“Mas pinipili mo 'yang babaeng 'yan Blake Gadeon!!! Ano bang pinakain sa'yo niyan at nauwi ka diyan sa babaeng walang modo na 'yan ha?!”
Hindi ko alam ang gagawin ko at tanging pinapanalangin ko nalang na sana matunaw nalang ako o kaya kainin ng lupa para mawala na agad sa bahay ng mga Carson na ito.
“Dad! Sobra sobra na ata 'yang tabas ng dila mo para pagsabihan si Amanda ng mga kung ano anong masasakit na salita! Pinaliwanag na niya sa'yo diba na hindi niya sinasadya ang nangyari!” inis na sigaw ni Blake sa daddy niya.
Kanina ko pa pinipigilang umiyak dahil ayokong kaawaan ako ni Blake ngayon. Masyado ng maganda ang nangyari kanina sa concert pero grabe naman yung bawi ng lungkot ngayon.
'Lord pwedeng bukas na? Masyado atang mabilis ang pagbawi mo ng kasiyahan sa akin.'
“Mamili ka Blake! Yung pamilya mo o 'yang hampaslupang babaeng 'yan na napulot mo lang sa tabi-tabi?!!” dinuro duro ako ng tatay niya kaya hindi ko na napigilang umiyak.
Tinignan ako ni Blake at pinunasan ang mga luha na tumutulo sa mata ko.
“Kung yung pamilyang pipiliin ko ay ganito lang ang gagawin sa babaeng mahal ko ay mas pipiliin ko nalang si Aman---” hindi na natapos ni Blake ang sinasabi niya ng pakawalan ng Daddy niya ang malakas na sampal sa mukha ni Blake. Hindi ko ramdam yung sakit pero mas nasasaktan ako dahil ako ang dahilan ng pag-aaway nila.
Hindi ko na kaya ang bigat sa dibdib ko kaya tumakbo na ako palabas ng pinto nila. Mabilis naman akong hinabol ni Blake at hinawakan sa braso para pigilan ako sa pagtakbo at napaharap sa kanya.
Kitang kita ko sa mukha niya ang malaking pasa sa mukha niya. Grabe ikaw ba naman sampalin ng may napalalaking singsing sa daliri at napakalayong bwelo.
Nagsorry siya sa akin at inalalayan niya ako pasakay sa passenger seat ng kotse ng kapatid niya. Papaandarin niya na sana ang kotse ng biglang humarang ang mama niya. Sumilip ito sa bintana na malapit sa akin.
“Anak, Amanda. Pasensya ka na sa inasal ng asawa ko ha, ganun talaga yun kapag pagod. Huhupa rin ang galit nun kaya pasensya ka na talaga.” tumango tango lang ako sa mama niya habang hinihimas himas ang buhok ko. “Blake mas kilala mo ang papa mo kaya ikaw nalang ang magpasensya sa ugali niya.” dagdag nito at pilit na ngiti lang ang isinukli sa kanya ni Blake. “I hope na makita kita uli rito Amanda.”
“I hope rin po.” humihikbi pang sabi ko.
Binuksan ng limang mga nakakimonong mga babae ang gate at ng makalabas na kami ay tumingin ako kay Blake. Bakas sa mukha niya ang inis at galit dahil feeling niya ay napahiya siya sa akin sa pambabastos ng daddy niya sa akin.
Hindi ko naman sinasadya 'yun pero grabeng magalit ang daddy niya. Hindi ko naman masisisi yung daddy niya kasi nga may mahalaga pala siyang meeting sa prime minister tapos nabasa ko yung suot niya.
“Ahmm, Blake ano bang trabaho ng daddy mo? Bakit ganun nalang siya nagalit nung hindi siya naka-attend ng meeting with the prime minister?” curious na tanong ko.
“Si Daddy kasi ay kanang kamay ng Prime minister (President) . Pinagkakatiwalaan siya ng husto ng prime minister ng Japan kaya ganun nalang ang galit niya nung hindi siya naka-attend ng meeting. Tini-training siya ng prime minister para pamunuan ang Japan dahil gusto ng prime minister na siya ang tatakbo nextyear bilang prime minister kapag natapos na ang kontrata niya. Makakalaban ni Dad bilang prime minister ay yung Deputy prime minister (Vice President) ngayon kaya mas kinakailangan ni Dad na makilala sa buong Japan.” kwento ni Blake.

BINABASA MO ANG
[COMPLETED] Collided in Japan (Travel Series # 1)
Storie d'amoreAmanda Louise Addisson, a young woman who chose to work in Japan to pursue a career as a computer engineer, faced an unexpected reality when she arrived-she had no job waiting for her and was scammed. Not wanting to disappoint her family back in the...