EPILOGUE

297 11 3
                                    

"Good Morning! Ladies and Gentlemen. Welcome onboard this flight to Manila. My name is Aaliyah Mae Almanzar and I'm your In-flight Cabin Crew. We are here to ensure you have an enjoyable flight to Manila this morning."

Nasa eroplano na ako pauwi sa maynila. Katapusan na ng September at nag-resign na rin ako sa trabaho ko. Malaki na ang naipon ko at sapat na iyon para makasimula uli ng bago sa Pilipinas. Na-text ko na rin si Kuya para sunduin ako sa Airport.

Nakangiti ako ngayon habang pinapanood magsalita si Iya. Napakaganda niya sa suot niyang suit na pula. Ang saya lang na siya pa ang natoka na maging Cabin Crew dito sa sinasakyan kong eroplano. Kanina niya pa ako nakita at ang sabi niya ay mag-chichikahan kami mamaya kapag may time na siya.

"In a few moments we'll be screening a safety video about aircraft. You'll also find a safety briefing card in the seat pocket in front of you. We require that you give us your careful attention." dagdag na anunsyo ni Iya at nilapitan na ako.

"Ang gara mo naman sa suot mo." pinangunahan ko na siyang mag-salita.

"Naman! Gago ka! Bakit hindi ka nagsabi na uuwi ka na? Akala ko ba October pa? Andaming chinika ni Joylyn sa'min ni Jesslie ha? Anyare???" sunod sunod na tanong niya habang hinahampas hampas ako ng mahina ang balikat ko.

"Ayun na nga, hindi happy ending. Hindi pala totoo ang kasal, pineke nila dahil gusto ni Blake na ako ang pakasalan pero nung nalaman ko wala na si Blake." malungkot na sabi ko.

"Anong wala na? Nagsawa ba? O nilayasan ka? Akala ko ba peke lang yung kasal?" nagmamadaling tanong niya.

"Kakasabi ko nga lang na may sakit e, edi namatay." pilit na ngiti ang sinukli ko sa kanya.

"Hala? Gago anong sakit?" gulat na tanong niya.

"Lymphoma, Stage 4 Cancer." hindi na siya nakaimik sa sagot ko at parang gulat na gulat na naka titig lang sa akin. "Ano mukhang gulat na gulat ka? Mas affected ka pa yata sa akin? Hoy ako yung naging jowa hindi ikaw hahahahaha." tumatawang sabi ko. Nagulat pa kami ng may kumalabit kay Iya na babaeng pasahero rin.

"Miss, sira yung kaliwang headphone na binigay niyo sa akin! Anong klaseng eroplano 'to!" iskandalo ng babae kay Iya.

"Teka lang ha? Eksena ka naman masyado. Baka sira lang tenga mo? Tinesting na po namin lahat 'yan bago pa kayo sumakay at ayos naman po lahat. Ipagawa niyo yung tenga niyo baka 'yan yung may problema. Tsk." inis na pagtataray ni Iya. Natawa naman ako sa kanya. "Audrey! i-check niyo nga yung tenga nito baka barado ng sipon." pagtatawag niya sa isa pang flight attendant na kasama niya. Tinarayan lang din siya nung babae at inakay na nung Audrey papunta sa upuan niya. Binatukan ko naman si Iya pagtingin sa akin.

"Gaga ka! hahahahahahaha! grabe ka maging flight attendant dinadala mo pagiging prangka mo hahahahahaha." natatawang sabi ko sa kanya.

"Maraming ganyan dito, sinasabing sira ang headset pero hindi lang pala nila ino-on HAHAHAHAHAHAHA!" malakas na tawa niya kaya pinagtinginan kami ng mga pasahero. "Ang ingay mo HAHAHAHAHAHA." sisi niya pa sa akin. "Ano okay ka lang ba? Marami akong pilotong borta na kilala baka want mo? Kapag lalandi ka kasi hingan mo ng medical certificate para ma check mo kung may sakit HAHAHAHAHAHAHA."

[COMPLETED] Collided in Japan (Travel Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon