“Yun ba ang boyfriend mo na sinasabi ni Nathan? Grabe iba ka mamili ha, ang gwapo!”
Magkasama na kami ni Iya ngayon at nandito kami sa mall para mag-shopping ng mga damit niya dahil wala siyang damit na susuutin kung magtatagal pa siya dito sa Japan.
Nagpaalam si Blake na magpupunta sa c.r kaya nakakapagchismisan kami ni Iya tungkol sa kanya.
“Kahit kelan talaga madaldal 'yang Nathan na 'yan. Kapag ikakasal na sana kami tsaka ko ipapaalam sa inyo eh para surprise hahahaha.” pang-eechos ko.
“Ikakasal? Eh diba nga may ex na 3 years at ang masaklap ay nahuli mo pang nakikipaghalikan ng harapan!” pambabasag sa akin ni Iya.
“Hindi naman siya ang nakipaghalikan, nagulat siya dahil bigla siyang hinalikan ng slapsoil na babaeng 'yun kaya di na siya nakagalaw.” paliwanag ko.
“Ang slow mo talaga! Naniwala ka naman sa mga pinagsasabi ng lalaking 'yun sa'yo? Ganyan 'yang mga lalaki kapag nahuli mo na gagawa pa rin ng paraan para makalusot.” aniya.
“Excuse me. Aisuru, hinahanap na tayo ni Mom.” biglang singit ni Blake sa usapan namin.
“Ah okay, sige sige bayaran lang namin 'to sa machine.” nakangiting sabi ko at pumunta na kami sa paying machine. Sinenyasan niya naman ako na sa parking na kami magkita.
“Ano tawagan niyo? Susu mo? HAHAHAHAHAHAHAHAHA!” malakas na tawa ni Iya kaya tinabig ko ang braso niya ng braso ko dahil nagtinginan na samin ang mga ibang Japanese na bumibili.
“Aisuru 'yon! Meaning 'to love', 'to care for' or 'to have affection for'. Ang sweet diba? Umay na umay na kasi ako sa mga naririnig ko sa Pilipinas na Babe, Love, Honeybunch, Cupcakes and etcheterang palaka hahahahahahaha.” pagyayabang ko sa kanya.
“Alam mo? Ang yabang niyong mag-jowa. Ikaw pa ata unang ikakasal sa ating apat. Jowa ko kasi walang ganap ayaw pa mag-propose, takot ata sa gastos sa akin HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! Pero huwag kang papakampante. Hanggat walang belo 'yang ulo mo, walang singsing 'yang palasinsingan mo at walang trahe de bodang nakasuot sa katawan mo habang naglalakad ka papuntang altar ay wala ka pa ring ligtas at karapatan sa lalaking 'yan kahit landiin uli yan ng 3 years niyang ex! Kaya kung ako sa'yo huwag kang gagawa ng paraan para pagsawaan ka niya dahil kung yung ex niya ngang 3 years eh naghiwalay pa, kayo pa kayang tatlong buwan lang nagkakilala." payo niya.
“Ang lakas mong tumawa hahahahaha pinagtitinginan na tayo ng mga tao.” tumatawang sabi ko sa kanya at iniba ko na rin ang usapan.
“Eh ano masaya tayo eh! Bawal ba? May payment ba ang pagtawa? Magkano at ngayon din ay dodoblehin ko ang bayad!” pagmamayabang niya. Nilagay ko na ang pinamili niya sa loob ng paying machine at isa isa na itong na-punch.
“Ganyan dito sa Japan, walang cashier. Ilalagay mo lang lahat ng pinamili mo diyan sa loob at yung machine na ang bahalang mag-punch ng presyo. At tsaka wala ring bagger dito na katulad sa puregold. Kukuha ka lang ng plastic at ikaw na ang mag-paplastic ng sarili mong pinamili. Ganyan ka-hightech dito sa Japan.” paliwanag ko sa kanya dahil manghang mangha siyang makita ang proseso ng pagbayad ng mga pinamili niya.
“Kung sa Pilipinas may gan'to siguro wala pang isang segundo ubos na agad yung plastic dahil kinuha na nila at binenta.” tumatawang sabi niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/242748533-288-k421992.jpg)
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] Collided in Japan (Travel Series # 1)
RomanceAmanda Louise Addisson, a young woman who chose to work in Japan to pursue a career as a computer engineer, faced an unexpected reality when she arrived-she had no job waiting for her and was scammed. Not wanting to disappoint her family back in the...