"Advance Happy Birthday Mom and Happy new year to all of you!"
Naiinis ako dito sa bruhildang Hyacinth na'to. Kung makabati ay parang walang ginawa sa aking kagimbal gimbal kaya nagkasakit ako. Masyado siyang maraming pakeme sa akin at kunwaring nakikipag-close pero ang totoo naman ay ayaw niya sa akin.
'Malas niya lang dahil ako ang girlfriend ng kuya niya.'
Magsisimula na kaming kumain ng may umagaw sa aming paningin. Napatingin kaming lahat sa maingay na yapak ng heels na tumutunog dahil kahoy ang hagdanan.
Nakita ko ang isang babaeng naka-dress na pula at mukhang mataray pa na pababa ng hagdan.
"Oh, Gwenella gising ka na pala. Tara na't sumabay ka na sa aming kumain." masiglang sabi ng Mommy ni Blake kay Gwenella habang palapit na ito sa amin.
"Sige po Mommy." umupo siya sa dulo ng upuan kung saan upuan ng Daddy ni Blake.
Malayo siya sa amin ni Blake pero nakakaramdam ako ng selos dahil nga sa mga nangyari sa kanila ni Blake nung mga nakaraang araw.
Sobrang awkward ng mga tao dito sa loob ng hapagkainan dahil nandito ang ex ni Blake na si Gwenella, nandito rin ang ex ko na si Nathan at ang bwiset na Hyacinth na'to na feeling maganda kung itrato ako sa company na pagmamay-ari pala talaga nila.
"Kain ka na anak, magpakabusog ka." andaming nilagay na pagkain sa pinggan ko ang Mommy ni Blake. Nagulat pa ang lahat dahil sa kilos na pinapakita ng Mommy ni Blake.
"Okay lang po. Kaunti lang naman po ako kumain." pagtatanggi ko sa pagkain.
"Masamang tinatanggihan ang pagkain anak." nahihiya ako kapag tinatawag niya akong anak. Hindi ko alam pero parang ang awkward lang na hindi pa naman kami mag-asawa ni Blake pero tinatawag niya akong anak at tsaka nahihiya din ako dahil nakatingin lahat sa akin ang mga tao dito lalong lalo na ang ex ni Blake na si Gwenella.
Kahit nakangiti si Gwenella ramdam ko sa pustura niya ang selos sa ikinikilos ng Mommy ni Blake sa akin.
"Anak, pangalawang beses ka palang pumunta dito sa bahay namin. Sa tagal ka ng kinukwento niyan ni Blake sa akin ay ngayon ka lang nagawi dito kaya hindi ko na palalampasin pa ang magiging ina ng mga magiging apo ko kay Blake." tumatawang biro ng Mommy ni Blake kaya mas lalo akong na-awkward sa mga nangyayari.
Kumain na kami dahil manonood pa daw kami ng fireworks sa labas mamayang alas dose.
Nang matapos naming kumain ay pinagpalit kaming lahat na mga babae ng mamahaling kimono na pula at may mga disensyong sakura tree na kulay ginto. Pinasadya pa daw 'yun ng mama niya sa isang napakasikat na mananahi dito sa Japan.
Tig-iisa kaming kwarto na pinagpalitan at nung tapos na ako ay chineck ko pa yung pustura ko kung bagay ba sa akin na maging Japanese e hindi naman ako singkit.
Palabas na sana ako ng kwarto ng biglang pumasok si Blake. Naka panlalaking yukata siya na asul na may disenyong mga alon na puti at may parang makapal na itim na belt.
"Aisuru, ready ka na ba sa kasal natin?" nahampas ko siya sa braso dahil sa gulat ko sa sinabi niya. Para kasi kaming mga Japanese na ikakasal.
"Gaga ka! Hindi pa ako handa Aisuru." gulat na sabi ko sa kanya.
"Ito naman hindi mabiro. Ang ganda mo talaga." nakangiting sabi nito sa akin at hinawakan ang mukha ko. Ilalapit na sana niya ang mukha niya sa mukha ko para halikan niya ako pero pinigilan ko siya.
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] Collided in Japan (Travel Series # 1)
RomanceAmanda Louise Addisson, a young woman who chose to work in Japan to pursue a career as a computer engineer, faced an unexpected reality when she arrived-she had no job waiting for her and was scammed. Not wanting to disappoint her family back in the...