“Kringggg...Kringggg...Kringgg....Kringggg...Kringggg...Kringgg....Kringgg...Krin---”
Agad kong pinatay ang alarm sa cellphone ko ng marindi ang tenga ko sa sobrang lakas. Alas dos na rin ako nakatulog kanina at nag-alarm ako dahil gusto kong bumisita sa puntod ni Blake ngayon na mag-isa. September 23 ngayon at ilang linggo nalang ay uuwi na ako sa Pilipinas. Marami rami na rin akong naipon at bumili na rin ako ng mga pasalubong sa mga pamilya ko sa Pilipinas.
Tinatamad akong tumayo kahit na sinasampal na ako ng sinag ng araw na nagmumula sa bintana ko. Nakalimutan ko na atang isara ang kurtina kagabi dahil sa sobrang pagpapalamon sa kalungkutan at mga tanong na wala namang kasagutan. Ang aga pa pero sobrang bigat na ng nararamdaman ko. Kakagising ko lang pero gusto ko na ulit matulog at takasan ang pakiramdam na ito.
Tumayo ako at kinuha na ang susuutin ko sa ibabaw ng maleta. Nag-gagayak na kasi ako kasi sa October 5 ay may mga paganap ang mga bakla at gusto ko silang i-surprise. Ang alam kasi nila Iya ay mga akinse pa ako uuwi ng Pilipinas pero nabasa ko kasi sa G.C na may mga ganap sila kaya uuwi na ako para gulatin sila.
Pumasok ako sa banyo ng may dalang tuwalya at nag-shower. Habang naliligo ay bigla nanamang pumasok sa utak ko yung mga tanong na gumugulo sa isip ko mag-iilang buwan na. Pakiramdam ko kasi ang dami kong nasayang na mga pagkakataon. Ang dami kong nasayang na mga bagay dahil lang sa pagkawala ng tiwala sa iba at pinapangunahan ko lagi ng mga hinuha ko o pabigla-bigla ng mga desisyon.
'Ano kayang mangyayari kung hindi ko pinangunahan ng takot ang lahat ng mga naiisip ko? Nasaang sitwasyon kaya ako ngayon kung hindi ako pinanghinaan ng loob? Masaya kaya ako? ano kayang magbabago?'
Alam kong isang araw gigising nalang ako na hindi na masakit, hindi na nakakaiyak at hindi na mabigat sa loob.
'Hindi ko na kayang maging malungkot, napapagod na akong maging malungkot, nagsasawa na ako, ayoko na ng ganito.'
Kailangan ko ng hilumin ang sarili ko sapagkat walang ibang gagawa nun para sa akin dahil wala na siya.
Pagkatapos kong maligo ay agad akong umalis ng condo para bumili ng bulaklak sa isang flower shop at dumiretso na sa sementeryo. Naupo ako sa tabi ng puntod ni Blake. May mga bagong mga bulaklak rin na nandito at mukhang kalalagay lang dahil hindi pa nalalanta. Ngumiti ako habang hinihimas himas ang lapida na may pangalan niya.
“Aisuru, kamusta ka na? Grabe yung sakit na idinulot mo sa akin ha! Naiinis na ako sa'yo. Alam mo bang palagi kong tinatanong ang sarili ko kung may mali ba akong nagawa sa'yo kaya ka namatay o sadyang hindi ako naging tama para sa'yo kaya hindi mo na piniling mabuhay? Sobrang sakit! Palagi nilang sinasabi sa akin na 'ngayon lang yan masakit, pero kapag tumagal ay hindi na.' Ilang buwan na ba ang lumipas? Halos mag-iilang buwan na rin, bakit parang kahapon lang nangyari ang lahat? Bakit imbis na mabawasan ay lalo lang sumakit? Pakiramdam ko ay hindi na ako maghihilom kahit ano ng gawin ko.” unti-unti namang tumulo ang mga luha ko at pumatak ito sa lapida niya.
Pumikit ako at dinama ang sakit sa dibdib ko. Narinig ko pa ang boses ni Blake at yung sinabi niya sa video.
'Kung sakaling makakakilala ka uli ng lalaking magmamahal sa'yo huwag kang matakot magmahal muli.'
“Paano kung hindi na ako makatagpo ng lalaking magmamahal sa akin? Paano kung kahit na makatagpo ako ng mga tao na maaring maging espesyal sa akin pero hindi ko kayang mahalin kasi hindi naman sila ikaw? Paano kung di ko kakayaning umalis kahit matagal ka ng lumisan? Paano kung hindi kita kayang kalimutan? Paano kung patuloy lang akong kakapit kahit wala nang ikaw na aking pinanghahawakan?” tanong ko sa hangin. Gusto kong sumigaw pero sobrang tahimik ng sementeryo at baka mapaalis pa ako ng mga nagbabantay.

BINABASA MO ANG
[COMPLETED] Collided in Japan (Travel Series # 1)
RomanceAmanda Louise Addisson, a young woman who chose to work in Japan to pursue a career as a computer engineer, faced an unexpected reality when she arrived-she had no job waiting for her and was scammed. Not wanting to disappoint her family back in the...