“Bakit ba kayo nag-away ng kuya mo?”
Nandito ako ngayon sa sarili kong kwarto sa hotel katabi ni Blake sa kama. Inaantok na ako kanina pa dahil gabi nanaman. Kakauwi lang namin sa trabaho. Isang oras bago makarating dun kapag nag-train kami pero buti nalang ay may kotse si Blake kaya wala pang thirty minutes ay nakakarating na agad kami sa kompanya.
“Masyadong private ang usapan na'yan at ayaw ko munang ungkatin dahil hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako kapag naaalala ko.” sagot ni Blake. Nakaunan kasi ako sa dibdib niya at nakayakap sa kanya kaya nakatingala ako sa napaka-perpektong mukha niya.
Hindi ko na siya kinulit pa na tanungin yung about sa pag-aaway nila ng kuya niya dahil baka pag-awayan din namin ito.
Nang makita kong tulog na siya ay niyugyog ko siya para gisingin.
“Aisuru... Uyyy... Gising... Mamaya ka na matulog di ako makatulog ih.” paglalambing ko sa kanya.
“Aisuru pagod ako.” seryosong sabi niya.
“Pagod din naman ako eh diba?” nilalambing ko pa rin siya habang nilalaro ang buhok niya.
“Kung napapagod ka ay wag ka nalang magtrabaho! Ako nalang magtatrabaho. Kaya ko naman eh!” halatang inis na sabi niya.
“Aisuru kailangan ko rin ng ipapadala sa pamilya ko sa Pilipinas. Kaya ako nagtatrabaho dahil sa kanila.” sabi ko.
“Pagod ako tapos ikaw pagod din. Pwede bang magpahinga nalang muna tayo? Kaya nandito ako sa kwarto mo ay para samahan kang magpahinga tapos ngayon nangungulit ka. Natutulog na ako eh! Masakit yung ulo ko kaya tangina naman pagpahingahin mo naman muna ako. Gabi na oh! Oras na ng pagtulog tapos mangungulit ka?! Dun nalang ako sa kwarto ko.” tumayo siya at inis na kinuha yung unan niya at padabog na lumabas sa kwarto ko.
Naiwan nanaman akong nakatengga at mag-isa dito sa kwarto.
Dahil sa nangyari ay marami nanamang pumasok sa isipan ko. Napapansin kong nag-iiba na yung ugali ni Blake simula nung maging kami uli. Masyado ng nagiging mainitin ang ulo niya pagdating sa akin at minsan ay hindi niya na nakokontrol yung mga salita at pasigaw sigaw niya.
'What if hindi niya na ako mahal gaya ng mga unang araw na makita niya ako? What if hindi na pala kami talaga masaya sa isa't isa? What if nasanay lang pala kami na palaging magkasama? What if hindi ako ang naaalala niya kapag sinasambit niya ang salitang mahal kita??'
Gabi na, oras nanaman ng walang katapusang kalungkutan. Simula nanaman walang hanggang pagdedebatehan sa sarili kong pagkatao. Gabi na! Oras na sana ng pahinga dahil sa maghapong kapaguran ngunit ito ako sa kisame lamang nakatitig at nakatunganga sa kawalan. Gabi nanaman, ang gusto ko lang naman ay umidlip ngunit ito ako ngayon binibisita't ginugulo ng kalungkutan.
Wala akong makausap kaya naisip ko agad si Jesslie. Siya ang author sa amin kaya siya ang may malakas ang pandama kung anong mangyayari sa ending ng story ng buhay ko.
Kinuha ko yung cellphone ko at agad kong vinideo call si Jesslie.
-----
Jesslie
You started a video chat.
Jesslie joined the video chat.
Jesslie: Oh napatawag ka?
Ako: Namomroblema kasi ako.
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] Collided in Japan (Travel Series # 1)
RomanceAmanda Louise Addisson, a young woman who chose to work in Japan to pursue a career as a computer engineer, faced an unexpected reality when she arrived-she had no job waiting for her and was scammed. Not wanting to disappoint her family back in the...