“Sa dinami-rami na nangyari dito sa Japan ay masasabi kong nalampasan ko lahat iyon at masaya na ako ngayon! I love my self!”
Hanggang ngayon ay pinapaniwala ko pa rin ang sarili ko na masaya na ako kahit hindi naman.
Tatlong buwan na rin ang makalipas ng ikasal ang lalaking mahal ko sa tatlong taon niyang ex. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap ang mga nangyari. Feeling ko panaginip lang ang lahat pero wala akong magawa kun'di turuan ang puso kong tanggapin nalang ang mga nangyayaring kamalasan sa akin dito sa Japan.
Nandito ako ngayon sa Sapporo Clock Tower kung saan nangako si Blake na sampung taon ang makalipas ay kasama niya pa rin ako dito at ito daw ang sumisimbolo ng aming pagmamahalan. Kinakausap ko ang sarili ko habang tumutulo ang luhang nakatitig sa malaking orasan.
“Sa sampung taong 'yun? Nasaan ako? Bakit wala pang isang taon ay iniwan niya na ako?” tanong ko sa sarili ko.
Sa loob ng tatlong buwan ay hindi na ako pinapatulog ng mga naiisip ko. Dahil sa pagiging obsess ko sa kanya ay lahat ng pinuntahan namin ng magkasama noon ay pinupuntahan ko ngayon ng mag-isa. Kahit wala na siya ay gusto ko pa ring buhayin ang aming mga ala-ala.
Mag-isa akong pumunta sa Tokyo para balikan ang lugar kung saan kami unang nagkita at gumala noon. Ansarap balik-balikan ang Tokyo tower kung saan una kaming pinagtapo. Kakabalik ko lang dito sa Hokkaido nung isang buwan at itong lugar na ito ang pinakahuli kong pupuntahan dahil napuntahan ko na lahat ng mga pinuntahan namin noon.
Tumambay sa Sapporo Odori Park, Sumakay ng bangka sa Otaru Canal, Sisihin ang Fushimi Inari Shrine dahil lahat ng winish ko ay hindi nagkatotoo, Louvre Pyramid kung saan ko unang nasilayan ang snow at kung saan ko sinagot si Blake. Nag-ropeway mag-isa sa Mt. Moiwa at sinira ko na rin yung love locks na kinabit namin ni Blake doon. Maging doon sa Gas Station na kung saan una kong na-meet ang demonyong Daddy niya ay pinuntahan ko rin. Sa Concert Venue ay sinilip ko rin habang nakadamit pa ako ng binigay niyang hoodie ng Blackpink. Pumunta rin ako sa labas ng Carson's Mansion nagbabakasakaling masilayan ko uli ang maamo niyang mukha kahit malayo. Nag-skiing din ako sa Mt. Teine at nag gala sa Baroto River kung saan kami nag ice fishing dati. Naglasing din ako sa Daniri Bar kung saan nakita ko siya noon na hinalikan ni Gwenella, pumunta rin ako sa Roof top ng H&B Company kung saan tinanong sa akin ni Blake ang the moon is beautiful isn't it? na ang ibig sabihin ay I love you. Maging ang Disneyland ay pinuntahan ko rin. Lahat ng 'yan ay pinuntahan ko noon ng may kasama, ngayon ay binalikan ko ng ako nalang mag-isa.
Tatlong buwan ko na rin hindi kinakamusta ang cellphone ko dahil hindi ko naman na ito kailangan. Itinabi ko nalang ito sa kahon ng mga gamit ko at kapag kailangan kong tawagan sila mama sa Pilipinas ay nag-pay phone nalang ako dahil mas mahal pa ang load ko kesa sa pay phone. Nasasayang lang yung load kaya di na ako nag-cecellphone.
Marami na rin akong naipon sa mga sahod ko ngayon sa bago kong pinagtatrabahuhan. Isang buwan nalang ay uuwi na ako ng Pilipinas at masaya ako kapag naiisip ko 'yun. Kung bibilangin at pagsasama-samahin ay masyado na ring malaki ang naipapadala ko kila Mama sa mga buwan na nandito ako sa Japan.
Ilang oras pa ang makalipas sa pagtambay ko dito sa harap ng Clock Tower ay naisipan ko ng umuwi. Naglalakad ako papunta sa sakayan ng Train ng biglang may babaeng kumalabit sa akin. Pagkasipat ko sa kanya ay ang baby girl na hawak niya ang bumangad sa mga mata ko hanggang sa tignan ko ang pamilyar na mukha ng babae.
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] Collided in Japan (Travel Series # 1)
RomanceAmanda Louise Addisson, a young woman who chose to work in Japan to pursue a career as a computer engineer, faced an unexpected reality when she arrived-she had no job waiting for her and was scammed. Not wanting to disappoint her family back in the...