Chapter 19 - Comeback

210 11 3
                                    

“Matagal na tayong tapos Blake! Matagal ko nang tinapos ang lahat ng ugnayan natin! Hindi na ako ang girlfriend mo kaya please tama na, masaya na ako eh wag mo na akong guluhin pa dito sa trabaho ko.”

Napasigaw nalang ako matapos niyang diretsahing sabihin na bumalik na ako sa kanya. Nandito ako sa office niya at napatayo ako sa kinauupuan ko ng bigla nalang umangat ang dugo ko sa katawan patungo sa utak sa sinabi niya.

“Amanda, mahal kita.” sinserong sabi niya habang may mga luhang pumapatak sa mga mata niya.

“Eto nanaman tayo, gagawin mo nanaman akong panakip butas. Dahil ano? mag-isa ka? Iniwan ka na naman ng ibang tao? At dahil malungkot ka? Huwag naman gan'to! Huwag mo sana akong gamitin upang maging pantapal sa mga sugat mo na gawa ng ibang tao.” garalgal na sigaw ko sa kanya. “Hindi ko alam kung bakit parang ang dali-dali lang sa'yo na sabihin na mahal mo pa rin ako kahit ginago mo ako ng harap harapan noon!”

“Hindi kita niloko, hinding hindi ko magagawa sa'yo 'yun.” para siyang bata na umiiyak na. Ang kaninang matikas na boss ng kumpanyang ito ay parang naging isang batang umiiyak dahil hindi pinagbigyan ang kagustuhan niya.

“Hindi niloko? Anong tawag mo sa paghahalikan niyo ng ex mo? Anong tawag doon? Ex with benefits ha ganon ba? Tangina naman Blake! Sa mga pelikula lang nangyayari 'yun!” hindi ko na alam ang sinasabi ko sa kanya.

“Nasa isipan mo lang ang lahat ng 'yan.” pagtatanggol niya sa sarili niya.

“Sana pati ikaw nasa isipan ko na nagsasabing lahat ng ito ay hindi totoo, para kahit papaano paniniwalaan ko.” gusto kong umiyak pero kailangan kong pigilan dahil ayaw kong maging kaawa-awa sa harapan niya.

“Hindi totoo ang mga naiisip mo, Amanda please hayaan mo akong magpaliwanag.” nagmamakaawang aniya. “Kaya nga kita kinausap para sabihin sa'yo ang lahat. Kung anong nangyari. At ano ang totoo.”

Kinakausap mo lang naman ako kapag walang-wala kana. Kapag iniwan ka na ng lahat. Ako yung pinili mo kasi ako yung nandito.” diretsong sabi ko sa kanya. Ayaw ko ng sumigaw dahil unti-unti na'kong napapaos.

“Amanda! Mahal pa rin kita naiintindihan mo ba ha?! Mahal na mahal kita!” hindi ko alam kung bakit biglang tumaas ang boses niya. Garalgal ito pero alam kong sinseridad ang pagkakabigkas niya.

“Mahal mo lang ako kasi mahal kita. Mahal mo ako kasi wala ka nang pagpipilian pang iba. Ngayon mahal mo'ko pero alam kong bukas hindi na ako ang pipiliin mo.” hanggang ngayon ay pinipigilan ko ang pagkawala ng mga luha sa mata ko. Ang sakit sakit sa dibdib. “Hindi ko ba alam. Ang sabi ko, dapat masaya ako sa lahat ng kasiyahan mo. Ngunit kabaligtaran pala ang mangyayari. Sumasaya naman ako, ngunit hindi ko maiwasang malungkot dahil hindi naman ako ang kasiyahan mo.”

“Alam kong hindi pa rin ako ang unang naaalala mo sa tuwing pinupuntahan natin ang paborito mong lugar.  Alam kong sa bawat pagsambit mo sa akin na mahal mo ako ay hindi ako ang gusto mong makita. Alam kong ayaw mo lang na masaktan ako kaya't palihim mo na lang rin na binabanggit ang kanyang pangalan. Lagi akong nagigising tuwing madaling araw noon at lagi kitang nakikitang gising habang sinasambit mo ang pangalan niya at kahit hindi ko masyadong rinig ay halata ko naman na siya 'yun. Alam kong kahit ilang beses ka na niyang sinaktan, may parte pa rin sa iyo na nais baguhin ang inyong nakaraang dalawa. At sa mga araw na naiisip mong parang may kulang, doon ko nasiguradong kahit gaano na iyon katagal, sa iyo'y mayroon pa rin siyang natitirang puwang. Si Gwenella pa'rin ang hanap mo at alam kong panakip butas mo lang ako.” mahinahong paliwanag ko sa kanya. Hindi ko parin inilalabas ang mga luha ko na gusto na talagang kumawala para alam niya sa sarili niya na hindi na ako naaapektuhan. “Hindi naman kita masisisi kung isang araw ay maiiisip mong sa kanya ka pa rin pala masaya. Pero dapat sinabi mo, kasi isang sabi mo lang na mahal mo pa siya, walang pag-aalinlangang pakakawalan kita. ” malakas na loob na sabi ko sa kanya.

[COMPLETED] Collided in Japan (Travel Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon