TRAVEL SERIES
Written by: Jsslawra
Author's Point of View
Kahit napakalayo ng aming pinanggalingan,
Pinagbuklod naman kami ng iisang daan.
Ito ang aking tropa,
Ang kwento ng aming barkada.
Simplehan lang natin ang simula, hayaan niyong ipakilala ko sila.
Si Amanda Louise. Ang neutral na dinaig pa ang 24 oras. Dahil walang kinikilingan, walang pinoprotektahan, kaibigang totoo lamang. At naniniwala sa kasabihang ‘Mahina man ang signal ng PLDT. Wala ng mas babagal sa utak ko.’ Chouz! Ang slow niya kase.
Next si Aaliyah Mae ‘Iya’ for short. Ang kalaban ng Tide at Ariel dahil siya ang ma-pride pero pinakamaganda sa barkada.
Papatalo rin ba si Joylyn. Pangalan niya palang akala niyo masaya pero kabaliktaran ang dinadala. Ang KillJoylyn ng barkada.
At last but not the least, just me Jesslie. Ang nag-iisang sampaguita sa grupo ng mga rosas. At ang author ng kwentong ito.
Nagsimula ang aming kwento sa eskwelahan, hayskul mga sanggano.
Araw araw sila ang nakakasama ko.
Iisa lang ang minimithi, ang makapagtapos ng pag-aaral at maani ang binhi.
May kanya-kanya mang pagkakaiba-iba ng ugali,
Masaya naman kami't magkakasama.
Palaging magkakasama at nagdadamayan sa problema ng isa't isa.
Pero paano pagka-graduate namin ng College ay magsimula na kaming mawalan ng oras sa isa't isa.
Paano kung ang barkada namin ay nagsimula ng tahakin ang totoong mundo?
Mundo kung saan haharapin na namin kung ano ba talagang nag-hihintay sa amin.
Yes. We will grow—we'll grow apart from each other.
Sabi nila mahirap ang tumandang mag-isa, na walang kaibigan pero naniniwala ako na hindi namin makakalimutan ang isa't isa.
Mawawala muna sila dahil haharapin na namin ang kanya kanyang responsibilidad sa buhay.
Hinding hindi ko rin naman sila masisisi sapagkat kailangan nating tanggapin na habang tumatagal ang panahon,
Maghihiwalay at maghihiwalay din ang barkada.
At ang tanging dadalhin nalang natin ay ang mga ala-ala na kasama sila.
Ngayon,
Kahit magkakalayo na kami sa isa't isa,
Naniniwala ako na walang magbabago.
Ito ang aming kwento,
Ang kwento ng aming kanya kanyang byahe patungo sa aming kanya kanyang buhay.
“It doesn't matter where you're going. It's who you have beside you.”
-BRUTAL A.A.J.J-
TRAVEL SERIES
Written by: Jsslawra
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] Collided in Japan (Travel Series # 1)
RomanceAmanda Louise Addisson, a young woman who chose to work in Japan to pursue a career as a computer engineer, faced an unexpected reality when she arrived-she had no job waiting for her and was scammed. Not wanting to disappoint her family back in the...