36

1.8K 105 70
                                    

“Arika, kanina ka pa dyan?”

Napaangat ang aking tingin ng marinig ang tinig ni Chase. He looked worried and so were the others. Nakita ko pa na napalingon rin sa aking gawi si Bobbie. Her eyes were still filled with tears kaya naman mas lalo akong nadamay sa kalungkutan nito.

It's been years ngunit ngayon lamang nakita ni Yelo ang diary. Kahit na personal na pag aari ni Mattee iyon, siguro nga ay may karapatan din si Yelo na mabasa kung anuman ang naiisip ni Mattee.

O baka naman para kay Yelo talaga iyon?

Ipinilig ko muna ang aking ulo bago tinignang muli ang mga ito. They were all looking at me in worry. Marahil ay alam ng mga ito  a narinig ko ang kanilang pinag uusapan. I forced a smile on my lips. “No, kabababa ko lang,”

Nanghihina man ay nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa kanilang gawi. I sat on an empty couch and tried my best to look comfortable kahit ang totoo ay gusto ko ng tumakbo pabalik sa silid at umiyak na lamang roon.

Natahimik ang mga ito habang si Kuya Aedree ay hindi malaman kung itutuloy ang pagpapabalik balik sa paglalakad o uupo katulad ng iba.

Maybe I should leave? Baka tama lang na bumalik na ko sa trabaho. Iyon lang naman kasi talaga ang habol ko noong una, di ba? Taias is okay now. Maybe I should save myself.

Alam ko na sinabi kong okay lang na mahal niya pa rin si Mattee, pero, hindi ko alam na sa mga ganitong pagkakataon, susubukin pa rin pala talaga ang puso ko.


Sobrang sakit e.

Bago pa may isang makapagsalita ay sabay sabay kaming napalingon ng bumukas ang pintuan. Napatayo ako ng bumungad sa amin si Yelo. He was wearing the same clothes from when I last saw him. Minatyagan ko ang kanyang mga galaw at nakahinga ng malalim ng masigurong hindi ito lango sa alak, taliwas sa aking inaasahan.

I thought he would be drunk.

“Bakit ngayon ka lang?” sita rito ng nakatatandang kapatid. Ngayon ko lang napansin na wala man lang itong suot na tsinelas. Kuya Ae must have been so worried.

Naglakad si Yelo papalapit. Kumunot ang noo nito lalo pa nga ng salubungin ito ni kuya Ae at niyakap.

“What the-” hindi nakapag si Yelo sa gulat at napabaling sa'kin ang tingin. I saw just how confused he look. Hindi ko naman nakuhang lumapit. Somehow, knowing the fact that he has Mattee's diary now, parang mayroon sa aking pumipigil na umakto katulad ng akin ng nakagawian. Parang bigla kong na-realize na hindi ko rin alam kung ano ba talaga ang lugar ko sa buhay niya.

“Nag alala kami sa'yo. Akala namin kung ano na naman ang ginagawa mo,”

“Amoy gatas ka, kuya. Layo ka nga,,” anito sabay tulak sa kapatid. “You know I was at the office. Naririndi na ako kakasagot ng sekretarya ko sa tawag niyo, mga baliw, ” dagdag pa nito.

“Si Kuya Julio iyong panay ang tawag,” sumbong ni Ulap.

“Malay ba namin sa trip mo. Mamaya mag alsa balutan ka naman at bumalik ka sa lungga mo,” bulong na naman ni Kuya Ae.

Napakamot naman si Chase sa kanyang sentido. “I told you, guys, you were overreacting,”

“Hoy kuya, umiiyak kaya asawa ko. Sino'ng oberakting?!” angil dito ni Ulap. Niyakap pa nito si Barbara na panay pa rin ang hikbi.

Naglakad muli si Yelo papalapit and this time, he was heading towards my direction. Hindi nito inalis ang tingin sa akin kaya mas lalo akong kinabahan.

Bigla ay ayaw ko siyang makausap. Natatakot ako. Papaano kung sabihin niya na hindi na niya ako kailangan rito? What if he wants me to leave?

Kaya ko ba?

And just when I was expecting the worst, natunaw lahat ng agam agam sa puso ko ng iniabot nito ang kamay sa akin. Huminto siya sa aking harapan and all I was able to do was look at his hand.

“Pinag alala ba kita? Sorry, I forgot my phone,” malumanay nitong turan. Tila ba nag aalala pa ito na baka galit ako.

Kusa nitong inabot ang aking kamay ng hindi ko tanggapin iyon. Pagkatapos ay kaagad ako nitong ikinulong sa kanyang bisig. Ang init na nagmumula sa katawan nito ay mabilis na nakapagpakalma sa akin.

Niyakap ako nito ng mahigpit at bahagya akong nanginig sa panghihina. Parang ngayon ay gusto kong bumigay at umiyak sa kanyang bisig. Masyado akong nalunod sa takot kanina na halos mawalan na ako ng pakiramdam.

“Sorry...” bulong muli nito na hinalikan pa ang aking noo.

That was a scary feeling.

Nakahinga man ng maayos ay pa rin mawala sa  puso ko ang kaunting kaba. Tila ba bigla akong nagising sa katotohanan na isang araw, sasabihin niya sa akin na "Siya pa rin," and I don't think I will ever be ready for that.

“Nag alala din naman kami pero bakit ako tinulak? Ang unfair,” bulong ng kuya niya. They all went back to their room. Si Ulap ay Bobbie ah tumawid na sa sarili nilang bahay. Sila kuya Ae ay tapos na rin ang bahay ngunit tinatamad lumipat kaya dito pa rin natutulog minsan.

Yelo guided us back to his room. Pinaupo ako nito sa gilid ng kama bago ako tinabihan. Hawka nito ang aking mga kamay na mukhang walang balak bitiwan.

“Teesha borrowed my phone earlier so she can play. After taking my secretary's call and asking Taias to go back without me, nawala sa isip ko at naiabot ko ulit kay Teesha 'yung telepono,” paliwanag nito. He was massaging my hands to calm me down. I can sense the worry in his tone. Nag aalala ba siya na baka kung ano ano ang naisip ko?

Gusto na lang biglang umiyak sa harapan niya at tanungin ito tungkol sa diary. Kasi bakit ganito? Parang may mali. Mas maiintindihan ko kung hindi siya kalmado. Mas nakakatakot na parang okay siya. Pakiramdam ko may araw na bigla na lang siyang sasabog.

Nagsimula na namang bumigat ang aking pakiramdam kahit pa nga dapat ay hindi na ako kabahan.

“Arika...” bulong nito. Nag angat ako ng tingin and seeing him looking at me made me lose it. I started crying.

In a flash, his hands were cupping my cheeks at manaka naka pa nitong pinupunahan ang aking mga luha.

Sobrang natatakot ako. I am scared of losing him. Mahal na mahal ko na siya. Oo, alam ko na pwede pa kong makahanap ng iba pero, iyong nararamdaman no ngayon, hindi ko kaya pag nawala siya sakin e.

“Sorry, huwag ka ng umiyak,” alo niya sa'kin. “Arika, listen to me,” bigla nitong turan. Nag iwas ako ng tingin dahil hindi ko na kinakaya ang sobrang emosyon.

I heard him sigh.

“Please stop crying, baby. I hate seeing you cry,”

Pinunasan niya muli ang aking pisngi bago ako kinintalan ng mabilis na halik sa mga labi. Nang lumayo ito ay nakita ko pa ang pagkataranta sa kanyang mukha.

“I love you, nasabi ko naman na dati, 'di ba?” may pag aalala nitong turan.

After hearing those words, parang huminto ang ang lahat sa aking paligid. My heart started hammering inside my chest. Sobrang lakas na ba talaga ng tibok ng puso ko at parang nabibingi ako?

Or was I too out of focus at kung ano ano na lang ang nadidinig ko.

Tama ba? Tama ako ng rinig?

-----

Hindi ko na naintindihan sinusulat ko. Kasalanan to ng panay dm e. Haha nalilito na ko putol putol sulat e. Ahhaa

YELO (P.S#6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon