Chapter 27 - Disneyland

126 12 0
                                    

“🎵And at last I see the light And it's like the fog has lifted And at last I see the light And it's like the sky is new And it's warm and real and bright And the world has somehow shifted All at once everything looks different Now that I see you.🎶”

Pagkatapos namin kumain ay masaya akong kumakanta kanta ng 'I see the light' sa movie ng tangled habang naglalakad kami papuntang Disney castle para magpicture picture.

Nakakatuwa lang na may mga batang lumalapit sa amin ni Blake at nagpapa-pictures sa aming dalawa dahil akala ata nila ay kasali kami sa mga cast na magpa-parade mamaya.

Masaya naman kaming ini-entertain ang mga bata. Sobrang daming tao dito at wala silang pakialam kung magsisigaw sigaw ka dahil theme park naman ito.

Nang makarating na kami ni Blake sa castle ay agad akong nagpost sa harap ng castle. Pinicturan niya ako at pagkatapos ay sumama na siya sa akin. Nakisuyo kami sa isang babae na picture-an kaming dalawa.

Pagkatapos naming nag-picture picture sa harap ng disney castle ay nakarinig kami ng tugtog na naghuhudyat na parating na ang disney parade ngayong tanghali.

Dahil sa liit ko ay tumungtong pa ako sa bench dahil hindi ko makita ang nagpa-parade dahil sa sobrang daming nanonood at nag-vivideo. Nakaalalay sa akin si Blake incase na malaglag ako ay masasalo niya agad ako.

Sunod sunod na nagparada ang iba't ibang mga disney characters na nakasakay sa kanya kanyang bonggang float. Pumarada sila mickey mouse at minnie mouse, three little pigs, toy story, the good dinosour, finding nemo, wreck-it ralph, alvin and the chipmunks at tarzan.

Pagkatapos ng parade ay napagdesisyunan na naming pumunta sa mga ride. Tinignan namin ang checklist ng rides and restaurants na binigay sa amin kanina doon sa entrance. Nagkasundo kami na sa Pirates of the Caribbean kami unang sasakay dahil sa lahat ng disney rides ay yun ang paborito ni Blake kaya dahil sa ginawa niya sa aking pagpapasaya ay yun na ang inuna namin.

Nandito na kami sa loob ng pirates of the Caribbean rides at nakasakay na kami sa isang hulmang barko ng mga pirata. Magkatabi kami sa upuan at nilagay na namin ang seat belt. Dahan dahang umandar ang barko at hindi naman nakakatakot.  Puro pirata ang disenyo at puro treasures ang disenyo. Themesong din ng pirates of the Caribbean ang tumutugtog.

“Yowhoh! Yowhoh! The pirates Caribbean!” masayang kanta ni Blake.

“Tuwang tuwa ka ha?! Hindi kasi nakakalula no?” pang-eechos ko.

Sinunod sunod na namin ang mga rides. Pooh's hunny hunts, Space Mountain, It's a small world, Jungle Cruise, and last ay Splash Mountain. Sa splash mountain ay tuwang tuwa ako sa reaksyon ni Blake dahil takot na takot siya. Alam kong parang roller coaster yun pero ang sabi ko kay Blake ay dahan dahan lang at hindi nakakatakot kaya napapayag siya. Nung nakaupo na kami at nagsimula ng umandar ang sinasakyan namin ay don ko lang sinabi na parang roller coaster ang sinasakyan namin kaya ayun sa buong rides ay nakayakap lang siya sa akin at parang batang takot na takot at nakapikit pa.

Mag didilim na ng matapos namin ang lahat ng rides. Karamihan sa rides ay pambata lang at mabagal ang andar ng sasakyan kaya   hindi ganon masyadong nakakatakot.

Dahil sa pagod ay napagdesisyunan na ulit naming kumain at ang napili namin ay ang Queen of hearts bonquet hall. Agad kaming binati ng nagbabantay sa labas. Agad  kaming inasikaso ng mga waiter at kumain. Pagkatapos naming kumain ay meron nanamang parade at this time mga Disney Princess naman na pumaparada sa kanilang mga umiilaw na float. Cinderella, Snow White, Aurora, Ariel, Belle, Jasmine, Pocahontas, Mulan, Tiana, Moana, Merida at ang aking kambal si Rapunzel.

Pagkatapos ng parada ay nagliwanag ang disney castle at nagpaputok ng bonggang mga fireworks. Nakayakap lang ako kay Blake habang sabay naming  pinapanood ang fireworks, iniisip ko tuloy ay para kaming nasa isang romantic na disney movie na nakamtan na ang happy ending.

[COMPLETED] Collided in Japan (Travel Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon