Chapter 05 - Bouquet of roses

281 15 6
                                    

(Play 'LUMALAPIT by: The Juans' while reading the Chapter 05)

“Bakit hindi mo na itinuloy ang pag-sampa ng kaso dun sa dalawang pinoy na nambugbog sa'yo?!”

Kanina pa kami nagtatalo ni Blake dahil tinawagan siya ng Japan police dahil nahuli na ang dalawang pinoy na nambugbog kay Blake at tinatanong kung magsasampa kami ng kaso dun sa dalawa pero tinanggihan na niya ito dahil daw sayang lang sa oras.

Dalawang araw na ang makalipas nung mabugbog siya at kanina lang nahuli ng mga pulis ang dalawa kaso pinabayaan lang ni Blake.

“Ayokong sayangin ang oras ko sa dalawang 'yun. At isa pa pumunta ako dito sa Japan hindi para mag-sampa ng kaso kun'di para mag-saya.” pangangatwiran niya.

“Ano bang klaseng utak 'yan Blake, ako yung nahihirapan sa'yo eh. Masyado kang mabait! Ikaw na nga ang na-agrabyado, ikaw pa yung umaastang may kasalanan! Nasayang tuloy yung dalawang araw na dapat ay gumagala tayo!!” hindi ko na napigilang sigawan siya.

“Dalawang araw lang 'yon! At kung ang pinoproblema mo ay baka bawasan ko yung isang buwang sahod mo sa'kin, hindi ko babawasan 'yon! 15k isang buwan?!! Buong-buo ko ibibigay sa'yo yun!!!” nagulat ako sa mga sinasabi niya. Hindi siya yung Blake na nakilala ko.

Bigla nalang may tumulong luha sa mga mata ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Para akong sculpture na natigilan at hindi man lang makagalaw sa kinatatayuan ko.

Iyon lang ba ang tingin mo sa'kin? Pera lang ang habol ko sa'yo?! Ikaw ang nag-alok sa'kin non at hindi ko alam na isusumbat mo din pala sakin yon! Kung ganon lang pala ay aalis na'ko dito!” nagmadali akong isilid ang mga damit ko sa maleta at agad lumabas.

Umiiyak akong naglakad sa kalsada hanggang marating ko ang tokyo tower. Dating gawi ay umupo ako sa bench at duon nilabas ang lahat ng luha na pinigilan ko kanina. Nakayuko akong umiiyak at di ko na mapigilan ang paghikbi ko. Alam kong marami ng nakakakita sa akin na umiiyak ako pero wala na akong pakialam sa kanila basta gusto kong umiyak ng umiyak.

“Miss are you okay?” nagulat ako ng biglang may lalaking lumapit sa harapan ko. Nakita ko palang ang sapatos niya dahil nakayuko ako. Hindi siya si Blake dahil hindi niya kaboses at lalong hindi niya na ako e-english-in dahil alam niya namang marunong akong mag-tagalog.

“N-nathan?! anong ginagawa mo dito?” napapunas ako ng mga luha ko ng de-oras dahil sa gulat na makita yung ex ko nung highschool dito sa Japan.

“Baket Amanda? Ikaw lang ba pwedeng mamasyal dito sa Japan?” nakangiting biro nito.

“Hindi pero bawal ang pagala galang hayop dito.” natatawang biro ko.

“Grabe ka naman sa'kin ang bitter mo.” natatawang sabi nito.

Binibiro ka lang eh.” lumapit siya sa akin at tinabihan akong umupo. Nag-type muna siya sa cellphone niya bago ulit ako tinignan.

“Bakit ka nga pala umiiyak? Naliligaw ka ba? O iniwan ka nanaman? Huwag kang papayag na iwanan ka nila dapat ako lang mang-iiwan sa'yo. Joke!” sunod sunod na tanong niya.

“Letche ang kapal naman ng mukha mo, ako nang-iwan sa'yo non, remember?” sumbat ko sa kanya.

“Wow, kasi nga puppy love palang tayo non.” pagmamalaki niya pa.

[COMPLETED] Collided in Japan (Travel Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon