25

1.7K 119 64
                                    

"Tita, your cheeks are red po,”

Nadinig ko ang mahinang tawa ni Alexander ng marinig nag sinabi ni Taias. Naitakip ko naman kaagad ang aking mga kamay sa aking pisngi sa sobrang pagkahiya. I want to pinch and scold myself. Nakakahiya!

After what he said earlier, natameme na lamang ako at mas lalong napakapit sa kanya kanina hanggang sa lumapit na ang valet pagkatapos nitong maipark sa gilid ang sasakyan. Hindi ko pa siya kaagad nabitiwan dahil nanghihina ako. Ako pa mismo ang nagtago ng aking mukha sa kanyang dibdib dahil sa sobrang emosyon.

Kung hindi lang pinukaw muli ng valet ang aming atensyon ay baka hindi na ako lumayo sa kanya. That's the only time Yelo let go of me.

Kahit hindi nito sabihin, alam kong napansin nito ang kakaiba kong reaksyon sa sinabi niya.

At that time, I just felt, helpless. Pakiramdam ko alam ko na. I finally found the answer. So after we loaded everything inside the car and he got Taias properly seated, sinikap ko na huwag magsalita kahit pa noong makasakay na rin ito sa loob ng sasakyan.

Ang pagkakamali ko lang ay nilingon ko pa ang bata para siguraduhing maayos ito. Nakita niya tuloy ang pamumula ng aking pisngi.

“Mainit kasi sa labas Taias,” palusot ko.

“But it's cold sa store po,”

“Ano, ah, it's still hot for me. Magakaksakit siguro ako!” Hindi ko na nakuhang sumagot ng maayos sa bata. Ano ba kasi ang idadahilan ko e totoo naman kasi na malamig. Kahit sa kotse ay malamig kaagad dahil kanina pa ito umaandar!

Nakagat ko ang pang ibaba kong labi ng mas lumakas ang tawa ni Yelo. Napabaling kaagad sa kanya nag aking tingin. He was already driving and even after he calmed down a bit, nakikita ko pa rin ang malawak niyang ngisi.

“Pinagtatawanan mo ba 'ko?” nakasimangot kong turan. Alam niya ba na halos kapusin na ako ng hininga sa mga pinag gagagawa niya? Paano niya nagagawang tumawa?

“Nakita mo bang nakalabas ang ngipin ko?” He was trying to stop himself from laughing again pero ramdam ko, he's having fun! Napaismid ako at hindi na sumagot. How dare him?

“What do you wanna eat?”

Hindi ako sumagot. Naiinis ako. Bahala siya! Humarap ako sa may bintana at tinignan na lamang ang mga sasakyan doon.

“Arika,”

Hindi pa rin ako sumagot.

“Aki,”

Bahala siya mapagod kakatawag sa'kin! Basta naiinis ako!

“Tita Aki, Dad is calling you po,” singit ng anak nito. Kaagad akong napapikit at huminga muna ng malalim. Ang unfair! Wala akong laban kapag kasali na ang anak niya.

“Fishballs” bulong ko. Hininaan ko talaga iyon, umaasang hindi niya maririnig but considering the little space we are in right now,   siyempre narinig pa rin niya.

He scoffed, “It's lunch,”

Pinagtaasan ko ito ng kilay, “Akala ko ba sabi mo, it's fine as long as you're with me?” hamon ko sa kanya. May pasabi sabi pa siya ng ganoon tapos magrereklamo lang pala. Scammer na mapulta!

Nagkibit ako ng balikat at hindi alam kung saan ba kumukuha ng tapang at nagagawa ko g mag inarte ngayon. Or maybe because I was a little pissed off dahil inaasar niya ako.

“What's fishballs po?”

Napaungol na naman ako ng marinig ang tanong ni Taias.  I saw Yelo smirking at mas lalong natuwa. Mukhang alam nito na hindi uubra ang balak kong pag iinarte dahil kasama namin ang bata.

YELO (P.S#6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon