulat ako ng sigawan niya ako. Napatingin ako kay Hyacinth at mukhang pati siya ay nagulat din sa malakas na sigaw ni Blake.

Biglang umalis si Blake at si Hyacinth naman ay tinignan lang ako at pumasok na sa kwarto niya.

Parang nanlumo yung buong katawan ko sa mga inasta ni Blake sa akin.

Parang sumakit yung puso ko ng bigla nalang siyang umalis matapos niya akong sigawan.

Umiiyak akong umakyat sa rooftop para tignan kung ano ng lagay ni Iya sa taas.

Agad na napatingin sa akin ang lahat. Maging si Gwenella ay gulat na gulat nung makita akong umiiyak.

“Oh anong nangyari sa'yo?” bungad na tanong ni Iya sa akin. Kitang kita sa mga mata niya ang pag-aalala.

“Okay lang ako. Tara sino na next na tatanungin?” pinunasan ko ang mga luha ko.

“Hindi na namin tinuloy nung bumaba na kayo ni Blake.” sagot ni Nathan.

“Tara inom nalang. Ilan na bang baso ang na-missed ko?” tanong ko at umupo na sa tabi ni Iya.

Nagtuloy tuloy ang kwentuhan at ang inuman naming apat.

Unti-unti na akong nakakaramdam ng hilo pero tuloy pa rin ako sa pag-inom.

Hindi ko na muna inisip yung mga nangyari at nalaman ko kanina pero marami pa ring tanong na gumugulo sa aking isipan.

Alas tres na rin ng madaling araw ng matapos kami sa pag-iinom. Alam kong wala na ako sa wisyo ko pero naco-control ko pa naman ang isipan at katawan ko.

Niligpit na ni Nathan yung mga bote ng wine at mga kalat na pinag-inuman namin. Matapos ay inalalayan niya na si Gwenella para bumaba na kami sa kanya kanya naming mga kwarto.

Sa kwarto muna namin ni Blake matutulog si Iya dahil wala naman si Blake at lalong lalo na ay natatakot akong mag-isa.

Naka-alalay sa akin si Iya at kahit naparami ang pag-inom niya ay parang hindi man lang siya nalasing. Parang normal nalang sa kanya ang pag-inom ng alak dahil sa aming apat na magkakaibigan ay siya talaga ang malakas uminom.

[COMPLETED] Collided in Japan (Travel Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon