10

1.6K 97 38
                                    

Happy Birthday to solarisleo :) I hope you enjoy your day. I love you. 

--------------

Sinubukan kong huwag pansinin ang manaka nakang pagsulyap ni Apling Baby sa aking gawi habang tinutulungan ko siyang magtiklop ng mga damit. Tinanghali ako ng gising dahil hindi rin ako halos nakatulog.

Paano ba ako makakatulog kung paulit ulit na bumabalik sa isipan ko iyong mga sinabi ni Alexander kagabi?

Bakit ganoon siya? Basta na lang siyang nagbibitiw ng ganoong mga salita. We're not even that close! And what I hate about what happened is that, ni hindi ako nakakibo sa patutsada niya. Baka akala niya may gusto ako sa kanya?

Ew.

He's gwapo, I know but he's not my type. Masyado siyang masungit para sa'kin. Isa pa, mas gusto ko yung mga tipo na maalaga. Hindi naman siya ganoon!

"Anak, ikaw ba ang nobya ni Alexander?"

Napaigtad ako sa sobrang gulat lalo pa nga ng bahagya pa akong kinalabit ng huli. Alanganin akong ngumiti bago umiling.

"Hindi po. I'm just here for Mataias,"

Kahit pa nga mukhang ni hindi ito naniniwala ay hindi na ako nagpaliwnag pa. Bakit naman niya iisipin na ako ang nobya ni Yelo? Akala ko nga si Dorothy ang girlfriend noon! Mabuti na lamang rin at tumigil na ito sa katatanong dahil hindi ko na rin naman alam ang sasabihin ko.

Napag alaman ko na napagpaalam pala ito kay Yelo na hindi makakapasok ng dalawang araw dahil may sakit daw ang apo nito at walang mag aalaga. Sa katunayan ay hindi pa rin daw ito magaling kaya baka magpaalam itong muli.

It turns out that she normally goes here in the morning to cook food mostly for Taias. Bahagya tuloy akong nairita dahil ibig sabihin noon ay madalas na malamig na ang kinakain ng bata. Pinanghahawakan ko na lamang ang sinabi ni Taias noon na sinasabayan siya ng kanyang ama na maghapunan.

Halos alas nueve na nginut hindi ko pa rin nakikitang lumalabas ng kanilang silid sila Yelo kaya napilitan na lamang akong pauawiin si Aling Baby. Masyado ng late para hintayin pa niya itong magising.

Nang tumuntong ng alas nueve y medya ay nagsimula na akong maghain ng mga pagkain. I wonder if Taias is still asleep. Kailangan nitong bumangon para makakain. Nang makapaghain ay nagtungo na ako sa kanilang silid. Surprisingly, the door was not fully close. Inisip ko, was it a signal for me to come in?

Napalunok ako. Ang aking kamay ay mabilis na napahawak sa aking dibdib nang muking maalala ang mga salitang tinuran ni Yelo kagabi. My cheeks blushed almost immediately. Naipaypay ko pa ang isa kaong kamay sa tapat ng aking mukha dahil para akong biglang nainitan.

"Arika, stop! My God, what are you even thinking?" saway ko sa aking sarili. Nakagat ko ang pang ibaba kong labi at pinigilan pang bumulong muli, Nagmumukha na yata akong baliw sa aking inaasal.

"Should I come in? Pero baka kasi magalit siya. He's so masungit pa naman. Pero wh- ay lizard!" I almost screamed so loud when the door swung fully open, revealing Alexander, on his all black pajamas, his hair disheveled but that didn't make him look any less attractive.

His eye bore into mine, napakadilim noon at pakiramdam ko ay lalamunin ako ng kadilimang bumabalot sa kanyang paligid. Pakiramdam ko ay unti unti akong hinihigop ng kanyang titig at sa kung hindi malamang dahilan ay parang nangatog bigla ang aking mga tuhod. And as a reflex ay mabilis akong napakapit sa dingding bago nag iwas ng tingin.

Ang lakas pa rin ng kabog ng aking dibdib.

I saw him taking a step forward, and another hanggang sa halos tumama na ang aking mukha sa kanyang dibdib.

YELO (P.S#6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon