Chapter 24 - Theory

130 11 0
                                    

“Oy! Amanda gising na!”

Nagulat ako ng gisingin ako ni Iya. Naka flight attendant uniform na siya na pula. Formal na formal siya tignan na akala mo ay Maria Clara na mahinhin.

“Oh aga mo ha? Saan ka pupunta?” nag-uunat pa na tanong ko.

“Aalis na ako. Nag-text na yung Piloto ng  Airplane namin at kailangan na daw namin bumyahe uli papuntang Thailand.” paliwanag niya.

“Bakit ngayon mo lang ako ginising hindi pa ako nakakapag-ayos.” nagmadali akong bumangon para igayak yung susuutin ko.

“Gaga bakit mas nagmamadali ka pa sa'kin? Saan ka pupunta? Ikaw ba flight attendant dito ha??” natatawang tanong niya.

“Ihahatid kita sa Airport. Baka maligaw ka pa papunta dun eh tsaka ----” hindi ko na itinuloy ang sasabihin ko ng pigilan niya ako.

“Te baka nakakalimutan mong Flight Attendant ako. Bago ako nakapasa ay inaral namin ang mapa ng buong mundo at mga basic language ng ibang mga country kaya kahit mawala ako ay alam ko kung saan ako pupulutin kaya wag ka na mag-alala. Inabala na nga kita eh tapos aabalahin pa ba uli kita ha? Sige na aalis na ako.” paalam niya. Tumango tango nalang ako at niyakap siya. “Yung mga payo ko sa'yo ha? Isipin mo lagi 'yun. Basta kapag nagkaproblema kayo ng jowa mo, just call me.” bulong niya sa akin habang nakayakap din siya.

Nang makaalis siya ay agad akong nagpunta sa kusina at nadatnan kong kumakain si Hyacinth at Nathan kaya umupo na rin ako sa tapat nila. Agad akong nginitian ni Hyacinth at tinawag ang mga katulong para bigyan ako ng almusal.

Nagpalinga linga ako para hanapin si Blake dahil hindi ko na siya nakita nung nagising ako.

“Si Blake ba hinahanap mo?” tanong ni Nathan. Napansin niya atang palinga linga ako.

“Oo.” tumango-tango ako.

“Lumabas lang si Kuya saglit. Hinatid diyan sa labas yung kaibigan mo.” sabi ni Hyacinth. “Ayan na pala eh.” dagdag niya habang tumuro sa pinto.

Agad akong tumayo at sinalubong si Blake.

“Kain na tayo?” lambing na sabi ko sa kanya.

“Tara.” magka-holding hands pa kaming pumunta at umupo sa kusina para kumain.

Nauna nang umalis sila Hyacinth at Nathan dahil tapos na silang kumain kaya naiwan kami ni Blake. Agad ding lumabas si Gwenella sa kwarto niya kaya nakaramdam nanaman ako ng selos.

'Bakit pa kasi nandito 'tong babaeng ito.'

Sabay sabay kaming tatlong kumain pero malayo si Gwenella sa amin at kami naman ni Blake ay magkatabi. Napapansin ko na hindi nagpapansinan si Blake at Gwenella hanggang ngayon. Huling kita kong nagpansinan sila ay yung naghalikan sila sa bar.

Halata rin kay Blake na iniiwasan niya si Gwenella. Lagi nalang siyang umaalis kapag nandyan si Gwenella, minsan naman nung nag-inuman kami ay layong layo siya kay Gwenella, at ngayon naman ay nagmamadali siyang kumain.

“Aisuru, dalian mo diyan maliligo lang ako at babalik na tayo sa hotel mamaya. Ihahatid muna kita sa hotel at aalis muna ako.” sabi niya habang patayo na dahil tapos na siyang kumain. Hindi pa nga ako nakakatatlong subo sa kanin na kinakain ko ay tapos na agad siya.

“Saan ang punta mo?” tanong ko.

“Si Kuya, sa Hospital.” seryosong sagot ni Blake at napatingin pa siya kay Gwenella saglit.

[COMPLETED] Collided in Japan (Travel Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon