“Are you sure about this?” nakakunot kaagad ang noo ni Kuya lalo pa nga ng ibaba nito ang aking maleta sa harapan ng isang bahay.
Medyo malaki iyon sa karaniwang bahay lalo pa nga kung ikukumpara mo sa mga nadaanan naming tahanan kanina ngunit hindi rin naman ako nagtaka. I know they are rich, like crazy rich. At least hindi naman lalaki sa hirap ang bata.
Narinig ko ang tunog ng pagsara ng pintuan ng sasakyan kaya nilingon ko itong muli.
“Yeah, don't worry about me kuya. I told you naman 'di ba? I think this is what will make me feel better,”
Kagat kagat nito ang pang ibabang labi at tila ba hindi mapakali. Napapatingin pa siya sa gawi ng bahay na akala mo pa ay may biglang lalabas roon na malaking halimaw.
Wala naman siguro. The place looked good enough. Isa pa ay hindi naman ako naniniwala sa mga ganoon, halimaw and other beings? Mas dapat na kinakatakutan iyong mga buhay. They can hurt you.
“Baka ako naman ang dalawin ni Faye kapag ikaw ang napahamak rito,” daing nito. Kuya is cute when he's worried.
“Alam ko na, kuya. I get it. He's masungit and reserved. Pero hindi naman siguro siya nananapak ng babae, 'di ba? I mean, considering how he was raised from a well-off family tapos sasapakin niya 'ko?”
Nagkibit ito ng balikat. He was looking at me like I said something interesting.
“Alam mo, hindi naman malabo. Ako nga parang gusto kitang sapakin minsan kasi ang pangit rin ng tabas ng dila mo eh,”
Nasapo ko muna ang aking dibdib at nagkunwaring na-offend sa kanyang tinuran.
“Alam mo kuya, kaya ka iniwan eh,”
“Fuck you, alam mo din ba iyon?”’
Tumango ako kaagad na ikinatawa niya.
“Arika, you haven't seen the guy. Baka umatras ka kapag nakita mo 'yon,”
“Why?” taka kong tanong. “So what naman kung he's not good looking? I'm here for the kid no! Duh. I have preferences too and I know what I like for a man. Please don't even think that I'll like that guy,” ingos ko. Hindi ako madaling magkagusto.
Napangisi muna ito, “Iyang mga nagbibitiw ng mga ganyang salita ang unang nahuhulog. Cheering for you, couz'. Maghihintay ako sa pag iyak iyak mo in the future,”
Pinamaywangan ko siya at tuluyang hinarap, “Hindi ko pa rin matatalo yung level ng pagkawarak ng puso mo kuya, if ever,”
Pinaningkitan ako nito ng mga mata. Halatang napipikon na.
“Alam mo, I'll let you deal with the devil na lang. Bahala ka. Huwag kang uuwi sa'kin na ngumangawa kapag binuhusan ka ng kumukulong tubig noon,”
Agad akong napangiwi. Iniisip ko pa lang kung gaano kasakit iyon, hindi ko na ma-imagine. Ganoon ba siyang klase ng tao na magagawa niya sa'kin iyon?
How barbaric! Baka ako na lang ang sumapak sa kanya if gawin niya iyon sa'kin. I am well-trained in terms of martial arts. Kinailangan ko iyon lalo pa nga at naninirahan ako malayo sa aking pamilya.
Naramdaman ko ang pagkurot ni kuya sa aking pisngi.
“Aray naman!” Hinampas ko ang kanyang kamay at narinig ko siyang tumawa.
“Tignan ko lang kung uubra 'yang bunganga mo kay Alexander,”
Iiling iling pa ito at umikot na sa sasakyan. Malawak ang kanyang ngiti na tila ba may kalokohang naiinisip.
BINABASA MO ANG
YELO (P.S#6)
Romansa"You know loving him and hoping that he'll love you back is like a shoot for the moon, right?"