42

1.5K 98 77
                                    

“Yes, Ma'am, room 403 is still occuppied. They have extended their stay for two more days,”

I nodded when I heard what one of the supervisors on the floor stated.

“Everything's set then?  Make sure to endorse properly once Annie's on shift,” Nagbilin na lamang ako rito bago tuluyang tumalikod. 

The manager that was supposed to be on-duty had to head out early due to emergency.  Parating na rin naman ang kapalit nito kaya wala na ring dahilan para manatili pa ako. 

Dalawang oras na mula ng dapat ay out ko sana but I had to extend my shift a bit to oversee what's happening.  Peak season ngayon at maraming turista ang naka-check in. Hindi rin naman basta basta ang trabaho namin.  We offer the best service out there at maliit na pagkakamali lamang lalo na ang miscommunication sa kahit anong department can cost us alot.

A smile forced upon my lips as my eyes landed on the busy street before me.  Alas Dos na ng hapon. Tirik pa ang araw ngunit heto ako,  lumabas ng naka itim na crop top at high waist pants lamang.  My cream colored jacket was hanging loosely on my arm.  Mas lalong nakikita ang aking kaputian lalo pa nga at naka ipit ang aking buhok dahil kagagaling ko lamang sa duty. 

Ninamnam ko muna ang manaka nakang pagdampi ng hangin sa aking katawan.  Malamig sa loob but nothing beats fresh air.

Two years had long passed at marami na rin ang nangyari sa aking buhay.  I am now the head of Rooms Division Department at masasabi kong,  malayo na rin talaga ang aking narating.  Being selected as one is not an easy feat.  Maraming department ang sakop ko and sometimes,  I have to go overtime lalo pa nga at direct contact to guests ang services na hawak namin. Ako rin ang mananagot sa kahit kaunting pagkakamaling nagkakaroon sa mga departments na hawak ko. Ilang beses na ba akong nagigisa sa tuwing may mga meeting ang mga heads? Gayunpaman ay masaya ako sa aking ginagawa. 

“Bye, ma'am, ”

Tumango lamang ako ng marinig ang ilang mga empleyadong namamahinga malapit sa labasan. May sarili kasi kaming entrance at exit section para sa mga empleyado. 

“Ma'am, sibat na, aabutan ka na naman ni Sam,” natatawang turan sa akin ng isa sa mga pinoy na nakatambay sa labas.  Marami rin kasing Pilipinong nagtatrabaho roon.


“Hindi pa ba nakakaalis? Naku, mauna na ko,”

“Arika! Baby Girl!”

Napaungol ako ng marinig ang pamilyar na tinig na iyon. Nagsitawanan naman ang ilang mga nakakita,  sanay na sanay na sa ganitong eksena. I started walking lalo pa nga at malapit lang rin naman ang apartment namin ni Zarah. 

“Napa-isnabera mo naman,  baby girl, kiss kita dyan e!” anito ng maabutan ako.  Bahagya pa akong kinurot nito sa tagiliran kaya naman mas lalo akong napairap.

“Sasapakin kita,” angil ko kaagad rito.  “Tanghaling tapat naman Sam, dinadagdagan mo ang init ng panahon,”

"Iba talaga pag hot, no? " Narinig ko ang naging pagbungisngis nito kasabay ng paglingon ng isang lalaki na mukhang natulala pa sa kanya lalo pa nga at tumatawa ito. 

Ang walanghiya, nagawa pang kumindat kaya naman tuluyan ng napahinto ang lalaki habang kami ay magkasabay pa ring naglalakad.  Naiwan itong parang tanga sa gitna ng daan.

“Sira ulo ka talaga,” Napailing na lamang ako at pinanuod ito habang nagsisindi ng sigarilyo.  Wala naman kami sa 'No smoking zone' kaya malakas ang loob nito. Strikto kase sa Singapore pagdating sa ganoong bagay.

“Kailan mo ba ako sasagutin, Arika? Hatid sundo kita kada shift mo, lati breaks mo sinasabayan ko. Ano pa bang hanap mo,  babe?” pang iinis nito.  Malawak ang kanyang ngisi lalo pa nga at alam na tatawanan ko lamang ang mga patutsada niya.

“Mabaho ka kasi,” kunwari kong banat.

“Papaamoy ko sa'yo mamaya kilikili ko,  Aki!”

Napailing akong lalo. Nang may masalubong kami ulit na lalaki ay nagdaan na naman ang tingin ng huli rito.  Hindi naman ako na o-offend dahil talaga namang ubod ng ganda si Samantha. Kung naka crop top ako ay tinalo naman ako nito na tube lamang ang suot at tight fitting jeans.  Naka high heels din ito at hindi rin nag alis ng makeup. 

Kahit kailan naman ay hindi ako nawalan ng kumpyansa sa aking itsura but Sam's beauty is a class on her own.  Siya iyong tipo na mapapatingin ka talaga kapag nakasalubong mo.  Iyon lamang, mas madalas ay babae rin ang tipo ni Sam.  Pinay itong katulad ko kaya Filipino rin kami mag usap. Sa Human Resources ito naka-assign at sa tuwina ay palagi ako nitong kulitin basta may pagkakataon ito. 

Kung iba siguro ay matagal ng pumatol sa kakulitan ni Sam.  I mean,  she's pretty at mapa-lalaki o babae ay talaga namang mahuhulog rito.  Makulit lang siya minsan but that's because we're comfortable with each other.  Kaya lamang,  hindi pa ako handang pumasok sa isang relasyon.  Wala naman akong pinipili,  kumabaga - love wins.  Kung mahal ko, kung ano lang ang nararamdaman ko,  iyon lang ang susundin ko. 

“Ayaw mo lang ng walang kasabay kase daldalera ka.  Tsaka hindi mo ko hatid sundo,  magkapitbahay tayo,  gaga!  Lumipat ka na nga nga bahay!”

"Sa inyo ba?" Natawa ito ng malakas kaya maging ako ay natawa na rin. 

We are friends,  one of the few ones na nakakasundo ko talaga bukod kay Zarah.  Kaya lamang wala itong tigil sa pang lalandi sa'kin na malapit ko na ding patulan. 

We walked for a good fifteen minutes bago kami nakarating kung saan ako nakatira.  As usual ay sinamahan muna ako nito samin kahit pa nga sinabi kong dimiretso na sa sarili niyang apartment. 

“Hindi mo man lang ba talaga aaluking pumasok para mag kape?”

“Umuwi ka at matulog.  Tigilan mo ang kakaharot sa'kin,” natatawa kong taboy rito.  She gave me a wink before turning on her heels.  Mabilis na rin akong pumasok sa building dahil sa kabila pa ang kay Sam.  Kailangan pa nitong lumakad ng bahagya. 

Hindi ko napigilang hindi ngumiti ng maala ang mga kalokohan nito.  Noon ay madalas pa itong dumayo sa department ko kapag break nito though I know she also likes men. Pakiramdam ko nga ay binibiro na lamang niya ako ngayon dahil wala na itong magawa.  That was after I told her I was not interested.

Napasandal ako sa hamba ng elevator.  Wala akong kasabay.  Muli ay pumasok sa isipan ko ang mukha ng huling lalaking pinahintulutan kong pumasok sa aking buhay.

Kumusta na kaya ito? 


Dalawang taon na ang nakalipas ngunit wala ako ni kahit anong balita tungkol rito. What happened to him after I hop on that plane two years ago,  I have no idea. Bumalik ba ito sa pagigin ermitanyo nito? Or maybe he found someone new?  Hindi naman ako magtataka kung ganoon ang nangyari. He can find a new one anytime he wants.

Nakagat ko ang pang ibaba kong labi at bahagyang nalungkot. Yep,  two years but my heart ache the same way.  Ang kaibahan lamang siguro,  mas kaya ko na ngayon. Hindi na ako nagmumukmok at itinututon na lamang sa trabaho ang lahat. Minsan ay iniisip ko na siguro darating din ang panahon na kaya ko,  makakaya ko ring magmahal ng bago.  Hindi ko naman isinasara ang puso ko. 

Kaya lang minsan ay nanghihinayang ako, sayang.

Nang makarating sa apartment ay sinalubong kaagad ako ni Zarah ng masamang tingin.  Nakabihis na ito paalis dahil papasok na. 

“Nag overtime ka pa talaga,” nakanguso ito at lumapit sa'kin.  “Papasok na ko,  alagaan mo ng mabuti si baby Rikana,”

Ni hindi ko na nakuhang ibaba ang dala kong bag at ipinabuhat na sa'kin kaagad si Rikana na mahimbing pa ang pagtulog. 

“Salamat sa pagbabantay mo sa anak ko ha,  ang bait mong ninang,” sarkastiko kong turan habang malakas naman itong tumatawa bago dinampot ang sariling gamit para makatakbo na. 

“Sa susunod huwag kang nag aanak kung wala kang planong mag asawa.  Alis na ko,” humalik muna ito kay Rikana bago tuluyang umalis. 

Abnormal talaga. 

YELO (P.S#6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon