Chapter 01 - Tokyo Tower

518 21 4
                                    

Amanda Louise's Point of View

"Naka-alis kana?"

Tanong ni Joylyn sa groupchat. Hindi ko muna ako nag-seen dahil nag-delivered lang muna siya sa notification ko at ayoko muna agad silang ma-miss.

Lunes na ngayon at naka sakay na ako ng eroplano papuntang Japan.

Excited na excited ako dahil maraming taong nangangarap na makapunta sa Japan at isa na ako don.

Bata palang ako ay gustong gusto ko ng magtravel sa Japan dahil bukod sa mga napapanood ko sa ibang vlogger na maraming magagandang tanawin, gusto ko rin na maiba ang klima.

Dito kasi sa Japan ay may apat na klima kumpara sa Pilipinas kaya mas naging pursigido talaga akong makita ang Japan.

October ngayon kaya, it's autumn season kaya mas lalong masaya dahil ito daw ang pinaka magandang season kapag bibisita ka sa Japan.

Kahit trabaho ang pupuntahan ko sa Japan ay sobrang happy ko na kasi matutupad na ang isa sa mga pangarap ko.

Kaya nung may nag-alok sa akin na maging isang computer engineer sa Japan ay wala ng isip isip! Grab the opportunity na bess!! Graduate naman ako ng software engineering, kaya laban!!!

Na-hassle pa ako dahil sa pag-ayos ko ng Visa ko. Pabalik-balik ako ng embassy at napakaraming papeles ang pinirmahan ko.

Mahigit isang buwan na din akong nag-hihintay kung maaaprubahan ba at nung nakaraang linggo ay kabado pa akong nagpunta ng embassy kung approved pa o hindi.

Nung ibinigay na yung passport ay nag dasal muna ako na sana approved dahil kung hindi malaking panghihinayang ang lahat ng ginastos ko na ipon ko nung mga nakaraang sideline work ko.

Malakas siguro ako kay Lord dahil pagkakita ko sa passport ay approved ng 1 year. Nagtatatalon at naghihiyaw ako sa labas ng embassy nung malaman kong approved ako at makakapag-trabaho na sa Japan.

Nilihim ko kasi sa pamilya at mga kaibigan ko ang pag ja-japan ko at sa wakas ay masasabi ko na sa kanila.

Umuwi ako sa bahay ng may galak sa puso dahil nga yayaman na kami, kasi ang sabi sa akin nung nag-recruit sa akin ay 43,481.14 Japanese Yen ang salary na kapag kinonvert sa peso sa Pilipinas ay ₱20,000 per month at isang taong pag-tatrabaho yun kaya kapag 20,000 X 12 months is equal to ₱240,000 kaya grab the limit na talaga deba?!

'Malaking pera rin yun para sa future ko noh.'

Sa una hindi pumayag sila mama at papa pero para na rin sa kanila 'to para hindi na sila magtrabaho at ako naman ang magsusukli sa mga paghihirap nila.

Dalawa lang kaming magkapatid ni Kuya Axle Louie, dahil ako ang bunso ay ayaw nilang nalalayo ako sa kanila.

'Magka-jowa nga hanggang ngayon ay bawal pa!'

Hindi rin naglaon ay napilit ko din sila dahil nga isa din ito sa pangarap ko.

Sa tatlo, kay Joylyn ko unang sinabi pero hindi ko sinabi na aalis kaagad ako ngayong lunes kaya nung napag-usapan namin nung sabado na aalis ako ay nabigla din sila pero wala akong magagawa, kailangan ko munang kumayod para sa pangarap at pamilya ko.

Sabi ng Recruiter sa akin ay pumunta daw ako sa Tokyo Tower at doon ko daw makikita ang boss ko.

4 hours and 13 minutes mula Manila hanggang Japan ang expected travel time. 2:00 na ng hapon at umalis ang eroplano ng 12:30, so mahaba haba pa ang byahe.

Bago ako nakapasa sa embassy ay pinag orientation muna kami sa Manila kaya binigyan kami ng Nipponggo useful phrases booklet. Nandito ang mga ibang english na trinanslate sa hapon. Malaking tulong daw sa amin ito dahil yung ibang hapon ay mahina sa pagsalita at pag-intindi ng salitang english kaya bongga kung meron talaga tayo neto.

[COMPLETED] Collided in Japan (Travel Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon