“Nasaan ako?”
Nagtataka akong tumayo sa kamang kinararatayan ko. Masyadong masakit ang ulo ko dala na rin ata ng laklakin ko ang isang bote ng alak kagabi.
Wala akong maalala kagabi kun'di yung paghahalikan nila Blake at Gwenella sa harapan ko. Masyado na akong hilo kaya hindi ko na alam ang mga susunod na pangyayari.
Naglakad lakad ako sa paligid ng kwarto. Masyadong maliit ang kwartong ito at pangdalawahan lang talaga ang kasya. Black and white ang shade ng mga pader at may isang single bed kung saan ako nakahiga kanina. Tanging kama, maliit na ref at isang mahabang itim na sofa ang gamit dito. Condominium din ito.
May isang pinto rin para sa c.r at naririnig ko na may bukas na gripo sa loob kaya ng buksan ko ang pinto ay tumambad sa akin ang walang saplot at naliligong si Nathan.
Ilang segundo pa akong natulala sa gitna niya. Natataranta siyang hinablot ang tuwalya na nakasabit sa sampayan sa loob ng c.r at itinakip sa katawan niya.
Nagulat pa akong tumingin sa kanya ng pangiti-ngiti siya sa akin at parang inaasar ako na nakita ko ang pinakatatago tago niyang arnis.
Malakas kong binalibag yung pinto ng C.r habang nasa loob pa siya at nagmadaling umupo muna sa sofa dahil kailangan kong ipahinga ang ulo ko na parang tinutusok-tusok.
Paglabas niya ng c.r ay nakabihis na siya at tila inaasar ako sa mga nangyari. Nahihiya ko pang tinignan ang kabuuan ng mukha niya dahil puro pasa at sugat ito.
Nang mangati ako sa damit ko ay tinignan ko ito at laking gulat ko na tshirt na ito ng lalaki.
“Ihhh, Nathan binihisan mo ba ako kagabi?!” nandidiring sabi ko.
“Tanga, ikaw yung nagbihis niyan sa sarili mo! Gusto mo pa ngang magbihis sa harapan ko buti nalang gentleman ako at tinulak kita sa loob ng c.r at don ka nagbihis.” paliwanag niya sa akin habang pumunta siya sa ref para kumuha ng tubig at ibinigay sa akin. “Oh tubig, ubusin mo yan para mawala hang over mo! Grabe ka kagabi hindi mo ako pinatulog hahahahahaha.” natatawang dagdag niya.
“Bakit naman itong damit ang binigay mo sa akin ha?!” maarteng sigaw ko.
“Eh anong ibibigay ko sa'yo? Yan lang ang mga damit ko. Hindi naman ako nagsusuot ng mga kimono dito. Arte mo pa hahahahaha engga engga ka nga kagabi e.” pang-aasar niya pa.
“Anong nangyari kagabi?” nagtatakang tanong ko habang umiinom ng tubig.
“Grabe ka pala ma-broken hayup ka. Nawalan ka ng malay nung kinompronta mo si Blake. Kaya nung natumba ka ay sinapak ko yung hayup na lalaking yon. Nag-sapakan pa kami kaya ito yung nangyari nalamog mukha ko. Pinagbayad pa kami ng danyos para don sa mga nasira naming gamit don sa bar. Naka 50,000 rin ako don hayup. Isang taong sahod ko na yun sa pag-pipiloto ko sa Pilipinas. Nagbayad na nga nabangasan pa ang mukha ko. Pero aminin mo gwapo pa rin ako diba?! hahahahahahaha.” pagmamayabang niya pa.
“Letche bayabas! Btw kamusta si Blake?” nag-aalalang tanong ko.
“Wow ha?! Ako yung nandito pero hanap mo siya?! Nakakaselos ha.” kunwaring batang nagtatampo.
“Letche Nathan wag mo nga akong inisin! Si Blake kamusta?” inis na sigaw ko.
“Ayun binitbit nung isang magandang babae. Sinakay siya ng babae dun sa kotse. Tapos iniwan ka. Kaya ako na nagdala sa'yo dito. Kaya dapat magpasalamat ka sakin kasi kung wala ako don, for sure namamalimos kana ngayon hahahahahaha.” pang-eechos niya.
Para akong biglang nanghina sa sinabi niya. Alam kong si Gwenella ang nagdala sa kanya. Bakit naman niya ako iniwan doon. Akala ko ba na kahit anong mangyari at sabihin ko ay pinangako niyang hindi niya na ako iiwan pero bakit parang umulit nanaman ang mga nangyayari? Siguro lasing siya kaya hindi niya ako naalala. Pero kapag nalalasing ka ang utak lang ang nakakalimot pero ang puso ay hindi. Siguro nga bumalik na siya kay gwenella.
Talo talaga ng tatlong taong relasyon ang ilang araw palang naming relasyon.
“Grabe ka Amanda, grabe ka magmahal nagagawa mo lahat 'yon? Hindi siya mabuting tao sa'yo. Wag mo sanang wasakin ang sarili mo para lang sa sa ibang tao. Lalong lalo na sa Blake na'yun.” sabi ni Nathan pero inirapan ko lang siya. “Kumain ka na diyan, mga filipino food ang inoorder ko. Di ako sanay sa mga japanese food na yan. May bulalo diyan at adobong sitaw. Kumain kana. Baka ako pa mag sandok sayo?” natatawang tanong niya.
“Ako na! Kung di lang ako gutom di ko kakainin 'yan e.” inirapan ko siya at nagsandok na ng kanin at kumain. Umupo siya sa tabi ko sa sofa at nag-cellphone na.
Pagkatapos kong kumain ay nag-charge ako ng cellphone at pumunta sa kama para mahiga.
Nakatingin lang ako sa kisame habang iniisip si Blake. Hindi ko napigilang umiyak habang naaalala ko siya.
Dahil sa pag-iyak ko ay nakatulog ako.
Zzzzzzzz
Nagising ako na nasa hotel na ako ni Blake. Masaya akong tumayo at pumunta sa kusina dahil nandon si Blake. Nginitian niya ako at tinanong ng kamusta na ako. Hindi ko siya sinagot at tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
“Blake, huwag ka ng aalis ha.” umiiyak na sabi ko. Pero pagkasabi ko nun ay bigla siyang pumiglas sa pagkakayakap ko at tinulak ako. Tumayo siya ng makita niya si Gwenella at niyakap niya ito.
Lumapit ako kay Gwenella at hinila ang buhok nito. Pero imbis na ipagtanggol ako ni Blake ay si Gwenella ang pinagtanggol niya. Pinalayas niya ako sa hotel niya.
“Please Blake, nagmamakaawa ako bumalik ka na sa akin. Blakeee pleaseeee!” pagmamakaawa ko pero tinutulak niya pa rin ako palabas ng hotel niya. Si gwenella naman ay iniirapan lang ako.
“Amanda! Hindi ka na mahal ni Blake.” mataray na sabi ni Gwenella.
“Pero akin na siya! Diba umalis ka? Ako ang bumuo sa kanya nung iniwan mo siyang durog. Kaya wala ka ng karapatan sa kanya Gwenella!” sigaw ko kay Gwenella habang dinuduro siya. Para kaming nasa isang pelikula na pinag-aagawan ang lalaki.
“Ang kay Gwenella ay kay Gwenella at ang kay Amanda ay kay Gwenella pa rin! Wala ng sayo Amanda, hayaan nating si Blake ang magdesisyon kung sino ang mahal niya at pipiliin niya para matapos na ito.” sabi ni Gwenella.
“Blake pumili ka na. Please Blake bumalik ka na sa akin. Gagawin ko ang lahat para sa'yo.” pagmamakawa ko kay Blake.
“Amanda umalis kana. Ginamit lang kita. Ginawa lang kitang panakip butas. Kahit kailan ay hindi kita minahal at kahit may pagkakataon man na mamahalin kita ay hindi ko talaga magagawa kasi si Gwenella parin ang mahal ko. Umalis ka na sa harapan ko at wag mo na kaming guluhin pa!” padabog na isinara ni Blake ang pintuan ng hotel at naiwan akong umiiyak.
'Kumbaga sa pinili at minahal, ako ang pinilit lang na minahal.'
Umiiyak akong naglakad paalis. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta pero masaya ako para sa kanila.
Sa paglalakad ko ay napunta ako sa isang tulay. Nabilis ang pag-agos ng tubig at alam kong kapag tumalon ako dito ay mamamatay ako. Gusto ko ng wakasan ang buhay ko. Matagal ng namatay ang puso ko simula nung niloko ako ni Blake kaya ano pang saysay kung mabubuhay pa ako.
Umakyat ako sa harang ng tulay at umiiyak na tumalon sa rumaragasang ilog.
“AMANDA!!!! GISING!!! BINABANGUNGOT KA!!!” nagising ako sa pagyugyog sakin ni Nathan.
'Panaginip lang pala!'
Don't forget to follow, vote and share this story. Mwah mwah.
____________________________________________________________________________________________
Enjoy Reading!
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] Collided in Japan (Travel Series # 1)
RomanceAmanda Louise Addisson, a young woman who chose to work in Japan to pursue a career as a computer engineer, faced an unexpected reality when she arrived-she had no job waiting for her and was scammed. Not wanting to disappoint her family back in the...