Chapter 13 - Broken Kiss

248 12 3
                                    

“Amanda, si Gwenella nga pala. Gwenella si Amanda girlfriend ko.”

Nabuhayan yung mga dugo ko ng ipakilala ako ni Blake na girlfriend niya. Ansarap sa pakiramdam na sa simpleng pagsabi niya ng girlfriend niya ako sa ex girlfriend niya ay nakakagaan na ng loob.

'Sorry ka, ikaw ang nauna pero ako ang wakas!' bulong ko sa sarili ko.

Bineso beso lang ako ni Gwenella at nagpaalam na kay Blake.

“Mamaya ha, sa daniri bar treat ko uli, sama mo na si Amanda.” sabi ni Gwenella kay Blake at sumakay na siya ng kotse niya at humarurot ng mabilis.

Agad na rin kaming pumunta sa room namin para makapagpahinga na. Sobrang pagod kase e.

Pagpasok namin ay dumiretso siya sa kwarto ko.

“Ano yung sinasabi ni Gwenella na mamaya daw sa bar ha?” kunwaring galit galitan ko.

“Nagyayaya kasi siya ng chillnuman para makilala ka rin niya daw. Kung sasama ka sasama ako pero kung hindi wag nalang.” sabi niya habang nilalambing ako.

May masama akong kutob diyan kay Gwenella eh pero kung hindi ko papayagan si Blake baka isipin naman nun na bitter ako sa kanila.

'Ew! Ako bitter? Oo bitter ako sa kanila pero okay na yun para may closure 'tong dalawang 'to.'

“Oo na sasama na ako.” naiinis paring sabi ko.

Niyakap niya ako ng mahigpit at inamoy amoy. Ang clingy niya masyado naiilang ako.

“Ano ba Blake! nakakainis ka. Maligo ka na dun at susunod ako pagkatapos mo.” sigaw ko habang tinutulak tulak siya.

“Babe naman eh, bakit ayaw mo akong nandito ha?! Nagseselos ka ba kay Gwen?” nagtatampong parang batang sabi niya.

“Hindi ako nagseselos no! Ang kapal mo naman. Kahit balikan mo siya ngayon wala akong pakealam. Tsaka wag mo'kong matawag tawag na 'Babe' naasiwa ako ih.” pag-iinarte ko.

“Anong gusto mong itawag ko sa'yo? I think dito naman tayo nagkakilala sa Japan at ang love sa japanese language is 'Aisuru' so from now on you're my Aisuru. Ayieeeeeeee.” pang-aasar niya pa.

“Sige Aisuru nalang pero maligo ka muna amoy isda ka na e.” maarteng sabi ko.

“Maliligo na ako kung aaminin mong nagseselos ka kay Gwenella hihi.” pang-aasar niya. Hindi ko siya pinansin at inunat na ang paa at nahiga na sa kama ko habang si Blake ay naiwang na-upo sa gilid ng kama ko. “Ah ayaw mo aminin ha!” magsasalita pa sana ako pero nagulat ako ng dumagan siya sa akin.

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko ng mga kamay niya at sinakop ng labi niya ang labi ko.

Napatulala lang ako at hindi makakurap habang nakahalik pa rin siya sa akin.

Umalis siya sa pagkakadagan sa akin at nahiga sa tabi ko habang nakahalik parin. Magkaharapan kami at parang inaantok ako sa pagkakahalik niya.

Tila nanlamig ang mga labi ko dahil hindi ito makagalaw sa halik niya. Tanging ang labi niya lang ang gumagawa ng paraan para maging maayos ang paghalik. Kinakapos na ako ng hininga at gusto kong lumanghap ng hangin pero parang may ano sa utak ko na nagsasabing wag kong pigilan ang masayang pagkakataon na ito.

Ilang segundo ng bitiwan ng labi niya ang labi ko ay napasinghap ako ng malakas upang punan ang hangin na naubos sa katawan ko ng halikan niya ako.

[COMPLETED] Collided in Japan (Travel Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon