“Pink na lang, Aki. Kahit anong kulay naman laban pa rin, girl!”
“Tigilan mo nga ako, Eune. Ang ligalig mo na naman eh!”
“O sige, porpol na lang, laban na talaga!” napailing na lamang ako ng marinig ang tinuran ni Eunecia. Nasa mall kami ngayon dahil gusto kong mamili ng mga gamit. Hindi naman kasi ako handa sa pagtira dito ng matagal. I know I was on indefinite leave pero may plano pa rin naman kasi akong bumalik sa trabaho, and that was after I get better.
At this point, pakiramdam ko ay maayos na ako. I can sleep longer, minsan ay tinatanghali na nga ako ng gising pero kabado ako na dahil lang daw siguro pagod ako at ang katawan ko. Hayop na Ahyessa, kung ano ano kasi ang sinasabi.
“Hoy bakit ka nagba-blush? Gaga ka, share naman ng kamunduhan sa isip mo!"
Mas lalo yatang namula ang aking pisngi sa tinuran ni Eunecia kaya hindi ko ito napigilang hampasin sa balikat.
“Ang ingay mo talaga! Bakit ikaw ang isinama ko?”
“Luh, siyempre pretty ako. Feeling ko nga ako ang pinaka-pretty sa mga babae kaya ako ang isinama mo para maambunan kita!”
Maging ang hair dresser sa harapan namin ay natatawa na lamang sa mga lumalabas sa bibig niya. Naisipan ko kasing isingit ang pagpapakulay muli ng aking buhok pabalik sa kulay na itim. Nauumay na akong marinig ang pagtawag sakin ng Smurf ni kuya.
But just thinking about what Ahyessa was implying makes my cheeks blush unintentionally. Nahuli pa tuloy ako ni Eunecia.
“Black na lang po ba talaga, Ma'am? To be honest, she's right po. Any color will suit you!”
Ngumiti na lamang ako bilang pasasalamat. Nagpa treatment na rin si Eunecia ng buhok na pinilit ko pa dahil ayaw gumastos. Ayaw niya ring tanggapin yung mga damit na binibili ko para sa kanya. Ang kuripot! Pero alam ko naman, nararamdaman ko na para kay Zari ang lahat ng ginagawa niyang iyon.
“Bakit ba kailangan ng arte arte na ganito? Nakakaantok eh, paano ako makakahanap ng pogi mamaya? Susubukan ko pa naman iyong mga turo ni Ahyessa!”
“Alam mo, bagay talaga kayong magsama ni Ahyessa. Ang ligalig niyo!”
“Pareho din kaming maganda,”
Nang tuluyang matapos ay dumaan pa kami sa isang sikat na bake shop dahil may pinapabili si Gold. Natatawa ako sa batang iyon. Ang laking bulas pero parang magkapatid lang sila ng anak niya.
Sinundo rin naman kami ni Gold. May inaasikaso kasi si Yelo na mga papeles. Nagsibalik na rin sa trabaho ang iba dahil kahit papaano ay panatag na raw ang mga ito na hindi na ulit tatakas ang kuya nila. Even Aedree was hesitant at first pero sinosopla naman ito ni Yelo palagi. Pinipilit niya kasi si Yelo na pumasok na lang rin sa opisina muna.
I realized that Aedree and Yelo are opposite but Aedree is too soft for his brother. Madalas pa itong humiling na ipagluto sila ni Yelo which the later just do for the sake of them shutting up.
“Ate, nasa rooftop po si Kuya,” napabaling ako kay Grey na mukhang malungkot ng binanggit iyon. She's okay the past few days at hindi lumilitaw si Lantis, isang bagay na ipinagpapasalamat ko dahil kinikilabutan ako sa isang iyon, though Grey is still quite aloof with me. Sabi ni Chase ay baka nagseselos lang daw ito dahil sobrang lapit daw nito sa kuya niya.
“Kanina pa ba siya roon?” tanong ko. Tumango ito bago ngumuso.
“Sige, puntahan ko na lang,”
BINABASA MO ANG
YELO (P.S#6)
Romance"You know loving him and hoping that he'll love you back is like a shoot for the moon, right?"