Chapter 20 - Advance Birthday Celebration

179 12 1
                                    

“Ako na magdadala niyang maleta mo. Mukhang buong kwarto ng condo ni Nathan dinala mo na ha.”

Kanina niya pa pinupuna ang malaking maleta na dala ko. Pabalik na kami sa hotel ni Blake dahil nga kami na uli.

'hashtag marufok ka self!'

Nakasakay kami ngayon sa kotse ng kapatid niya. Nakaupo ako sa front passenger seat at si Blake naman ang driver.

Dadaan muna daw kami sa Hotel niya at sa mansion na daw kami ng mga Carson mag-cecelebrate ng newyear kasabay ng birthday ng mommy niya sa January 03. Family celebration daw ngayon tapos sa January 03 ay mga malalapit na kumare at mga kaibigan ng Mommy niya ang pupunta kaya pinaaga na kami.

Wala daw ang Daddy niya ngayon sa mansion dahil daw may inaasikasong trabaho kasama ang Prime Minister at nasa Thailand daw ito hanggang sa bukas kaya di makakasama sa celebration. Inaamin ko naman na masaya ako dahil wala ang Daddy niyang ang asim ng mukha.

Nang makarating na kami sa hotel ni Blake ay nakita ko sa kwarto ko ang mga gamit ko. Kung ano ang iniwan ko ay ganun pa rin ang pagkakaayos.

Naligo muna ako dahil masyado na akong malagkit sa mga pabalikbalik ko kanina at sa pagsakay sa train.

Pagkatapos kong maligo ay nag gayak na ako ng dadalin sa mansion nila Blake dahil 2 nights at 1 day kami doon.

Nang matapos na kami mag-ayos ay sumakay na uli kami sa kotse para pumunta na sa mansion nila Blake. Gaya kanina ay sa front passenger seat ako nakaupo at siya uli ang driver.

Habang naka tingin ako sa labas ng bintana ay may biglang pumasok sa utak ko.

“Hoy! Aisuru! Kailan pa kayo nagkakilala ni Nathan ha?” kunwaring inis na sigaw ko sa kanya. Humarap siya sa akin at ngumiti pa.

Batchmate ko siya sa St. Paul College noon. Tutor ako ng thesis nila noon dahil mas senior ako ng konti sa kanila. Nagpatulong siya ng thesis noon sa akin.” sabi niya habang nagda-drive.

“Alam mo ba na magkakilala kaming dalawa?” sunod na tanong ko.

“Oo! Siya pa nga ang dahilan kung bakit kita nakita uli no---.” hindi niya tinapos ang sasabihin niya nang maisip niya kung ano ang sinasabi niya.

“Nakita? Saan? Nagkita na ba tayo noon?” sunod sunod na tanong ko pero hindi niya ako sinagot. Ilang segundo pa tumahimik ang paligid namin bago siya magsalita uli.

“Hindi. Pero diba ex mo si Nathan? Kamusta naman ang pamamalagi mo ng ilang linggo sa condo na nirentahan ko?” pang-aasar na sabi niya.

“Che! Bakit pala doon mo ako binigay ha?! Diba nung nahuli ko kayo ni Gwenella na naghahalikan at nung time na nahimatay ako sa kalasingan ay dala dala mo ako sa hotel mo? Bakit napunta ako sa condo ni Nathan ha? Bakit mo pa ako binigay don?” inis na tanong ko.

“Dahil alam kong pag-gising mo ay kamumuhian mo ako. Alam kong pag-gising mo ay aalis ka nanaman at hindi ko na alam ang gagawin ko kung mawala ka pa. Kaya nung kampante na akong okay ka na ay kinausap ko si Nathan para dun ka muna manuluyan at sabi ko na ako na bahala sa lahat ng gastos at renta ng condo basta maalagaan ka lang niya. Atleast kampante ako na kilala ko kung sino yung taong kasama mo.” sagot niya habang nakatingin pa rin sa daan.

“So ikaw pala yung kausap niya sa phone nung pasko? Yung hindi makakapunta?”

“Oo ako yun. Hindi ako pumunta dahil hindi pa ako handang magpakita sa'yo. Ayokong pandirihan mo ako hanggat di ko pa nasasabi sa'yo ang totoo.”

[COMPLETED] Collided in Japan (Travel Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon