“Aisuru, huwag kang tumakbo. Hindi kita mahabol.”
Tumatakbo ako dahil gusto ko na agad marating ang disney castle. Nandito na kami ngayon sa disneyland at 7am kami nandito dahil ang sabi niya ay mas magandang maaga kami para ma-enjoy namin ang mga ganap dito sa sikat na themepark ng Japan.
Habang nagpapahabol din ako kay Blake ay kitang kita na sa kilos at mga galaw niya ang liksi na hindi ko nakita sa kanya kagabi. Alas dos na rin kaming natulog kagabi dahil inasikaso ko pa siya. Para siyang lantang gulay kagabi at hindi ko alam ang gagawin ko sa kanya. Pagkaalis ng crew ng hotel ay mas lalong nanghina si Blake at para na akong tangang kung ano ano ang sinesearch sa google kung anong gagawin sa mga taong nagsusuka at parang lantang gulay na. Marami akong malulubhang sakit na nakita sa google pero pinagdasal ko na kahit isa sana doon ay walang mapunta sa kanya. Inisip ko nalang na nausog ko siya or what at nung nilawayan ko ang tiyan niya at pinainom ng gamot ay unti-unti ring bumalik ang lakas niya. At ito siya ngayon, kasama kong magsaya habang cinecelebrate ang birthday ko.
Maraming tao at sobrang sasaya nila kasama ang mga pamilya, mga magkakaibigan at meron rin kagaya namin ni Blake na mga mag-kasintahan na naka-couple hoodie pa kaya nalungkot ako dahil hindi kami magkaparehas ng suot ni Blake kahit kulay man lang.
“Oh bakit ka umi-stop sa pagtakbo? Bakit ka malungkot?” tanong sa akin ni Blake. Hindi ko siya sinagot at tumingin lang sa mga mag-jowang naka-couple hoodie at yung iba naman ay couple headband lang na mickey mouse at minnie mouse.
Hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa isang disney souvenir shop.
“Oh pumili ka diyan ng favorite mong disney character at bibilhin natin.” nakangiting sabi niya.
“Ikaw? Hindi mo ba ako papartneran?” kunwaring batang tanong ko.
“Syempre papartneran. Sino ba gusto mong Disney character?” tanong niya.
“Si Rapunzel ng Tangled! uwu.” masiglang sigaw ko.
“Edi ako yung bruhang nagkulong sa'yo sa tower HAHAHAHAHA.” pang-eechos niya. “Syempre ako si Flynn Rider.” nakangiting sabi niya at kinuha na yung costume ni Rapunzel at inabot sa akin. Kinuha niya rin yung costume ni Flynn.
Nang mabili na namin ang costume ay pumasok naman kami sa isang salon shop na katabi lang ng binilan namin.
Sa salon shop ay nagpa-ayos kami para maisuot na namin ang mga costume na binili namin. Nasa kabilang kwarto si Blake dahil hiwalay ang lalaki at mga babae na inaayusan.
Minake-up-an muna ako at nilagyan ng mahabang wig na naka-trintas at sobrang bigat sa ulo dahil hanggang talampakan ko ito. Sinuot na rin sa akin ang kulay violet na dress ni Rapunzel.
Nang matapos na akong maayusan ay nag-selfie selfie na ako sa phone ko habang hinihintay lumabas si Blake sa isang kwarto.
'Antagal naman! Dapat ako pa nga ang huli dahil ako ang babae eh. Bakit naman sobrang tagal niya?'
Ilang minuto pa ang nagdaan ay sobrang naiinip na ako. Naka-200+ na selfie na ako sa cellphone ko pero hindi pa rin siya tapos ayusan.
Ilang minuto pa ay bumukas na ang pinto ng kwarto na pinag-ayusan niya kaya napangiti na ako.
Nagtaka pa ako na mga lalaking may dalang yellow roses ang lumalabas sa pinto at hindi si Blake.
May twelve na lalaki na lumapit sa akin isa isa at binigyan ako ng tig-iisang yellow roses na may one word na nakalagay sa bawat rosas.
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] Collided in Japan (Travel Series # 1)
RomanceAmanda Louise Addisson, a young woman who chose to work in Japan to pursue a career as a computer engineer, faced an unexpected reality when she arrived-she had no job waiting for her and was scammed. Not wanting to disappoint her family back in the...