Chapter 17 - Winter Illumination

170 12 1
                                    

“Totoo bang hindi si Blake yung nag-alaga sa akin?”

Ayos na ang pakiramdam ko ngayon. Paulit-ulit at kanina ko pa tinatanong si Nathan kung sino ang nag-alaga sa akin at sabi niya ay siya ang nagbantay sa akin magdamag at wala daw siyang tulog ng dahil sa akin. Hindi ako makapaniwalang siya 'yon dahil kitang kita ko yung kabuuan ng mukha ni Blake kahit medyo blured ang paningin ko kagabi.

“Paulit-ulit ha?! Nagulat nga ako ng tawagin mo ako sa pangalan ni Blake kagabi habang pinapakain kita ng lugaw. Niluto ko pa naman yun dahil alam kong 'yun ang kailangan mo. Ano bang nangyari sa'yo at hapong hapo ka kahapon?” naiinis na tanong niya.

“Pagod lang ako sa trabaho, masyado ko atang binigla ang katawan ko.” pag-sisinungaling ko. Gusto ko sanang aminin sa kanya ang ginawa ng bruhildang ex niyang 'yon pero ayoko ng lumala at lumaki pa ang gulo na ito.

“Huwag ka kaya muna pumasok ngayon?” sinserong tanong niya.

“Gaga, kakapasok ko palang kahapon tapos aabsent ako ngayon? Edi tanggal agad ako.” inis na sabi ko.

~

Lumipas ang dalawang linggo at maaga na ako pumapasok, taga hatid at sundo ko si Nathan at siya din ang nagbabayad ng pamasahe at bumibili ng mga damit ko. Kapag sumasahod naman ako ay hinahatian ko siya dahil sobrang kapal ko naman na kung palamunin niya lang ako.

Gaya ng mga naunang araw ay lagi akong pinapahirapan ng bruhildang Hyacinth na 'yon. Hindi ko nalang iniintindi dahil nga sayang kapag nawalan ako ng trabaho.

Bukas ay pasko na at ang lungkot ko dahil hindi ko makakasama ang pamilya ko ngayong pasko at sa darating na bagong taon.

Matagal ko na rin napag-isipan na kapag nakita ko si Blake somewhere ay wala na talaga. Ayoko ng masaktan at focus nalang ako sa trabaho ko at sa pinapadalan kong pamilya sa Pilipinas.

Tanggap ko na iniwan niya na ako at napagtanto ko na rin na hindi ko dapat winawasak ang sarili ko sa mga taong hindi deserve ang pagmamahal ko.

May mga araw na maaalala ko siya ngunit wala na akong ibang magagawa kun'di alalahanin nalang ang lahat sapagkat tapos na.

'Ano nga bang katuturan ng paghihintay kung alam naman nating hindi na sila babalik?'

Tanggap ko naman na ngunit sadyang masakit pa'rin.

Nandito na kami sa harapan ng H&B company.

“Mamaya maghahanda tayo ha? Noche buena. Umuwi ka ng maaga para matulungan mo akong magluto ng Filipino foods at magpapadeliver nalang ako ng KFC para pandagdag. Bibili na ako ng mga rekado sa mall.” paalala niya.

Ohsige, Ihanda mo lahat ng rekado at ako na lahat magluluto. Ilan lang ba tayo? Dalawa lang naman diba?” tanong ko.

“May in-invite akong mga kaibigan ko at si Hyacinth bati na kami kaya niyaya ko na din siya.” nakangising sabi niya. Nainis ako nung binanggit niya ang pangalan ng bruhildang ex niya kaya tumango nalang ako sa kanya.

Gaya ng dati ay hanggang sa labas lang si Nathan at ako naman ay diretso sa 15th floor para pumunta sa workplace ko.

Pagkatapos kong magtrabaho ay nagmadali akong bumaba at baka naghihintay na si Nathan sa baba. Mabuti nalang at wala ang bruhildang Hyacinth kaya naging madali lang sa akin ang trabaho ko.

Agad kong nakita si Nathan na nag-hihintay na sa labas at naka-porma pa. Alas singko na pero bakit naka porma 'tong mokong na 'to? Naka black windbreaker siyang jacket at naka fit na black jeans, naka-bonet din siyang pula at naka makapal na gloves sa kamay.

[COMPLETED] Collided in Japan (Travel Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon