Chapter 03 - Job

344 15 4
                                    

"Ano palang trabaho ang ibibigay mo sa'kin?"

Naglalabas ako ng mga damit ko sa maleta ko at nilalagay ko sa cabinet dahil dito daw kami titira ng isang buwan. Kanina ko pa siya kinukulit kung ano ba talagang trabaho ang ipapagawa niya sa akin.

'Hindi naman siguro G.R.O na tiga sayaw sa lawiswis ktv hehez. Joke lang self.'

"Since wala ka namang ginagawa, gagawin kitang model. Sa lahat ng lugar na pupuntahan ko sa Japan at kukuhanan ko ng litrato ay ikaw ang magiging model. Napansin ko kasi na walang kabuhay buhay yung mga tanawin na pinipicture-an ko kung walang tao. Huwag ka mag-alala babayaran kita. Tapos isasama na din kitang libutin ang buong Japan." paliwanag niya.

'Pinunta ko dito is computer engineering, tapos magiging ngayon magiging model ako, makakapag-travel pa. Kaya anong inaantay mo self, payag na!'

"Mukhang nakakahiya naman yun pero sige grab the opportunity!" nahihiya pero nakangiting sabi ko. "Kailan ba mag-uumpisa?" dagdag na tanong ko.

"Bukas? Maaga? Mag-shoshopping tayo ng mga pang-ootd mo. Ako na lahat magbabayad pati pamasahe, pagkain at rerentahan nating hotel pero sasahudan pa din kita, wala akong kakaltasin sa sahod mo. ₱15k isang buwan? Libre pagkain, damit, renta ng hotel at kung ano ano pang ibang kailangan mo sa pang-araw araw. Deal?" nahihiya ako pero kakapalan ko na mukha ko. Iga-grab ko na'to kesa naman maging nganga ako dito sa Japan. Para may maipadala na din ako sa pamilya ko buwan-buwan.

"Sige! Model lang pala eh." sabi ko.

"Okay, ayos na ang usapan ha." hinawakan niya ang ulo ko at ginulo ang buhok ko kaya napangiti ako. "Tara kumain na tayo ng hapunan, kanina pa ako nagugutom HAHAHAHAHAHAHA." pag-aaya niya.

Pagkatapos naming maghapunan ay nag-shower muna ako at natulog.


~

Pagkagising ko ay wala si Blake dito sa room kaya pumunta ako sa c.r para mag-hilamos at mag-toothbrush. 7am na dito sa Japan, so 6am palang doon sa Pilipinas. pag salamin ko ay may nakita akong maliit na sticky note na nakadikit dito kaya agad ko iyong kinuha at binasa.

Amanda, kung nababasa mo'to ay wala pa ako diyan sa hotel dahil pumunta ako sa store para mamili ng gagamitin mo. Pupunta tayo mamayang Shibuya, kaya ihanda mo na ang sarili mo. May almusal na din diyan sa table, kainin mo na dahil kumain na ako. Enjoy your breakfast.

-Blake

Dalawang oras din ang lumipas nung dumating si Blake na andaming pinamili.

"Isukat mo na nga 'to. Yan ang susuutin mo pag-alis natin." binigay niya sa akin ang isang napakagandang pink na kimono na may design pang mga sakura at floral.

"Buti alam mo yung sukat ko?" tanong ko sa kanya matapos kong isukat ang kimono. Parang pinasadya dahil fit na fit talaga sa akin.

"Oo naman, isang tingin ko palang sa'yo alam ko na agad size mo." tumatawa siya habang sinasabi niya yan.

"Wow, talented ka pala, bakit di ka nalang naging mananahi? Siguro andami mo ng babaeng tinignan at nabilan ng saktong saktong mga damit no?" pang-aasar ko. Tumawa lang siya.

[COMPLETED] Collided in Japan (Travel Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon