Chapter 04 - Beaten

300 15 0
                                    

(Play 'HATID by: The Juans' while reading the Chapter 04)

“Saan next destination natin?”

Kakatapos lang namin kumain at kasalukuyang nagpapahinga muna kami dito sa Japanese restaurant na pinagkainan namin.

“Sa mall, mamimili tayo ng mga souvenir natin dito sa shibuya, bibili na rin tayo ng damit mo para bukas.”

Ilang kilometro lang ang layo ay nandito na agad kami sa mall.

“Uy pre ang ganda oh.”

“Pre ang sexy niya. Akin yan ha.”

“Ako unang nakakita eh, mang-aagaw ka talaga.”

“Hati nalang tayo. Silipin nalang natin.” narinig kong may nag-uusap  mula sa likuran ko.

Nasa escalator kami ngayon paakyat ng second floor. Puno kasi yung elevator.

Nilingon ko ang mga nagsasalita sa likod ko at nakita ko ang mga lalaking nakangisi habang sinisilip yung ilalim ng kimono ko.

Napatingin ako kay Blake na nasa tabi ko. Nakayukom ang mga kamay niya at nakatingin din sa mga lalaking pinoy sa likod namin. Hinawakan ko ang kamay niya para malaman niyang ayoko ng gulo.

Ngumiti ako sa kanya nung tumingin siya at umatras ng isang baitang sa escalator para takpan ako sa mga lalaking nakakakita ng kimono ko.

'Napaka-gentleman niya naman.'

Nang makalagpas na kami sa escalator ay pinalayo ako ni Blake at kinausap yung dalawang pinoy na naninilip sa akin kanina.
Bago niya kinausap ay sinabihan ko muna siyang ayoko ng away na magaganap. Kung pagsasabihan niya, pagsasabihan niya lang.

Nakikita ko si Blake at na kinompronta yung dalawang pinoy. Malayo ako sa kanila kaya hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila. Sa una maayos lang silang nag-uusap, nagulat ako ng biglang sapakin ng pinoy si Blake at natumba na ito. Pupunta sana ako malapit kay Blake para tulungan siya pero sinenyasan niya na akong huwag daw akong lalapit.

Kitang kita ko kung paano binubugbog si Blake ng dalawang lalaki. Marami na ding nakiki-usyosong mga hapon na nandito sa loob ng mall. Napansin ko din na walang mga guard sa bawat establishment dito sa Japan.

Walang umaawat sa dalawang pinoy na bugbugin si Blake. Lumalaban siya pero lamang pa din yung dalawang pinoy dahil na din sa dalawa sila at pinagtutulungan nila si Blake.

Ilang minuto pa ang lumipas ay may tumakbo na ang dalawang pinoy ng marinig nila ang busina ng pulis.

Agad akong tumakbo sa hinang hinang Blake na nakasalampak sa lapag, puro pasa at sugat ang natamo niya.

"Nagu-guilty tuloy ako, dahil ako ang dahilan kung bakit siya nabugbog.'

Agad na dumating ang mga pulis. Tatanungin pa sana siya kung anong nangyari pero ang sabi ko ay dalhin na siya sa hospital dahil sobrang hinang hina na ang pangangatawan ni Blake.

Nang madala na siya sa hospital ay bitbit ko ang mga dala niyang mga gamit at the same time ang mga gamit ko din.

Ilang oras din akong nag-antay sa hospital dahil hindi ako pinapapasok sa emergency room.

7pm na at kalalabas lang namin sa hospital. Nag-taxi nalang kami para umuwi sa hotel.

Sabi ng doktor ay okay lang daw dahil hindi naman nagalaw yung mga internal organ niya. Kailangan niya din daw ng dalawa hanggang tatlong pahinga para bumalik ang lakas niya. Naka-bandage lang ang mga sugat niya sa mukha.

[COMPLETED] Collided in Japan (Travel Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon