“Galit pa kaya ang Daddy mo sa akin?”
Mabilis na lumipas ang araw at katapusan na ngayon ng February. Wala kami masyadong naging ganap ngayon dahil naging busy ako sa pagtatrabaho at siya ay sa pamamalakad ng kumpanya nila.
Konting mga damit nalang ang ginagayak namin ni Blake dahil may naiwan din naman kami doon sa mansion nila nung last na pumunta kami noon sa kanila.
Hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin ako sa magiging reaksyon ng Daddy ni Blake dahil birthday niya yun at sana wag na siyang ma-highblood sa akin.
Nang matapos naming mag-gayak ay agad na ring sumakay sa kotse para mabilis kaming bumyahe.
Biglang nag-vibrate ang cellphone ko habang nakaupo ako sa passenger seat. Bigla kong kinuha ang cellphone ko sa isang maliit na shoulder bag na dala ko.
Nag-text si Iya.
From: Iya
Anong ginagawa mo? Sali ka sa videocall sa G.C natin may chikahan na nagaganap doon.
Dahil sa ayaw kong ma-missed ang chikahan nila sa G.C baka kasi importante ay agad akong nag-open ng messenger at sumali sa videocall nila.
---
Brutal A.A.J.JAmanda joined the video chat.
Iya: Tanginamo Amanda ha!!! Nabuhay ka rin! HAHAHHAAHAHAHHAAHAHAHAHAHAHAHA.
Joylyn: Hoy! Amanda!! Anong chinat mo na ikakasal ka na ha? Ano yung ganap ko dun? Di pa ako ready myghad!!
Jesslie: Ang yabang mo naman Amanda sa part na una ka pang ikakasal sa amin eh kami ang unang lumandi noon. Feeling ko buntis ka no? Kaya kasalan agad? Hmmmm?!!
Ako: Ako lang 'to hoy!! Huwag kayong mainggit hahahahahaha kala niyo ha asar asar pa kayo sa'kin dati na hindi niyo ako naiimagine na magkakajowa? Who you kayo ngayon sakin hahahahahahahaha joke.
Iya: GAGO!!! huwag kayong gaganyan ganyan kay Amanda! Nakabingwit yan ng may mansion 'yan! Amanda sipain mo nga ako sa mukha, promise mag-sosorry din ako later HAHAHAHAHAHAHAHAAHHAHA!!
Ako: Mga bwiset kayo! hahahahahahaha.
Joylyn: Hoy! May lumalandi sa akin, may bf na ako ano gagawin ko huyyy gwapo siya eh. Hahahahahahaha.
Jesslie: May nagsabi ba ng word na gwapo? Saan? Pagsight ako kung legit!!! Malaki ba???
Iya: Hoy ang baboy mo Jesslie! Oo nga bumabakat ba?
Ako: 'Yan mga sugapa hahahahahahaha!
Jesslie: Malaki ba yung muscle? Hindi niyo kasi ako pinapatapos e.
Joylyn: Kilala niyo siya! 'Yung last dance ko nung Grade 9 J.S Prom natin?
Iya: Weh? Tanda ko pa yun ha, yung maliit na lalaki na niyaya mong magsayaw dati? Yung pinagtitripan natin dahil walang kasayaw?
Joylyn: Oo siya nga! Chinat niya ako kagabi kaloka!!!
Ako: Sana all! Ako nga yung nakabungguan ko noon sa J.S prom natin di ko man lang nakilala e. Sayang gwapo rin yun eh.
Iya: Sino yung kinukwento mo sa amin na pinicturan ka? Yung may kasamang lolo ba?
Jesslie: Grabe! Talande HAHAHAHAHAHAHAHA! Magpapakasal na humaharvat pa!
Natawa ako sa sinabi niya dahil napatingin rin sa akin ng masama si Blake habang nagdidrive kaya tinawanan ko lang ito.
Iya: Landiin mo na! Para kapag binreak ka ng boyfriend mo ngayon ay may reserba ka HAHAHAHAHAHAHA!
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] Collided in Japan (Travel Series # 1)
RomanceAmanda Louise Addisson, a young woman who chose to work in Japan to pursue a career as a computer engineer, faced an unexpected reality when she arrived-she had no job waiting for her and was scammed. Not wanting to disappoint her family back in the...