“Yung kantang 'Ihahatid kita' ng The Juans na kinanta mo noon habang umiiyak ka, para ba kay Gwenella 'yon?”
Kanina pa ako nagtatanong sa kanya pero hindi niya pa rin ako sinasagot. Masyado siyang ilang kapag binabanggit ko yung ex niya.
“Wala na si Gwenella dito kaya wag na natin siyang pag-usapan.” naiinis na sabi niya.
Nag-aayos na kami ng gamit ngayon dahil tuloy nanaman ang trabaho. Napapagtanto ko na ngayon na masarap pala ang trabaho ko kasi travel travel lang tapos picture picture kunwari model sa isang sikat na magazine tapos may sahod buwan buwan na naipapadala ko sa pamilya ko sa Pilipinas.
Isang buwan na ako dito sa Japan ay hindi pa din alam nila mama na nai-scam ako dito at hindi computer engineering ang tinatrabaho ko.
Masyado ng malamig ngayon kaya naka-windbreaker akong pink na adidas tapos jeans. Si Blake naman ay parang sanay na sanay na sa klima dahil naka naka-polo lang siya ng white at naka-pantalon na fit sa kanya. Dala niya na din ang mga gamit niya sa pagpi-picture sa akin at ako naman ay maliit na bag lang na may isang damit na pamalit kapag nadumihan ako.
Pupunta kami ngayon sa Fushimi Inari Shrine. Pasakay kami sa train, ngayon pa lang ay mahaba na ang pila. Nakaakbay sa'kin si Blake kapag may nagtutulakan sa pila para hindi ako matulak. Pagpasok namin sa loob ng train ay siksikan kasi maaga aga pa at oras ng pasukan sa trabaho ng mga tao dito. Nakakapit ako sa bisig ni Blake dahil baka ma-out of balance ako, siya naman ay nakahawak sa railings at yung isang kamay ay naka-alalay at naka-akbay sa akin.
Ilang minuto pa nag-antay ang train para makasakay lahat kaya mas lalong sumikip sa loob. Dikit na dikit kami sa isa't isa. Nakaharap ako kay Blake at ganon din siya sa akin. Masyadong nakalapit na ang mga balat namin sa isa't isa.
“Ang ganda mo.” mahinang sabi niya pero rinig na rinig ko dahil anlapit ng tenga ko sa bibig niya. Ngumiti lang ako at pumikit dahil masyadong hindi ko kaya ang atmosphere sa loob ng tren dahil masikip talaga.
Ilang oras pa ang makalipas ay nandito na kami sa destinasyon namin. Paglabas namin ni Blake ng tren ay agad akong humigop ng sariwang hangin dahil masyado akong na-sofucate sa kawalang hangin sa loob.
Nagpahinga muna kami saglit at naglakad na papuntang Fushimi Inari Shrine. Nang makarating na kami ay sobrang na-amaze ako sa nakita ko. Sobrang daming pulang parang mga arko. Habang lumakalad sa gitna ng mga shinto gates ay para akong reyna elena sa isang santacruzan. Fineel ko talaga ang ganda ng paligid. Agad akong nagpa-picture kay Blake dahil ayoko ng palagpasin pa ang mga ganitong scenery. Kinilig pa ako ng sobra dahil instead of saying 1, 2, 3. He says “I love you.” kaya ang ganda ng ngiti ko eh.
May isang balon kaming nakita at sabi ni Blake ay edible daw na inumin 'yon. May parang sandok na nakalagay doon kaya uminom kami. Sunod naman ay may nakita kaming mga kampana.
“Kapag may kahilingan ka daw ay ibulong mo lang daw sa mga kampanang iyan at patunigin na malakas para matupad ang mga hiniling mo.” sabi sakin ni Blake habang tinuturo ang mga kampana.
“Tara subukan natin kung legit.” masiglang sabi ko kaya nagtungo kami sa mga kampana at hinawakan na ang mga lubid na magpapakalembang sa mga kampana.
“Lets make a wish.” Tumingin muna kami sa isa't isa bago humiling.
'I wish, I'm still there when you achieved your dreams. At kung ikaw na talaga ang tamang tao para sa akin bigyan sana ako ng sign at sana rin ay hindi ka katulad ng mga lalaking minahal ng mga kaibigan ko na sa huli ay mang-iiwan din.'
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] Collided in Japan (Travel Series # 1)
RomanceAmanda Louise Addisson, a young woman who chose to work in Japan to pursue a career as a computer engineer, faced an unexpected reality when she arrived-she had no job waiting for her and was scammed. Not wanting to disappoint her family back in the...