"Nimotsu wa azuke raremasu ka?"
Tanong niya sa receptionist at binigay ang iba kong maleta.
[Translation : "Can I leave my luggage?" ]
"Ano nga ulit pangalan mo?"
Tanong niya habang nakasakay na kami sa elevator. Nandito kami sa isang hotel sa Tokyo. Mukhang mamahalin ang hotel na ito pero dedma na, siya yung nagsabing dito muna ako kahit isang araw eh.
"Amanda Louise Addison." nakangiting sagot ko sa kanya.
Hindi ko pa siya lubos na nakikilala pero sobrang gaan na ng loob ko sa kanya. Sa pag-tulong niya palang sa'kin sa pulis na huhulihin ako hanggang sa patutuluyin niya daw ako sa room niya. Siya pa nga ang nag-bitbit ng ibang luggage ko kanina dahil sobrang bigat ng mga dala ko. Isang taon kasi ako dito kaya lahat na ata ng laman ng bahay namin sa Manila ay pinadala na ni mama.
"Ikaw, Blake diba?" tanong ko sa kanya. Wala na kasi akong masabi dahil nahihiya ako.
Aaminin ko gwapo siya at bagay kami charot.
'Self ano ba! kalma, pumunta ka lang ng Japan humarot ka na.'
Natawa ako sa mga naiisip ko.
"Bakit ka tumatawa?" nawiwirdihan na tanong niya.
"Ah wala may naalala lang." sabi ko.
"Weird." bulong niya pero sapat yung lakas para marinig ko. "Nandito na tayo. Huwag ka ng mahiya, isipin mo bahay mo lang 'to." nakangiting sabi niya habang sinususi na yung pinto.
'Iisipin kong bahay nating dalawa. Charot.'
Inilibot ko ang mga mata ko sa buong kwarto. Napanganga nalang ako dahil kahit maliit lang ay napakaganda at kasyang kasya talaga sa dalawang tao. Siguro para sa mag-asawa o mag-jowa ang hotel na ito. Maliit lang siya pero may double deck siya na kahoy at kulay pastle pink. Ang color ng mga dingding is pastel green at sobrang ganda. May tv den sa harap ng sofa at isang comfort room na may shower.
Marami ring picture na nakaipit sa manipis na lubid. Picture ni Blake habang may iba't ibang magagandang tanawin sa background niya.
"May kasama ka dito?" tanong ko agad dahil may mga gamit ng babae akong nakita doon sa taas ng double deck. "Kanino yang mga make-up kit?" dagdag ko.
"Ah yan ba? Sa kaibigan ko 'yan. Kay Gwenella. Bumalik na kasi siya ng Pilipinas kahapon. Inilagay ko na diyan dahil ilalagay ko na sa maleta kasi isang buwan lang ako dito sa Tokyo at pupunta naman akong Sapporo. Photographer kasi ako at gusto ko malibot ang buong mundo at kuhanan ng litrato ang lahat ng mga napupuntahan ko." pagku-kwento niya.
"Ito ba si Gwenella?" tanong ko sabay turo dun sa picture na may kasama siyang babae at ang background ay Siargao beach. Bata pa ang mukha ni Blake dito pero mukha silang masayang magkasama.
"Oo siya yan. Kasama ko siyang libutin ang buong Pilipinas." sagot niya. "Ano palang balak mo? Bukas saan ka na pupunta?" tanong niya.
'Wala nga eh.'
"Ah may kaibigan ako na nakatira dito sa Japan baka magpasundo nalang ako sa kanya sa Tokyo Tower." pag-sisinungaling ko. Wala naman akong kaibigan o kilala dito sa Japan. Nahihiya kasi ako sa kanya.
"Okay. Kumain ka na ba?"
"Oo, sa eroplano."
"Kanina pa ata yun?"
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] Collided in Japan (Travel Series # 1)
RomanceAmanda Louise Addisson, a young woman who chose to work in Japan to pursue a career as a computer engineer, faced an unexpected reality when she arrived-she had no job waiting for her and was scammed. Not wanting to disappoint her family back in the...