“Hindi ka natulog? Tanga! Kailangan mo ng energy para sa unang pasok mo mamaya!”
Nahuli ako ni Nathan na gising kaninang madaling araw. Kanina niya pa rin akong kinagagalitan dahil anlaki laki na daw ng eyebag ko at baka daw magkasakit ako dahil sa mga ginagawa ko. Kumakain na kami ngayon ng breakfast dahil kararating lang ng inorder niya sa mcdo.
“Ang ingay mo naman!!!” naiiritang sabi ko sa kanya habang kumakain.
“Tanga! Eh kapag may nangyari sa'yong masama rito sa puder ko ay ako ang masisisi. Ewan ko ba kung bakit kita tinutulungan ng ganito e. Kung di ko lang tropa si ----” hindi niya tinapos ang sasabihin niya.
“Sino?” nagtatakang tanong ko.
“Wala.” maikling sagot niya. “At tsaka, hindi mo makakalimutan si Blake kung ganyan ang ginagawa mo sa sarili mo. Kung gusto mo siyang kalimutan ay mag antay ka ng oras hindi yung pinipilit mo yung sarili mo. Nasa proseso 'yan. Alam kong mahal mo pa siya, huwag mong pilitin na kalimutan siya dahil kung ipipilit mo lalo mo lang siyang maaalala.” makahulugang sabi niya.
“Mag-antay ng oras? ng proseso? paano mo kadaling nasasabi lahat ng iyan sa akin ha? Hindi ikaw ang nakatayo sa kinatatayuan ko kaya wala kang karapatan na sabihing nadadaan ito sa putanginang oras at proseso na yan!!!” sarkastikong sigaw ko.
“'Yan! 'yan ang nagagawa ng padalos dalos sa pag-ibig. May mga bagay na kailangan mong tanggapin kahit masakit. May mga bagay na kailangan mong intindihin kahit magulo. May mga bagay na kailangan mong ipaglaban kahit talo kana. At may mga bagay na kailangan mong bitawan kahit ayaw mo na.” nahimasmasan ako sa sinabi niya. “Kumain na tayo, nasa hapagkainan tayo, ayaw kong makipagtalo sa harap ng pagkain.”
Ang sabi nila ‘konting oras at proseso pa ay makakalimutan din kita.’ Ang sabi pa nila ‘pag nilibang ko raw ang sarili ko, mabubura rin kita sa aking isipan.’ Ngunit naisip ko na kahit pala ang papel na mali ang pagkakasulat mo sa letra gamit ang lapis at ito'y binura ay may bakas at maiiwan pa ring marka.
Bakit sa tuwing ako’y matutulog ay napapanaginipan kita? Bakit sa tuwing ididilat ko ang aking mga mata ay ikaw ang una kong nakikita? Bakit sa mga himig at ritmo ng mga kanta ay boses mo ang aking naririnig? Naaalala pa rin kita sa bawat lugar na aking napupuntahan at nakikita. Ikaw pa rin ang aking hinahanap sa bawat taong nakakasalamuha't nakikilala.
At sa tuwing may nakikita akong magandang tanawin, hindi ko maiwasang isipin na sana kasama kita. Na sana nandito ka sa tabi ko habang sabay na pinagmamasdan ang mundo.
Kung oras at proseso ang basehan, bakit mahal pa rin kita?
“Hoy!!! Bakit ka natulala ha?! grabe ka naman ma-broken! hindi ka naman ganyan dati nung binreak kita ha?!” pang-eechos niya.
“Letche! Ako ang nakipag-break sa'yo, wag ka ngang assuming diyan letche ka!” inis na sigaw ko sa kanya. “Nag-iisip ako dito kung anong gagawin ko para makalimutan siya tapos ikaw lagi mong ginagawang biro ang lahat.” kinurot ko siya sa braso.
“Nag-iisip ka pa, baka nakakalimutan mong wala kang isip.” natatawang sabi niya. “Kung ako sa'yo uubusin ko na 'yang pagkain na'yan dahil kung hindi kukunin ko 'yan!” umamba pa siyang kukunin yung friedchicken na nasa pinggan ko.
“Bwiset na buhay 'to! mas mabuti na sanang namulubi nalang ako't namalimos sa daan kesa sa makasama ka, ang ingayy mo para kang bakla letche ka!!!” naririnding sigaw ko at napahilamos sa mga palad ko.

BINABASA MO ANG
[COMPLETED] Collided in Japan (Travel Series # 1)
RomanceAmanda Louise Addisson, a young woman who chose to work in Japan to pursue a career as a computer engineer, faced an unexpected reality when she arrived-she had no job waiting for her and was scammed. Not wanting to disappoint her family back in the...