“Mamaya pa ang concert babe, masyado ka atang excited.”
Nakangiti akong tumitig kay Blake habang nag-gagayak na ako ng mga susuotin at dadalhin ko mamaya. Sobrang excited kasi ako sa concert ng The Juans at Blackpink mamaya dahil first time ko silang mapapanood lalong lalo na si Jisoo.
After a years of listening to blackpink's music at dahil din kay Blake ay natutunan ko na ding pakinggan ang mga kanta ng The Juans dahil noon ayoko talagang nakikinig ng ibang music gusto ko sa blackpink lang.
Parang dati lang nanonood lang ako ng mga concert nila sa youtube at fino-follow ko lang lahat ng social media account nila, ngayon sa tulong ni Blake ay makikita ko na sila ng personal at makikita na silang nagco-concert ng live.
“Ih.. babe first time ko 'to! kung pwede lang na unahan ko na silang pumunta doon sa venue para mag-set-up ay kagabi ko pa ginawa.” natatawang sabi ko sa kanya.
Hanggang ngayon ay hindi pa'rin ako makapaniwala na kahit na-scam ako ay napakaswerte ko dahil paano kaya kung hindi ako na-scam, may Blake kaya na tutupad sa mga pangarap ko?
'Ako na ata ang pinakamasayang na-iscam sa buong mundo hehe.'
“Hindi ko akalaing may dadating na isang ikaw.” bulong ko.
“Huh?” nagtatakang tanong ni Blake dahil mukhang napalakas ata ako ng bulong.
“Wala. Ang sabi ko ang gwapo ng boyfriend ko.” pag-tatanggi ko.
“Naman, sasagutin mo ba ako kung di ako gwapo.” pagyayabang niya kaya kinurot ko siya sa pisngi at nagtawanan kami.
Nasa kwarto ako at nandito rin si Blake. Naka-upo ako sa kama ko at katabi ko siya dahil nga tinutulungan niya akong mag-gayak dahil yung susuotin niya daw mamaya ay madali lang igayak dahil hindi naman daw siya mapili.
'Napakamapili ko kasi talaga lalong lalo na sa pananamit na susuotin. Ayaw kong nag-mumukha akong tanga.'
Napatingin ako kay Blake ng biglang tumayo sa dahil nag-ring yung cellphone niya.
“Ah babe, labas muna ako kapatid ko tumatawag eh. Gusto ko kasing hiramin yung kotse niya para di na tayo mag-cocomute mamaya.” tumango nalang ako at pagkalabas niya ay bumalik ako sa ginagawa ko.
Pink hooded jacket na may tatak na blackpink ang isusuot ko, ito yung binigay sa akin kagabi ni Blake. Ipapares ko ito sa black jeans at pink fur boots na ka-partner ng pink fur headband ko at pouch. Binilan din ako ni Blake ng pink na gwantes dahil masyadong malamig mamayang gabi.
Ilang minuto lang ay pumasok na uli si Blake dito at umupo sa tabi ko.
“May kapatid ka pa pala? ilan kayo?” tanong ko.
“Dalawa lang kami, panganay ako at si Mich ang sunod. 23 ako at siya is 19 years old.” sagot niya. “Bakit mo pala natanong?” dagdag niya.
“Wala lang. Dito rin ba siya nakatira?”
“Ngayon oo, pero sa Philippines talaga siya nakatira. Pinakilala niya lang yung boyfriend niya kila Mom at Dad.”
“Diba taga rito sa Sapporo ang family mo?”
“Oo. 2hrs lang ang byahe nandun na tayo. Malapit sila sa venue ng concert.”
“Oh? Baket di natin puntahan?” masiglang tanong ko.
“Plano ko talaga 'yan babe, pagkatapos ng concert ay doon muna tayo ng 2-3 days para maipakilala na rin kita kila Mom at Dad.”
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] Collided in Japan (Travel Series # 1)
RomanceAmanda Louise Addisson, a young woman who chose to work in Japan to pursue a career as a computer engineer, faced an unexpected reality when she arrived-she had no job waiting for her and was scammed. Not wanting to disappoint her family back in the...