“I love you.”
Kanina pa pinapaulit-ulit ni Blake ang pagpaparamdam sa akin na mahal na mahal niya ako. Kasabay ng pagkalembang ng mga kampana dito sa bell of happiness dito sa tuktok ng Mt. Moiwa. Many couples come here to ring the bell to be blessed with happiness.
Sobrang saya namin kahapon ng sinagot ko na siya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na magka-relasyon na kami. Nandito kami sa Mt. Moiwa hindi para mag-trabaho at mag-model kun'di ito ang unang date namin.
“Kahit hindi ko na ikalembang yung kampanang yan masaya na ako eh dahil nandito ka na sa tabi ko.” nakangiting sabi ni Blake habang pinapatunog ko ang mga kampana.
“Ang yabang pala ng Boyfriend ko, may girlfriend na maganda na sexy pa. Patay na patay ka sa'kin e noh? hahahahahahahahaha.” pagbibiro ko sa kanya.
“Ang yabang din pala ng girlfriend ko, may boyfriend na photographer na gwapo at magaling mag-gitara.” nagtawanan kami sa sinabi niya.
'Ganito pala ang feeling nang naiinlove, sobrang sarap pala.'
Sa may di kalayuan ay may bentahan ng mga love locks na i-lolock sa isang rail na sumisimbolo ng matibay na relasyon.
Bumili si Blake ng one love padlock. Sinulatan namin ito ng initial namin na BG ♡ AL stands for Blake Gadeon ♡ Amanda Louise, at isinusi sa rail kasama ng napakaraming love locks. Ang susi ng padlock ay sabay naming inihagis sa baba simbolo na hindi na kami mapaghihiwalay pa ng kahit sino.
It’s such a romantic thing to do whilst being blessed with a spectacular view, just before the snow it looked so beautiful and I was so happy.
“Alam mo ba kung bakit A at B ang magkadikit sa alphabet?” biglang tanong ni Blake sa akin.
“Kasi Attitude before Beauty?” natatawang sagot ko.
“Wrong, iniba na kaya.”
“Kailan pa iniba?”
“Ngayon lang.”
“Sige bakit nga ba A at B ang magkadikit sa alphabet?” seryoso ng tanong ko.
“Because Amanda is for Blake periodt.” biglang lumukso ang puso ko sa kilig dahil sa sinabi niya.
“Ang galing mo talaga mag-joke bakit hindi ka nalang naging dancer?” pag-bibiro ko.
“Anong connect?” nakangiwing tanong niya.
'Letche 'di gets. Mas slow pa pala sa'kin 'to e hahahahahahaha.'
“Wala tara na sa ropeway, gusto ko ng sumakay don e.” hinatak ko na siya papunta sa ropeway pero nagmatigas siya.
“Takot ako sa matataas, ayokong sumakay don.” pabebeng sabi niya pa.
“Sige na para naman sa'kin e, tsaka nandito naman ako sa tabi mo di kita pababayaan.” pagpipilit sa kanya kaya pumayag din siya. Magka-holding hands kaming dalawa na naglakad papuntang entrance ng Sapporo Mt. Moiwa Ropeway. Halatang kabado siya dahil nanginginig ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko.
Nang sumakay na kami sa ropeway ay takot na takot pa siyang nakayakap sa akin dahil transparent ang sinasakyan namin at kitang kita ang baba na tila mahuhulog ka pero napakaganda ng scenery habang umaandar ang ropeway. Dahan dahan itong umaandar habang may romantic sound pa na tumutugtog dito sa loob ng sinasakyan namin.
Hindi kilig ang nararamdaman ko kundi hagalpak na tawa dahil yung boyfriend ko ay takot na takot at kala mo mas babae pa sa'kin. Sa buong pag-andar ng ropeway ay tawa lang ako ng tawa habang si Blake ay takot na takot na nakayakap sa akin.
Nang makababa kami sa ropeway ay agad siyang tumakbo sa C.R para isuka ang lahat ng takot at hilo niya na kanina niya pa pinipigilan.
Buong maghapon ay puro tawa nalang ang ginawa ko kapag naaalala ko kung paano siyang parang bading na takot na takot na sumakay sa ropeway. Dala niya ang camera niya pero ngayon ay hindi muna ako ang model niya kun'di kaming dalawa.
Pagkatapos namin mag-saya sa Mt. moiwa ay kumain kami sa isang romantic restaurant.
At lumipas nga ang isang araw na parang kaming mga paslit na walang iniisip na problema kun'di puro saya lang.
~
Kinabukasan ay nagulat ako na 12:30 na at hindi man lang ako ginising ni Blake. Agad akong bumangon sa kama ko at nagulat pa ako dahil nakapatay lahat ng ilaw. Tumayo ako at nagsuot ng tsinelas para buksan ang ilaw.
Pagbukas ng ilaw ay namangha pa ako sa mga tumambad sa akin na maraming balloons na kulay pink at itim ang nakapalibot sa kama ko. May mga picture ko rin na nakadisenyong nakasabit at nakalaylay sa kisame. Masaya kong tinignan ang mga picture at 'yun ang mga kuha ni Blake sa akin sa mga pinuntahan naming lugar dito sa Japan. Nagtataka pa ako kung bakit masyado atang late na ako nagising at di ko na alam ang nangyayari sa mundo.
'Magugunaw na ba ang mundo? Joke.'
May mga pink rose petals din na nakahilera at nagtuturo ng daan papuntang swimming pool. Yung hotel kasing naupahan ni Blake ay napakalaki at may sariling swimming pool sa likod ng bahay. Color pink at white ang shade ng bahay. May sala, kusina, dalawang kwarto at may terrace pa. Tig-isa kaming kwarto ni Blake dahil kahit na mag-on na kami ngayon ay kailangan pa rin namin ng privacy sa isa't isa.
Balik tayo sa kwento. Masaya pa akong sinundan ang mga pink petals at dinala nga ako sa swimming pool. May naka-set-up na rin na dalawang upuan at table na may mga kandila pa at pagkain.
Sa may upuan ay may nakapatong na isang color pink na box na katamtaman lang ang laki. At may note na 'Open it!' pag-open ko ay tumambad sa akin ang light stick concert ng blackpink at isang hoodie na color pink may tatak na black pink.
Nang nabuksan ko na ang box ay biglang lumabas si Blake na may hawak na gitara habang suot-suot ang hoodie na color black na may tatak na The Juans.
[~🎶Mag-isa at walang makasama
Nag-aabang kung sino man ang kakausap
Nagtatanong kung bakit nga ba nanditoPaglingon, ikaw agad ang nakita
'Di maiwasan na ikaw ay titigan
Nag-iisip kung paano lalapit sa'yo~Hindi namalayan, bigla na lang
Nagkatabi at nagtawanan
Sa isang iglap, nagkayayaan, oh~]Habang kumakanta siya ay masaya ko lang siyang pinapanood habang taas taas ko ang light stick ng blackpink.
Nang matapos siya kumanta ay binaba niya ang gitara niya at niyakap ako ng mahigpit.
“Salanghae Amanda. This is it, Blackpink in your area na bukas. Alam kong masaya ka kaya mas masaya ako.” bulong sa akin ni Blake. Damang dama ko ang hininga niya sa tenga ko kaya nakikiliti ako. Nang pumiglas na kami sa pagkakayakap ay hinalikan ko siya sa labi niya bilang tanda na masaya din ako dahil matutupad ko na ang isa sa mga pangarap ko na makita ang iniidilo kong kpop group.
“I love you too Blake.” masiglang sabi ko at niyakap uli siya ng mahigpit.
Nang maupo na kami ay kumain na kami ng adobo at sinigang.
“Saan mo 'to inorder?” tanong ko.
“Ako nagluto niyan.” pagmamayabang niya.
“Edi ako na swerte sa'yo.” kinikilig na sabi ko.
Don't forget to follow, vote and share this story. Mwah mwah.
____________________________________________________________________________________________
Enjoy Reading!
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] Collided in Japan (Travel Series # 1)
RomanceAmanda Louise Addisson, a young woman who chose to work in Japan to pursue a career as a computer engineer, faced an unexpected reality when she arrived-she had no job waiting for her and was scammed. Not wanting to disappoint her family back in the...