(Play 'PANGALAWANG BITAW' by: The Juans' while reading the Chapter 32)
“Amanda, patawarin mo na ako. Hindi ko ginusto 'to.”
Ilang metro palang ang layo namin ni Joylyn sa temple ay napahinto kami kasi hanggang ngayon ay nakasunod pa rin si Blake sa amin.
Kanina pa siya humihingi ng tawad sa akin. Ang weird lang na kung kelan siya kinasal ay tsaka siya naghahabol sa akin. Napasulyap ako kay Joylyn na lumayo ng ilang dipa sa kinatatayuan namin ni Blake dahil gusto niya rin na kausapin ko ito para daw may closure.
'Closure? Matapos niyang ginawa lahat sa akin 'to? Closure your ass!'
“Anong hindi mo ginusto? So trip lang lahat ganon? Pinagtitripan mo lang ako?! Tangina naman Blake! Parang ginagawa mo na akong tanga eh. Takot akong magmahal dati pero sumubok uli ako sa'yo dahil akala ko hindi mo sa akin ipaparanas ang masaktan! Ang slow ko lang sa part na binalaan na ako ng mga pamilya ko sa'yo pero hindi ko inintindi at mas pinili kita! Ang slow ko diba?! Binuo kita nung mga panahong durog na durog ka tapos ngayon ako naman yung durog?!” lahat na ng kinikimkim ko ay inilabas ko na.
“Amanda, kahit kailan ay hindi kita ginawang tanga. Ikaw ang mahal ko.” kitang kita ko sa mga mata niya ang sinseridad sa mga sinasabi niya. Pero mas lalo akong nainis dahil sa mga narinig ko sa kanya.
“Ako yung mahal? Pero iba yung pinakasalan? hahaha tangina paniniwalain mo nanaman ako sa mga mabulaklak mong salita? Dapat pala hindi na kita binalikan eh. Feeling ko kinuntchaba mo rin si Nathan noon na kunwari si Gwenella yung lasing tapos hinalikan ka? shit talaga! Natatawa lang ako na isipin na malapit na sana eh, pinlano na natin yung kasal diba? Sa mismong birthday ko pa tsaka ka nag-propose. Ano tuwing sasapit ang birthday ko imbis na mag-celebrate ako ay mas aalalahanin ko pa yung nag-propose ka tapos hindi naman pala ako ang kasama mong susumpa sa harap ng altar!” unti-unti ng tumulo ang mga luha sa mata ko.
“Hindi ako nakipagsabwatan kay Nathan. Hindi mo ako naiintindihan eh. Intindihin mo naman ako kahit ngayon lang.” sinampal ko siya dahil hindi ko na mapigilan ang inis ko. Napahawak pa siya sa pisnge niya dahil napalakas ata ang impact ng sampal ko.
“Anong intindihin?! Eh simula ng makilala kita inintindi na kita! Tapos ngayon isusumbat mo sa akin na kailangan intindihin kita ha?! Grabe yung sakit na pinaranas mo sa akin! Simula ng makilala kita mas lamang yung sakit kesa sa kilig! Mas lamang ang pighati kesa sa saya. Alam mo yung mas masakit? yung akala ko ako na e pero mas pinili mo siya kesa sa akin.” tuloy tuloy pa rin ang luha na kumakawala sa mga mata ko. Ansakit sa puso, parang pinipiga piga at tinutusok tusok. Nanghihina ako. Gusto kong isipin na panaginip lang ito pero yung pinaparamdam ng puso ko ay totoo na ito at wala na kong magagawa kun'di damhin ang sakit.
“Hindi mo lang alam pero pinili kita Amanda.” may tumulo na rin na mga luha sa mga mata niya pero hindi ako naaawa kun'di naiinis ako dahil sa mga pinaramdam niya sa akin.
“Noon! noon ako ang pinili mo. Alam ko naman kung bakit ako ang pinili mo eh, kasi madali lang akong iwan. Simula noon hanggang ngayon, ang sakit mong mahalin.” dinuro duro ko pa siya.
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] Collided in Japan (Travel Series # 1)
RomanceAmanda Louise Addisson, a young woman who chose to work in Japan to pursue a career as a computer engineer, faced an unexpected reality when she arrived-she had no job waiting for her and was scammed. Not wanting to disappoint her family back in the...