(Play 'LUMALAPIT by: The Juans' while reading the Chapter 05)
“Hala umaambon na baka magkasakit si baby silong muna tayo?”
Nakaramdam na ako ng pagpatak ng mga maliliit na ulan pero hindi pa rin ito alintana sa akin dahil gusto ko ngayon din ay malaman at marinig ang boses ni Blake kahit sa video lang. Masyado ko siyang na-miss at kahit bumagyo at bumaha ay hinding hindi ako aalis dito dahil kung si Blake nga ay kahit sa huling paghinga niya ay ako pa rin ang inaalala, ano pa akong naguguilty dahil sa pagkamatay niya. Hindi ko man lang siya naalagaan sa huling sandali ng buhay niya.
“Sige Gwenella sumilong muna kayo, dito muna ako. Mahina pa naman ang patak.” ngumiti ako sa kanya at tinapik niya lang ako sa likod at nagmadali na siyang tumakbo sa isang tent na ilang metro lang ang layo sa akin.
Kinuha ko na ang camera at pinlay ang video. Naka-hospital gown si Blake habang may benda na sa leeg. Nakaupo rin siya at namayat na. Hindi ko na makita ang dating sigla sa mga mata niya at sobrang putla niya. Umubo ubo muna siya hanggang sa magsalita na.
“Aisuru, kamusta kana? alam kong pinapanood mo itong video na ito ngayong wala na ako pero alam mo ba habang vinivideo ko ang sarili ko ay mga litrato nating dalawa ang tinitignan ko. Pasensya na kung di ko na kinaya at di ko na pinilit pang lumaban para matalo itong sakit ko dahil alam kong wala naman na itong kwenta dahil wala ka na. Alam kong ang laking kasalanan ng mga nagawa ko sa'yo at alam ko rin na napatawad mo na ako. Maraming salamat dahil kahit anong ginawa ko ay hindi ka nagtanim ng galit sa puso mo. Alam mo ba na simula nung ika'y lumisan walang araw na hindi ko hiniling na sana nga ay ipinaglaban kita nang sa gayon ay narating natin ang walang hanggang pag-ibig. Dahil hanggang ngayon, hindi ko maisip ang salitang pag-ibig nang hindi naaalala ang iyong pangalan. Naniniwala akong may pagkakataon para sa'ting dalawa. Hindi man ngayon, o bukas, o sa mga susunod na taon, kahit malayo pa at matagal alam kong darating yung oras kung saan pagtatagpuin tayong muli. Magiging sulit ang ating paghihintay. Bibilis uli ang ikot ng mundo, magiging hugis puso ang tingin natin sa lahat ng nakapaligid sa atin at kaya na nating harapin ang mga problema na ipupukol sa atin ng tadhana. Naniniwala akong may nakalaang pagkakataon para tayo'y pagtagpuin muli, para maghilom ang mga ginawa nating sugat sa ating mga puso. At sa wakas mararanasan natin ang habang buhay na pag-ibig. At kung dumating man yung araw na tayong dalawa'y pagtagpuing muli ni Bathala, pangako na hinding hindi ako magsasawang kuhanan ka ng maraming litrato kasama ako habang nililibot ang buong mundo. At kapag dumating na 'yung araw na 'yun hindi na kita bibitawan pa at malilimutan mo na ang mga masasakit na nangyari sa'ting dalawa at makakamtan na natin ang pagmamahal at ligaya na naudlot ng maling panahon. Hanggang sa muling pagkikita mahal ko. Hindi mo man nakita o naramdaman noon hayaan mo sa pagkakataon na 'yun ipaparamdam ko sa'yo ang walang hanggang pagmamahal. Katulad ng oras, ang bawat pangyayari na kasama kita ay hindi na maibabalik pa. Ang laking pasasalamat ko sa camera ko kasi dahil sa kanya ay mapapanatili nating buhay ang mga ala-ala na tayong dalawa ay masayang magkasama. Tulad ng panahong humiling tayo habang sabay na pinapatunog ang kampana habang nangangako sa isa't isa na habang buhay nating pahahalagahan ang pag-ibig na ating pagsasaluhan. Kitang kita ko rin ang iyong napakalaking ngiti habang ibinigay ko na sa iyo ang ticket ng concert na matagal mo ng pinapangarap. Pati na rin yung una mong nasilayan ang pag-ulan ng snow kung saan nakuha ko ang matamis mong 'oo' na tanda na payag ka ng maging girlfriend ko at ito'y nagdala sa atin ng kasiyahan. Naging saksi rin ang aking camera kung paano tayo naging masaya nung iyong kaarawan habang hiniling ko sa iyo na samahan ako ng habang buhay. Haggang sa nagplano tayo kung ano ang isusuot mong trehe de boda sa gaganipin sana nating kasal. Sa pag-libot natin dito sa Japan ay lahat ng iyon ay nakuhanan ng litrato. Maging yung mga araw na sabay nating pinanood ang unang pagsibol ng araw sa unang taon. Nakuhanan ko ng litrato maski yung mga pagtulog mo sa gabi habang binabantayan kita. Nakuhanan ko ng litrato, lahat ng mga magagandang tanawin na ninanais mo lang dati na marating. At sa lahat ng mga litratong nakuhanan ko ay ikaw lang ang pinakamagandang tanawin na nalitratuhan ko. Alam mo ba habang kumukuha ako ng litrato kasama ka ay naiisip kong hindi lahat ng mga nakuhanan kong masasayang bagay ay mananatili nalang na ganon nalang habang buhay. May magbabago, may maglalaho at may lilisan. Ngunit ang mga litrato ay mananatili pa ring litrato. Habang iniisip ko yun ay naiyak ako dahil sobrang lungkot kapag ang mga kuha kong litrato ay mananatili nalang na litrato at hindi na masusundan pa. Kaya 'yang kahon na punong puno ng ating mga litrato ay ireregalo ko sana sa iyo sa birthday mo kaso hindi na tayo umabot. 'Yan ang magiging pabaon kong ala-ala sa iyo. Iyang mga litrato na yan ang magiging daan upang sa kabilang buhay ay ako'y iyong matagpuan. Ang mga litratong iyan ay hindi lang basta papel na may nakaimprentang mga mukha natin kun'di iyan ang magiging kodigo mo kapag 'yung mga ala-ala nating pinagsaluhan ay unti-unti mo ng makalimutan. Pasensya na kung hindi ko na maitatama ang mga mali kong iniwan sa'yo ngunit lagi mong tatandaan na ginawa ko lang ang lahat ng iyan dahil ayaw kitang mawala sa akin. Huwag mong isipin na huwad ang ating pag-ibig na pinagsaluhan, sadyang mapaglaro lang ang tadhana. Alam mo ba na ang ating pag-ibig ay maiilarawan ko sa isang libro na kung saan kapwa tayong karakter sa iisang istorya ngunit hindi nagtagpo dahil isinulat tayo sa magkabilang pahina. Patawad kung sumuko na ako pero huwag mong isipin na pagod na akong pilitin ka pang manatili kaya ko nagawa ito. Isa ka sa nagbigay ng kabuluhan sa buhay ko. Kung sakaling makakakilala ka uli ng lalaking magmamahal sa'yo huwag kang matakot magmahal muli. Masaya pa rin akong naging parte ka ng buhay ko bilang pansamantalang pag-ibig pero habang buhay na kasiyahan. Mag-ingat ka mahal ko. Hindi mo man ako makakasama ngayon, ipinapangako ko na tayo ang magsasama sa habang panahon. Pero ngayon, ipinapangako ko na hanggang sa huling hininga ko tandaan mo na pangalan mo pa'rin ang huling babanggitin ko. Hanggang sa muli. Tsuki Ga Kirei Desune Aisuru.” mabagal ang pagsasalita niya at paos na ng konti pero naiintindihan ko naman lahat ng sinabi niya.
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] Collided in Japan (Travel Series # 1)
RomanceAmanda Louise Addisson, a young woman who chose to work in Japan to pursue a career as a computer engineer, faced an unexpected reality when she arrived-she had no job waiting for her and was scammed. Not wanting to disappoint her family back in the...