Chapter 15 - Computer Engineer

195 12 0
                                    

(Play 'Itutulog na lang by: The Juans' while reading the Chapter 15)

“🎶Itutulog na lang. Ang lungkot na nadarama. Itutulog na lang, Bigat na dinadala. Sana'y pagsapit ng umaga'y mawala na, Ang sakit na dinulot ng 'yong paglisan. Pa'no na ang pangarap nating dalawa? Nahanap mo na ang iyong tahanan sa piling ng iba. Pa'no na ang mga pangako sa isa't isa? Sa laban nating dalawa'y naiwang mag-isa. Ooh Ooh.🎶”

Isang linggo na rin ang nakalipas nung harap harapan kong nakita si Blake na nakikipaghalikan kay Gwenella. Isang linggo na rin akong paputol putol sa pagtulog sa gabi dahil lagi ko siyang napapanaginipan at naaalala.

Ilang gabi na rin ang nagdaan simula nung sukuan ko ang laban. Sobrang sakit yung gabi gabi ko siyang iniiyakan dahil araw araw kong naaala ang lugar kung saan niya ako iniwan.

Ilang gabi ko na ring nilalabanan ang isiping sumuko dahil sa mga pangako niyang unti unti niyang binibigo. Mga pangako niyang dati na yon lang ang aking kinakapitan, at ngayon dahil sa ginawa niya ay akin na itong papakawalan.

Dahil naisip kong ako nalang pala ang mag-isa na tutupad sa minsa'y sabay  naming pinangarap.

Hindi na sana ako naniwala nung sinabi niyang hindi siya aalis sa tabi ko para kahit papano ay napaghandaan ko yung gabing iniwan niya ako.

Masyado na ata akong uhaw sa pagmamahal ng isang tao kaya nagagawa ko'to. Ngayon ko lang na-realize na ganito pala ang nararamdaman ng mga kaibigan ko kapag iniwan sila.

'Nakakapagod din palang ipanghilamos ang sarili kong mga luha tuwing gabi.'

Nandito pa rin ako sa condo ni Nathan. Ilang araw niya na rin akong inaaliw para makalimutan ko na si Blake. Gumagala kami kung saan saan. Kahit naaalala ko si Blake sa mga pinupuntahan namin ay hindi ko nalang pinapahalata kay Nathan dahil ang swerte ko nga sa kanya dahil kahit broken din siya kay Hyacinth ay nagawa niya pa ring iparamdam sa akin na hindi ako kulang.

Alas dos na ng madaling araw. Nasa kama ako nakahiga at si Nathan naman ay doon sa mahabang sofa natutulog.

Nagpapatugtog ako ng mga kanta ng The Juans. Iniisip ko yung time ng concert nila. Sa bawat bigkas ng kanta ay iniisip kong si Blake ang kumakanta kaya tagos na tagos lahat.

Lahat ata ng kanta ng The Juans ay sinulat para sa kwento namin ni Blake eh, pati yung paborito niyang kanta na hatid na para kay Gwenella.

'HINDI TAYO PWEDE  kaya ihaHATID kita kung saan ka masaya, huwag kang mag-alala ang sakit ay ITUTULOG NA LANG dahil ang sabi mong ATIN ANG MUNDO ay sa PANAGINIP ko na lang maririnig.'

Nang matapos ang lahat ng kanta nila ay tumingin ako sa Cellphone ko at may 54 missed call for unknown number. Tinignan ko ang history sa phonecall at nung isang linggo pa ito tumatawag.

Bigla akong na-curious kung sino ito. Hindi naman si Blake ito dahil hindi niya naman alam ang number ko. Ah baka pamilya o kaibigan ko sa Pilipinas...

Wala akong load pantawag kaya sa messenger ako tumawag. Maraming chat sa akin si kuya at tinatanong ang address ko sa Japan kaya tinawagan ko siya.

°

📞: ON THE PHONE
Kuys Louie Axel

Ako: Kuys, ikaw ba yung tumatawag sa akin? Sorry busy ako.

[COMPLETED] Collided in Japan (Travel Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon