THE BEGINNING

836 28 1
                                    

"Nasaan na ba si Jesslie?"

Naiinis na tanong ni Iya dahil kanina pa namin siya inaantay tatlo.

"Walang bago, hindi ka na nasanay." inilabas ko na ang mga alak na dala ni Joylyn dahil siya ang nakatoka na magdadala.

"Kahit noong mga highschool palang tayo lagi ng late yung baklang yon." tumatawang sabi ni Joylyn habang inilalatag ang kumot sa damuhan para na sa picnic at inuman naming apat.

Nandito kami sa Tagaytay Picnic Grove, dito namin naisipang mag kita-kitang apat dahil matagal na din kaming hindi nagkakasama dahil busy sa college graduation namin.

Ngayong graduate na kami lahat ay gusto naming i-celebrate ito ng kami lang apat na sama sama.

"Thirty minutes ng late si bakla!" namomroblemang pahayag ni Joylyn habang pabalik balik ang tingin sa kanyang cellphone. "Makarating pa kaya 'yon?"

'Si Jesslie kasi ang nagyaya dito tapos siya pa ang mawawala?' tanong ko sa isip ko.

"Baka hindi pinayagan ng mama niya? HAHAHAHAHAHAHAHA." malakas na tawa ni Iya.

"Oo nga gago, naalala ko tuloy dati, di pa tayo nagsisimulang mag-inuman eh tinatawagan na agad siya ng mama niya." kwento naman ni Joylyn.

"Chat niyo nga sa G.C!" inis na sigaw ni Iya.

~

BRUTAL A.A.J.J

Joylyn: hoy @jessliebriguela nasaan kana?!!!

Amanda: Nandito na kami kanina pa.

seen.

~

"Gago sineen lang ni Jesslie. Bonak ata yun eh." sabi ni Joylyn kay Iya.

"Lintek na yan. Nakatoka sa kanya yung pulutan natin! Ano iinom tayo ng walang pulutan?" halatang naiinis na tanong ni Iya.

Habang naghihintay kami kay Jesslie ay inihanda na namin ang tig-iisang tent na tutulugan namin. Pinagdala kasi kami ng kanya kanyang single tent ni Iya kasi baka lasing na kami mamaya at hindi na makauwi kaya dito nalang muna kami matutulog ng isang gabi. Hanggang 7pm lang pwedeng mag-stay dito pero kilala ni Jesslie ang may-ari at pinakiusapan niya itong kahit isang buong gabi lang kami dito at pumayag naman ito.

Mag-aalas kwatro na ng hapon at wala pa din si Jesslie. Alas tres ang calltime na sinabi niya sa groupchat kahapon tapos siya pa ang late.

Ilang minuto pa ay nag-ring ang cellphone ni Joylyn. Agad niya itong sinagot.

"Hoy bakla ka! Nasaan ka na? Ah nandito ka na? Saan? Wait nandito kami malapit sa may malaking puno ng mangga. Sige sige. Papunta na." sagot ni Joylyn sa cellphone niya.

"Hoy tara nandoon daw si Jesslie sa pasukan, hindi niya daw alam kung nasaan tayo kaya nag-papasundo." sabi samin ni Joylyn.

"Sige kayong dalawa nalang ni Amanda. Ako nalang ang mag-babantay dito." sagot naman ni Iya.

Agad na kaming pumunta sa entrance at nakita namin si Jesslie na kumakaway sa dinadrive niyang itim na Toyota Camry XV50.

[COMPLETED] Collided in Japan (Travel Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon