“Kon'nichiwaaaaaaaa SapporoOoooo!!!”
Kanina pa ako sigaw ng sigaw dahil sa Japan ito talagang sapporo ang pinakagusto kong puntahan noon pa. Iba talaga ang feeling kapag nandito ka na talaga nakatutong sa lupa ng sapporo kaysa sa nakikita at napapanood mo lang.
Nandito kami sa Sapporo Odori Park. Napakaraming magagandang tanawin at hawig siya sa Rizal Park sa Pilipinas. Namiss ko tuloy ang Pilipinas lalo na ngayon malapit na ang pasko, lagi kasi kaming nandoon sa Rizal park ng mga pamilya ko kapag pasko o kaya bagong taon. Ito ata ang unang pasko kong hindi makakasama ang pamilya ko.
Katulad din ng Rizal Park ay napakaraming tao dito na nagre-relax, nag-lalaro at nag-pipicnic at merong pa ngang nag-jojogging. Nakaupo kaming dalawa ni Blake sa upuan sa harap ng fountain.
“Alam mo ba na ang Odori Park ay ang heart of Sapporo City? Tapos ngayon nandito ako kasama ang heart ko.” banat niya.
'Ako ba ang heart na tinutukoy niya? Gosh kakilig!!!'
“Ah talaga, ako din e kasama ko din ang heart ko.” natatawang sabi ko.
“Kinikilig naman ako. Siyempre ako lang nandito kaya ako yung sinasabi mong heart no?” nakangiting tanong niya.
“Hindi.” pabebe pang sagot ko.
“Eh sino?” nagtatakang tanong niya.
“Anong sino? Ito oh. Ito ang heart ko, iyan naman ang iyo. hahahahahahahaha.” tumatawang sabi ko habang itinuturo ang dibdib ko kung nasaan ang puso ko at tinuro ko din ang dibdib niya. Natawa lang kaming pareho sa pinagsasabi namin.
Ilang oras din kaming nanood ng fountain habang pinapakinggan ang mga kanta ng the juans sa earphone. Tig-isang nakasalpak sa tenga namin ang mag-kapares na earphone.
9:30 palang ng umaga. Masyado kaming maaga na umalis sa hotel dahil kagabi pa ako excited na gumala dito sa paborito kong lugar ng Japan, kaya ayun nakulitan sa akin si Blake kaya kahit dapat mamaya pa kami after lunch magpupunta dito sa odori park ay napaaga.
'Masyado akong malakas kay Blake kaya di niyo kaya hehez.'
Nakasakay na kaming dalawa ni Blake ng velo taxi para ilibot kami dito sa buong odori park. Ayaw ni Blake na nahihirapan o napapagod ako kaya kailangan daw naming sumakay.
Nakikita ko pa din naman ang magagandang kapaligiran dahil kung ihahambing sa Pilipinas ang velo taxi ay para lang itong sidecar. Nakasakay ako malapit sa pasukan at si Blake naman ay sa tabi ko malapit sa driver.
Masyado siyang maalaga sa akin nung mga nakaraang araw kaya hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nawala siya. Masyado niya akong sinasanay sa presenya niya at inaamin kong mawala lang siya sa tabi ko ng ilang minuto ay hinahanap hanap ko na agad siya paano pa kaya kapag iwanan niya ako. Confident naman ako sa sarili ko na hindi niya ako iiwan.
Ibinaba kami ng velo taxi sa isang lumang gusali na may napakalaking orasan sa gitna nito.
“That is the Sapporo Clock Tower.” sabi ng driver ng velo taxi habang tinuturo ang lumang gusali. “That is the symbol of the largest city of Hokkaido. Even if it was built in the 1870s, it still chimes every hour.” paliwanag pa ng driver.
“This Sapporo Clock Tower is the symbol of Hokkaido and now this is our symbol. Because simula ng makilala kita Amanda ay tumigil na ang oras ko. I wish 10 years and more kasama pa rin kita at ang gusaling ito ang magiging simbolo ng ating pag-mamahalan.” kinilig ako bigla sa sinabi ni Blake. Pati ata yung driver ay nag-blush sa mga banat ni Blake e.
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] Collided in Japan (Travel Series # 1)
RomanceAmanda Louise Addisson, a young woman who chose to work in Japan to pursue a career as a computer engineer, faced an unexpected reality when she arrived-she had no job waiting for her and was scammed. Not wanting to disappoint her family back in the...