1

5.2K 114 101
                                    

Dahil walang kuryente kagabi, ito lang nagawa ko. Ayan naumpisahan tuloy.

-----

“Another nightmare?”

Tipid akong ngumiti kaya Zarah bago nagsalin ng mainit na tubig sa paborito kong baso. Nasa kusina ako ngayon at kagigising lamang.

Kahit hindi ko nakikita ang sarili ay batid kong magulo pa ang aking buhok dahil hindi naman ako nag abalang maghilamos man lang pagkabangon ko ng higaan.

“I think you should really rest. Napapansin ko na nahihirapan ka pa ring matulog at madalas pa na hindi maganda ang mga napapanaginipan mo,”

Inabot ko ang kape at asukal at tahimik na nagtimpla sa may kitchen counter habang pinapakingan ang kanyang mga sinasabi.

I watched how the water slowly turned black like how I like it. Ayaw na ayaw ko kasi ng mga 3-in-1. Mas gusto ko iyong sarili kong timpla.

“Nag leave ka nga ng one week para magpahinga pero halos wala ka pa ring tulog. Kung magpacheck-up ka kaya? I'm really getting worried,”

Ibinaba ko ang kutsaritang gamit ko sa lababo bago hinarap si Zarah. Naglalagay ito ng tuna spread sa tinapay. Lumapit ako sa kanyang gawi at kinuha muna ang isa roon.

“I'm going. Huwag kang mag alala,”

Zarah is my friend. Matagal na kaming magkaibigan simula pa noong kolehiyo at magkasama ring natanggap sa trabaho rito sa Singapore.

We were both working in a Five Star Hotel at pareho na kaming supervisor doon, siya sa Restaurant habang ako naman ay sa Housekeeping department. We are just so close that we even rented a condo of our own at namuhay nang magkasama.

“Promise mo 'yan ha, Arika,”

Tumango na lamang ako at nagsimula na ring kumain.

Hindi naman nagatagal at nagpaalam na rin ito dahil may shift ito ngayon sa hotel. Tumayo ako dumiretso sa couch dala ang aking kape. Pagkapatong ko ng tasa sa ibabaw ng lamesa ay umupo na ako bago sinubukan muling pumikit.

It's been what, almost six months na yata since I started having a hard time getting my sleep. I already tried everything I can find on the web: drinking chamomile tea, milk, listening to mellow music. I even resorted into counting sheeps. Kung anu-anong calming apps na din ang nai-download ko sa phone ko sa pag asang baka makatulong iyon para tuluyan na akong makatulog, but none helped.

Until I suddenly passed out habang naka-duty.

One of the managers suggested that I take a leave to rest, which I did. I'm on my second day of my week-long leave and I'm not really sure it's helping.

Halos wala naman akong ginawa rito sa condo kung hindi manuod at humilata sa'king kama pero hindi pa rin ako dalawin ng antok.

And just everytime my body finally gives up and I lose consciousness, madalas naman akong magising na umiiyak and it's really stressing me out.

Sa tuwina ay tinatanong ako ni Zarah kung ano raw ang aking napapanaginipan ngunit palagi ko lamang sinasabi na hindi ko maalala but that's not entirely true.

I can remember almost everything in my dream.

At hindi ano, kung hindi sino.

Faye and Mattee...

Napahinga ako ng malalim lalo na ng maramdaman ko ang mga luhang naglalandas na sa aking pisngi. It's like automatic.

It always happen. Sa tuwing maaalala ko ang dalawang iyon ay kusa na lamang tumutulo ang aking mga luha. I just can't help it.

Nagsisimula na namang manikip ang aking dibdib habang ang aking lalamunan ay nagkocontract na naman.

It's like a routine now.

How long has it been? Gaano na ba katagal simula ng binawi sa amin si Faye?

Faye is my cousin, the only girl cousin I have. Well, I technically have only four cousins but Sef and Tof were in Australia so I only have Kuya Vince and Faye around  so we're really super close.

Noong nag ho-home school pa si Faye ay madalas akong dumadalaw sa bahay nila kahit pa nga naiirita palagi si Kuya Vince sa presensya ko. He said I'm a distraction to Faye. Kung ano ano lang din kasi ang tinuturo ko sa kanya that's why Kuya is always annoyed.

He's so protective of Faye. Nag iisa lang kasi niya itong kapatid.

Isa pa, anyone who'd see Faye would want to do the same. She's just so pure, you'd want to protect her, cherish her and make her happy. Ganoong klase ng aura ang nakapalibot sa kanya.

Her happiness will always be our happiness. Ang protective din namin sa kanya kasi sakitin siya noong bata.

So when Faye finally decided to study in a University, takot na takot sila tita. Sobrang stress din si Kuya. Idagdag mo pa na stress din yata si Kuya sa lovelife niya noong mga panahon na iyon.

That's his fault though. I told him a girl like her will only cause him heartache. Masyado itong maganda at sopistikada para kay Kuya. I mean, no offense though 'coz my Kuya is very much handsome but that girl, she's so uptight. Parang palaging may planong sinusunod sa buhay.

Anyway, it's kuya's life naman. I always believe na if someone or something will make my family happy, then let them. Kung doon sila sasaya, bakit ko pipigilan?

I'm an only daughter so my cousins are like my siblings to me too.

I was there sa lahat ng occasions on Faye's life. And when she finally found a friend, sobrang saya ko rin.

Her and Mattee were really close. Para silang sisters kaya natutuwa rin ako sa babaeng iyon. I met her once. And she's like a contrast of Faye, fierce looking at sobrang pula palagi ng lipstick. But Faye is happy being with her kaya masaya na rin ako.

Faye tells me almost all of her secrets. Pati iyong pagbubuntis ni Mattee noon ay sinabi niya sakin. She's very happy.

Sabi niya nag isip sila ni Mattee ng names. And that she will help Mattee take care of the kid. Sabi niya pa nga, she will be the best tita in the world.

I know she will. If only she was given a chance.

Pinagpromise niya nga rin ako na tutulungan ko siyang mag plan ng mga birthday events ng bata. It's like I'm obligated to help her take care of the child. Hindi ko nga alam kung sino ang tatay noon.

I didn't know the exact details of their accident. Basta ang alam ko lang, I was devastated. Naka on-the-job training ako noon dito sa Singapore and I begged my parents to let me go home. Wala akong pakialam kahit bumagsak ako, kahit hindi ko matapos ang practicum hours ko.

Faye needed me. She needed me that time.

Pero hindi ako umabot. Noong dumating ako, wala na siya.

I lost a sister. I lost her.

Ang hindi ko maintindihan, bakit pagkatapos ng limang taon, ngayon sila ulit nagpaparamdam sa mga panaginip ko.

Galit ba si Faye sa'kin? Was she upset dahil hindi ako kaagad nakauwi?

Sometimes I wonder, may gusto ba si Faye na gawin ko?

Kung mayroon, ano? I'd like it if she can tell me even in my dreams. I'd gladly do it. I'll do anything for her.

Anything for Faye...

YELO (P.S#6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon